HAPPY LANTERN FESTIVAL
February 28. Last day of the 2nd month of the year. Also last day of the love month. And this 2010, in the land of the yellow race its holiday... yahoooooo. On what ocassion? Well, for chinese people it is the 15th day of the first lunar month of the Chinese calendar. On this day, they celebrate the Lantern Festival aka Yuan-Xiao. It is also marked that Chinese New Year ends. Based on what i heard & red, on this 15th day of the first lunar month , it is the birthday of what they called the Heaven Officer who blesses human luck while on the 15th day of the 7th month (which is August on the Roman Calendar) is the birthday of the Hell Officer who has the right to pardon ghosts.

Lantern Festival, ito yung celebration na kung saan nagpapalipad ang mga chinese (minsan kahit hindi chinese) especially dito sa Taiwan ng lantern na made in paper na naglalaman ng kanilang wishes & prayers na kilala din sa tawag na Sky Lantern Festival. Kase sabi ng mga matatandang bulaan dito na, this lanterns will reached heaven wherein the God recieved their wishes and will give them blessing.


At eto ang kakaiba sa mga intsik beho na to ito, dito rin daw sa araw na ito sineselebreyt ang tinatawag na SON-In-Law Day (meganun!). Actually sineselebreyt ito tuwing second day of the year. Itong selebrasyon na ito naman ay para sa mga newlyweds. Kung paano? Heto. Sa araw na ito kailangan ihatid ng groom ang bride sa bahay nila, siyempre special guest si groom ng kanyang mother-in-law (kase kailangan tabihan ni groom si mother-in-law sa pagtulog...hehehe), joke siyempre yun. Kailangan may dala ang newlyweds ng mga gifts or suhol sa magulang ng babae, in reward bibigyan naman sila ng surprise package na two lotus lanterns (kung anuman ang itsura ng lotus lanterns ay di ko alam, isearch mo na lang pag may time ka.) Usually dalawa yun (kaya nga two eh, tanga) at kulay pula at puti (kontrapelo na...sa pulaahhhh, sa putihhhh, sinu angggg magwawagi...sa eat bulaga yan kung hundi mo alam.) na isasabit ng mag-asawa sa kanilang bahay. At sa araw ng Lantern Festival itatabi at isasabit ng bagong mag-asawa ang parol sa kanila bed (kung paano nila isabit!, hindi ko alam, kase hindi ako chinese) at lalagyan ng kandila at hihintaying masunog ang parol. At magpupustahan ang dalawa kung alin ang unang mauubos ng apoy (joke). Ayon sa mahiwagang libro ni Tata Temyong ng Panday kapag unang natupok ng apoy ay ang pula, babae ang magiging first born nila at lalaki naman kapag puti ang nauna.

Happy Lanterns Festival po sa inyong lahat. And lets offer some prayers for our brothers & sisters who perished on the earthquake that hits Chile yesterday, February 27.


Binasa mula sa :
www.chinesefortunecalendar.com/Lantern Festival.htm
TWO GLASSES of WINE
When things in your life seem almost too much to handle, when 24 hours in a day are not enough, I have something to share with, a little story that I've red from my email early this morning. It is the story of the mayonnaise jar and the 2 glasses of wine theory...


A professor stood before his philosophy class with some items on his
desk in front of him. When the class began, wordlessly, he picked up a
very large and empty mayonnaise jar and proceeded to fill it with golf
balls.
He then asked the students if the jar was full. They agreed that it was.

The professor then picked up a box of pebbles and poured them into the
jar. He shook the jar lightly. The pebbles rolled into the open areas
between the golf balls. He then asked the students again if the jar was
full. They agreed it was.

The professor next picked up a box of sand and poured it into the jar.
Of course, the sand filled up everything else. He asked once more if the
jar was full. The students responded with a unanimous
"YES."

The professor then produced two glasses of wine from under the table and
poured the entire contents into the jar, effectively filling the empty
space between the sand. The students laughed.

"Now," said the professor, as the laughter subsided, "I want you to
recognize that this jar represents your life. The golf balls are the
important things; your family, your children, your health, your friends,
and your favourite passions; things that if everything else was lost and
only they remained, your life would still be full.

The pebbles are the other things that matter like your job, your house,
and your car. The sand is everything else; the small stuff.

If you put the sand into the jar first", he continued, "there is no room
for the pebbles or the golf balls. The same goes for life. If you spend
all your time and energy on the small stuff, you will never have room
for the good things that are important to you.

Pay attention to the things that are critical to your happiness. Play
with your children. Take time to get medical checkups. Take your partner
out to dinner. Play another 18 holes. Do one more run down the ski slope.
There will always be time to clean the house and fix the disposal. Take
care of the golf balls first; the things that really matter. Set your
priorities. The rest is just sand."

One of the students raised her hand and inquired what the wine
represented.

The professor smiled. "I'm glad you asked. It just goes to show you that
no matter how full your life may seem, there's always room for a couple
of glasses of wine with a friend."

*************************************
No matter how full your life is, give your self a chance to celebrate.
Treat yourself.
Watch movies. Have a small talk with mom & dad. Mingle with your siblings & friends.
H
ave time to relax. And b
e thankful for a day that was.

Remember,
Life is Beautiful.
WAN...TU...TRI...(INTERNATIONAL EDITION)
wan.....tu.....tri, saan ba natin laging naririnig yan? Una, kapag kodakan o piktyuran at kapa binaligtan naman (hindi ko sinabing ibaligtad ang pagbabasa!) tri...tu...wan, (may tama ka!) kapag.... may countdown. Ikalawa, sa school kapag tinuruan tayong magbilang, sila ang unang tatlong bilang ng numero, at ikatlo, heto na, sa mga drayber ng dyip, isa itong omen kumbaga, lalo na't mga estudyante ang sasakay...pertaining to those who are not paying their fare. Naalaala ko nung college ako, yung mga drayber ng San Andres Bukid - Padre Faura bound, ayaw magpasakay ng mga estudyante ng Araullo High kase ba naman babae at lalaki mahilig mag wan...tu...tri. At dahil popoy inosentes pa ko nun hindi ko alam ang ibig sabihin ng 1,2,3, hanggang isang araw sa pagmamadali at dahil pre-lims namin, nakasalubong ko ang isang poste ng Meralco sa tapat ng Manila Science High na siyang nagbigay daan upang mabigkas ko ang mga katagang wan...tu...tri... sabay takbo. Simula noon hindi na ko Popoy Inosentes bagkus isa na kong henyo sa Pinoy Henyo Pop Cola Edition.

Dahil isa lang akong estudyante ng isang State U sa Manila, nagobserve ako sa ibat ibang paraan ng paggamit ng 1,2,3 sa dyip. Bukod sa pagsabit kahit maluwag ang loob, may ibang pang paraan, gaya ng abot system, yung uupo ka mismo sa dulo sa malapit sa likod ng drayber. And this is how it goes, iaabot ng di mo knows na pasengger ang mismong bayad nya, tapos pag ikaw na ang magaabot, sasabihin mo, sa mahinang boses na kayo lang ng drayber ang makakarinig na "ma!, bayad ko!!!" (kapalmuks din ang tawag dyan). Next eto naman, uupo ka sa malapit sa babaan taz kapag nagred na ang stop light, siyempre parang stop dance at duon mo paiiralin ang kapangyarihan mong magfreeze ng time at kapag all set na sa mind mo na nakafreeze na sila, go to the next level, sibat to the max ka na...Minsan yung ibang kapalmuks dahil talagang wala pambayad, parang wala lang, nagfefeeling feelingan na lang sya na amin tong dyip na to, may reklamo. At para doon naman sa tapat na nagbabayad, isa kayong mabuting citizen ng bansang Pilipinas at siyempre kasama ako dun, hehehe.

Kahapon dahil linggo at restday ko tapos maganda pa ang sikat ng araw kahit na malamig pa rin ang panahon, lumabas ako at nagplanong pumunta ng citeeeeeee para lang kumain sa subway at mag-sip ng coffee sa starbucks while reminiscing life. At dahil nakasabay ko ang isa kong katropa sa ibang company naiba ng way ang lakad ko instead na sa city at the south, napunta ako sa city at the north where the Gotham City is. At siyempre we need to used train para makarating doon, at dahil wala kaming timetable ng train, sakto na pagdating namin dumating ang tren, but then we need to get ticket first para makapasok, since na mahaba ang pila dahil sa mga tatanga tanga Vietnamese na mga mukhang suso (snail), hindi na kami nagbayad ng ticket at nagdecide na sa loob na lang ng tren magbabayad, kase usually may konduktor naman na nagtiticket sa loob. So patakbong kaming pumasok sa flatform 9 & three quarters kahit na habol ang tingin ng guard samin... keber. Bago namin sapitin ang station na babaan namin, dadaan muna ang tren sa ilang piling station sa ilang piling suking tindahan para tanungin kung may copy sila ng pelikula nina Bea at JohnLloyd (avid fan sila,hehehe). Dahil sa hindi pa nga kami nakakabayad (oo, akoy isang tapat na mamamayang Pilipino sa ibang bansa...walang kokontra) patumbling kong hinanap ang konduktor simula sa carrier 1 to carrier 9 ng tren , kaso nabigo ako, wala siya, hindi ko alam kung sumaydlyn pa si manong. So ang nangyari nakarating kami sa station na bababaan namin ng di pa nagbabayad.

At heto na, siyempre nakalabas na kami ng tren na baliktaran ang upuan, (oo, hindi siya katulad ng nasa gilid lang ang upuan or yung by row & column, pa letter L siya na salitan), paglabas namin tren, may inspector sa paglabas at kelangan isurrender ang ticket para daw may koleksyon at memorabillia sila, hehehe. Dahil nga wala kaming ticket at hindi makakalabas ng wala nun, naghanap kami ng adjustment booth para magbayad, namputsa ng makita namin kung magkano ang babayaran plus 50% ng fare mula sa pinanggalingan mo, so ang magyayari aabot ng kulang kulang at mahigit ang babayaran namin each, eh wala pa naman akong withdraw (as if may wiwithdrawhin). Dito na biglang pumasok ang mahiwagang bumbilya na umiilaw sa bandang right side ng ulo mo sa panahon ng pangangailangan. At dito ko rin ipinasok ang isa kong natutunan sa mga 1,2,3 dyip experience ko. Kahit na kinakabahan, (alam mo yung isang, hoy lang, mapapaihi ka na) I freeze the time then sumabay sa karamihan at nagfeeling na akin tong tren na to &...walahhh!!!, I made it. Napa shit ako paglabas namin ng tropa ko, for the very first time ay hindi second time pala in my life na nag wan..tu...tri ako, dito ako kinabahan ng todo, alam mo yung feeling ng halos lahat ng tao nakatangin sa yo at nagsasabing, ayan kase, tarantado ka kase at kung anu anu pa, na para bang kasalanan mo bakit magkakaroong end of the world sa 2012, ganun ganun mismo ang feeling ko ng time na yun. At dahil dyan may nag textttttttttttt.....

"this is the guard from the train station, we caught you & your friend on the camera for not surrendering your ticket where you are off to. Please report tomorrow for a coffee time & a little chat cause i found out your HOTTTT."

HAPPY WEEKDAYS!!!
Kwentong 'Wala Lang'
May mga bagay tayong nakasanayan sa Pilipinas na pagdating sa ibang bansa naiiba ang lahat ng ito. Mga gawing spiritwal, pansarili at minsan ang pang-araw araw na buhay. Kanina umattend ako ng mass at ngayong araw na ito namin isinagawa ang ash wednesday na supposed to be & obviously dapat nuong miyerkules. At kahit naging ash saturday, natuwa naman ako sa dami ng tao nagsimba, and it only means that, hindi pa din nawawala sa ating mga pinoy kahit dito sa abroad ang pagiging makarelihiyoso. Marami pa rin sa atin ang naniniwala kay papa Jesus, minsan nga naiisip ko, kung di pa tayo malalayo sa ating pamilya, hindi pa natin makikilala si Jesus. At ito din ang hudyat na nalalapit na ang mahal na araw, (lent season na ayon sa simbahan) panahon ng pagtitika, ng bisita iglesia, panahon ng reunion, ng tulian, ng pelikulang ITIM at ng mga noranians (dito kase usually puro nora aunor ang palabas sa TV). Naalaala ko tuloy ang kabataan ko, sabi ng matatandang bulaan sa lugar namin bawal daw maligo kapag mahal na araw, kaya hayun kahit amoy araw kami hindi kami naliligo, at sa araw din ng Holy Thursday at Good Friday, bawal masugatan kase hindi daw gagaling (kung magkagayon, panu ang mga nagpatuli?)

Dito ko rin nakita sa ibang bansa at naobserbahan na ang dating may asawa sa Pinas, ay isang binata o dalaga kapag nakatungtong na ng ibang lupa. Dala siguro ng pangungulila sa asawang naiwan, marami sa ating kababayan ang madaling matukso, na kadalasan ay humahantong sa pagkasira ng isang pamilya. Ang pinanghihinayangan ko lang, karamihan at usually na pumapatol sa mga may asawa ay iyong mga totoong dalaga, sa isip-isip ko siguro magaling lang talaga ang may asawa sa pag-aalaga, sa sex at sa pambobola versus sa mga totoong binata. (bitter... kase walang date ng valentines). At para sa mga faithful sa kanilang mga asawang naiwan sa Pinas, mabuhay kayo at sana wala kayong kalyo sa kamay...hehehe.

Pasensya na kayo dala siguro ng isang linggong ulan at lamig ng panahon na umaabot ng laging 10 to 11 degree,s ito lang ang nailabas ng aking utak at emosyon, ang maging bitter sa may mga karelasyon...hehehehe
VALENTINES SLASH NEW YEAR






HAPI PUSO mga kaibigan, katropa, kabloga, kapamilya, kabagang, kafarmville, kapuso, kafezbuk at kafuzbuk, kafriendster, katomaan at lahat lahat na sa inyo. Plano sa araw na ito... bale kahapon bago ang araw na ng mga puso nagdisco kami sa PADIS point Chungli ng mga ilan at pili kong mga kaibigan, kachoir, at kawork. At kahit walang liguan pumasok ako diretso sa trabaho ng 830 ng gabi at siyempre tulad ng dati, ang company ang naging kanlungan ng pagal kong katawan at namamaga kong mata, kebs kung makita ni boss (buti na lang at chinese new year, kaya walang amo).

Speaking of Chinese New Year, ngayon ay taon ng Golden Tiger at the same time ay balentayms day din. Second instance na sabay ang dalawang okasyon na ito, una noong 1950 at ngayon ang ikalawa. (tuloy confused ang mga chinese kung kanino sasama sa araw na ito kung sa GF or sa FAMILY). Sinasabi na taglay ng isang ipinanganak sa taon ng mga tigre ang pagiging Courageous, active, and self-assured. Optimistic, passionate and independent. Rebellious, dynamic, and unpredictable. Quick tempered but considerate. Affectionate but careless.

At ilan sa mga sikat na personalidad ang ipinanganak sa taon ng mga tigre ay sina Agatha Christie, Crystal Gayle, Cybill Shepherd, Demi Moore, Diana Rigg, Elizabeth Kubler-Ross, Hilary Swank, Jodie Foster, Marilyn Monroe, Mary Queen of Scots, Norma Shearer, Penelope Cruz, Queen Elizabeth II, Rosie O'Donnell, and Tom Cruise.(taray naman ng mga tigre, si tom cruise at Queen Elizabeth ang ka-lebel).

Muli akoy bumabati sa lahat ng HAPPY VALENTINES DAY at HAPPY LUNAR YEAR to ALL!!!

source: www.springsgreetingscard.com

Minsan ako'y nangarap...
Minsan ako'y nangarap...
...ng magandang bahay.
...ng magandang sasakyan.
...ng magandang damit.
...at ng magandang pamumuhay.

Minsan ako'y nangarap..
...para sa nanay at tatay ko.
...para sa kapatid kong bagong gradweyt.
...para sa sarili ko.
...at para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko.

Minsan ako'y nangarap...
...makarating ng ibang bansa.
...makarating pa sa iba pang bansa.
...makarating sa bansang may yelo.
...upang doon kumita at makaipon.

Minsan ako'y nangarap...

Ang sarap kung ang lahat ng pangarap mo'y magkakatotoo. Paano kung pangarap mo ay bigla na lang naglaho ng parang bula? Ano ang gagawin mo? Minsan ako'y nangarap na makapunta at makapagtrabaho sa Hilagang parte ng kontinenteng Amerika, sa pag-asang kumita ng malaki para sa pamilya, para mapaayos ang bahay na halos magswimming sa loob habang umuulan. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nakunteto dito sa bansa ng mga taong dilaw (Yellow Race) gayong halos 6 years na rin naman akong naandito, gayong hindi rin naman kaliitan ang kinikita dito. Siguro nga or totoo talagang walang kakuntentuhan ang tao, (binigyan na nga ng Diyos ng isa, humihirit pa). Haizzt!!! Panahon, oras, at pera ang nasayang. Na-ban pa ako ng two years sa pagaaply ng visa patungong sa bansa sa Hilagang Amerika. Nagkarecord pa tuloy at kasabay ng mga niyebeng unti unting natutunaw ay ang mga pangarap ko sa aking pamilya at sa aking kinabukasan. Tsk! Tsk! Tsk!

Pero hindi natin kailangan sumuko sa anumang kabiguang ating naranasan bagkus ito ang magiging sandata natin upang harapin ang anumang hamon ng buhay (GMA-Kapuso), upang muling mangarap, muling tuparin at sundin ang anumang plano ng Dakilang Lumikha. Siguro nga hindi plano ng Diyos na akoy makarating sa bansang puno ng yelo, siguro dahil sa...A) akoy may rayuma, B) baka hindi ko kayanin ang lamig at akoy manigas at bawian ng buhay ng maaga, C) baka gamitin ko sa halohalo ang mga yelo naandun, D) ambisyoso akong pumuti or E) lahat ng nabanggit di angkop sa mga batang manonood patnubay ng magulang ang kailangan.

Anim na buwan mula ngayon, babalik na ako sa lupang sinilangan. Muli magsisimula ako sa umpisa. Umpisa ng bagong pag-asa ng naayon sa kagustuhan ng Diyos. Lately kasi, feeling ko anlayo layo ko sa KANYA, andami kong tanong na halos lahat ng kasagutan ay SIYA. O siya, matutulog na muna ako, pasok pa mamaya...

My Friend
Friends come & go and one thing that i learned from them is to stand right beside you even on the times of your fall. To all my friends out there, i offer this song of praise for you...



SAMUT SARING HINAING PAG LASING
hay!!!ambilis talaga ng panahon akalain mo pebrero na. Nakakadalawang buwan na ng 2010 tayong naglolokohan este nagbibigayan ng inspirasyon at nagpapasaya sa isat isa. Anyways hi-way, bago ang lahat nais ko munang bumati sa inyo mga kabloga ng isang maligayamg araw ng mga puso, tutal a-kwatro na naman ngayon pede nang bumati kase parehas lang namang may 4 sa 14. Isa pa wala din naman akong kabalentayms at magbibitter biteran din naman ako sa araw na yon, kaya ngayon na ako babati sa inyong lahat ng ...HAPI PUSO...Nalaala ko tuloy ang last na balentayms ko sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ambilis ding nawala ng lahat. In the first place, ako naman ang may kasalanan, may mga bagay akong dapat asikasuhin at ayusin sa sarili ko, at sa pamilya ko. Hindi pa rin siguro ako handa sa ganoong estado ng buhay or selfish lang siguro ako, ayaw ko pang igive-up ang buhay binata ko. Siguro nga ganun lang ang buhay, pag ok ang career mo, wala kang lablayp pero, pag may lablayp ka walang kang career (waw! anshobiz ah). Ang kaso parehas akong wala ng lablayp at karir...haizzzzt, hirap talagang magsulat ng lasing, kung anu-ano na lang pumapasok sa kukute...

Maiba naman tayo kase hindi ako sanay sa mga seryosong usapan at sa mga makabagbag damdaming kwento ng buhay, at tutal malapit na naman ang eleksyon, panahon na naman ng lokohan, marami sa ating mga kandidato ang kanya kanyang paraan para makuha ang simpatya ng tao, kanya kanya na namang pagpapapogi ang mga kandidato isa na diyan si GIBO (tignan ang commercial na ito), ito ba ang dapat mamuno ng isang bansa, walang alam gawin kundi ang magpakyut at ipagmalaki ang kanyang dimples (kung meron man) at ang kanyang shades...hehehe, at isa pa avid fan siguro ni DARNA si Gibo kase nais niyang lumipad...hehehe...Peace po!!! Bakit ganun ilang eleksyon na ang nagdaan pero hindi pa rin tayo natututo, marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang pakialam, marami pa rin ang ipinagpapalit ang karapatan sa konting halaga, marami pa rin ang gumagamit ng dahas para lang makamit ang ninanais na pwesto. Nung bata ako lagi kong tanong bakit andaming nagnanais maging presidente gayong sabi nila wala daw naman itong sweldo. Siguro nga musmos pa ko noon kaya hindi ko makita ang kasagutan, salamat na lang at may pelikulang GAMITAN starring maui taylor (anong koneksyon), well simply the word itself, gamitan.

Sana sa lahat ng mga kandidato at mananalo, naway tuparin niyno ang lahat ng inyong ipinangako sa taumbayan.

Sa mga boboto, naway maipahayag ninyo ang karapatang pumili ng taong karapat dapat sa pwesto, naway hindi rin kayo masilaw konting halaga na ang kapalit ay ang inyong boto at dangal...naks!!!

Sa aking kapwa na nasa ibang bansa at sa mga hindi makakaboto, ang ating samasamang panalangin ay isang malakas na sandata upang maging maayos at maging mapayapa nalalapit na halalan.

At sa lahat nawa'y magago este mabago kayo ng mga jokes na ito:

HOLDAPER vs POLITICIAN
Tanong: Anong difference ng holdupper sa politician?
Sagot: Ang holdupper magnanakaw muna saka tatakbo. Ang politician tatakbo muna bago magnanakaw.

POLITICAL STARS
Juan: Alam mo, pag nakakakita ako ng bituin, naaalala ko ang mga ploticians natin.
Pedro: Bakit? Dahil bright sila?
Juan: Hindi, dahil sila'y ko-corrupt-corrupt!!!

EASY OPERATION
According to surgeons, politicians are the easiest to operate on. Because they are no guts, no heart & no spine. And the head and ass are interchangeable.

ASENSO TALAGA
Dati-rati, kung gusto mong magrebelde, akyat ka sa bundok.
Ngayon, kung gusto mong magrebelde, akyat ka sa HOTEL!

Sinong may sabing wala tayong asenso...


Muli akoy bumabati sa inyo ng HAPI PUSO, tapos HAPI EASTER next month, then HAPI FIESTA sa next next month at nawa'y maging maayos, matiwasay at mapayapa ang darating na halalan sa atin.
Blog Widget by LinkWithin