Dahil malapit na naman ang Pasko, at habang ang maraming couples at mga bata ang nagsasaya ang ilan namang miyembro ng SMP at mga heartbroken ay kumakanta ng "ang disyembre ko ay malungkot" with matching subo ng ham na dapat ay handa na pang-Noche Buena. At ayon sa sarbey, dumadami na daw ang single sa Pilipinas (ngealam ang sarbey na yan!) kaya naman heto ako at nakahalukay ng mga dahilan ng kung bakit ang mga single ay tinatawag na single...
Top 11 Reasons ng mga Single
#11-DESTINY ADIK (bahala na raw ang tadhana at naniniwala sa kasabing "hindi pa kasi siya ipinapanganak eh!")
#10-PERFECTIONIST (gusto yatang maging BF/GF eh si Prince William o si Kim Kardashian. In short, AMBI [ambisyoso/ambisyosa])
#09-BUSY BUSYHAN o WALANG TIME (pero ang totoo, walang magkagusto. Sabi nga sa isang gay contest, "aanhin mo ang ganda, kung wala namang dyowa")
#08-BORN TO BE ALONE (sila yung naniniwala sa idea ng single-blessedness o may pangarap maging PARI at MADRE)
#07-HAPPY GO LUCKY (nag-eenjoy sa 'tikim tikim lang' theory)
#06-FRIENDSHIP THEORY (hindi maamin ang totoong feelings sa kaibigan, kasi takot iwan, kaya naman masaya na at secretly in love ke friend)
#05-WRONG TIME o HINDI PA TIME (feeling eh may pagkakamali pang iba)
#04-WRONG PLACE o HINDI NAAYON SA FENG SHUI (feeling eh nasa maling lugar)
#03-RATED PG o STRICT ANG PARENTS (sila yung idinidepende kila mommy at daddy ang desisyon)
#02-TRAUMATIC EXPERIENCE (sila naman yung nasaktan sa sex ng minsan at ayaw ng maulit pa)
#01-EX TO THE 10th POWER (mga taong nagkukunwaring nakamove-on na pero si EX pa rin ang gusto)
Anu-ano man ang dahilan ng pagiging single nila ay wala na tayong pakialam dun (malay mo pangit lang talaga siya). Siguro its their choice. Married ka nga, pero hindi mo naman kayang paninidigan ang responsibilidad mo bilang taong may-asawa o nabubuhay ka sa pagkukunwari, mabuti pa yung single na patuloy na naniniwala at nabubuhay sa katotohan. Sa katotohanan na ang pag-aasawa ay isang responsibilidad na hindi dapat sinusukuan at iniiwan sa gitna ng anumang hamon ng buhay...
52 Days na lang............
PASKO na!!!!!!!!!!!!!
Wala pa ring Biyenannnnn!!!!!!!!
Lolz!
**********
**********
***********
2. Kung hindi niyo naman kaya ang yung iPAD o iPhone. Pwede na rin itong Sony ALPHA A77.
PASKO na!!!!!!!!!!!!!
Wala pa ring Biyenannnnn!!!!!!!!
Lolz!
**********
Tuwing sasapit ang araw na ito, at habang ang lahat ay masaya at umaawit ng "Pasko na Naman, O kay Tulin ng Araw" o ng "Merry Christmas, Happy Holidays" ng N'Sync, ito naman ang inaawit ko....
"Ang Disyemre ko ay Malungkot. Hinahanap hanap kita". (teka, yan ba ang tamang title?)
**********
SMP. Samahan ng Malalamig ang Pasko. Iyan ang tawag kapag sasapit ang pasko't single ka pa.
Samahan. Subalit walang organizer, walang presidente at wala ring registered members.
Malamig. Huh! wala namang winter sa Pilipinas. Paano naging malamig? Lolz! Paano naman ang nasa down under kung sa kanila ay summer ngayon. Kunsabagay pede ring Mainit, siguro para sa hindi single ito, kapag sinabing Samahan ng Maiinit ang Pasko.
Pasko. Ito ay para sa lahat. Ito ang sinasabing kapanganakan ni Papa Jesas[Jesus]. Lahat nagmamahalan (mahalin mo ako, & i will love you back, 100% percent guaranteed or call 0800-XMAS-LOVE). Lahat masaya at lahat nagbibigayan....
At dahil diyan, ito lang ang wish list ko ngayong Christmas 2011. (kung maka-segway, andame kong sinabe, x'mas list lang pala ang tinutumbok. hahaha).
***********
My Christmas Wish List 2011...
1. Hindi naman ako techie na tao, at wala akong hilig sa mga gadgets. Kaya pili ka na sa picture sa baba, maalin man sa dalawa, pwedeng pede. Lolz!
2. Kung hindi niyo naman kaya ang yung iPAD o iPhone. Pwede na rin itong Sony ALPHA A77.
(look at this picture, gumagalaw!)
3. Sa sobrang simple kong tao, kahit na isa lang sa mga MONT BLANC perfumes na ito, Individuel o Presence, huwag na yung Starwalker, meron na kasi ako nun. Lol!
| INDIVIDUEL |
| PRESENCE |
| STARWALKER |
4. Kung willing kayong magbigay ng mga early christmas present o out of budget kayo, movie ticket for BREAKING DAWN Part 1 is much appreciated.
5. At higit sa lahat ang taos at mula sa puso niyong pagbibigay ng PICTURE GREETING sa nalalapit kong kaarawan, ilang araw bago ang PASKO.
Sa LIMA na nakatala sa napakarami kong wish ngayong pasko, yung huli ang mas higit na inaasahan ko sa inyo, mga mahal kong ka-bloggers. Sa mga nais magbigay ng kanilang PIC-GREET, maari pong isangguni at ihulog sa mga drop boxes na may nakasulat na iamrexbathan[at]gmail[dot]com, malapit sa SOGO at ANITO hotel ang inyong pictyur.
Thank you in advance & don't forget.... to GIVE love on Christmas Day & to give PIC-GREET before the Christmas Day. Lol!
While everyone is fonded by scary and horrible stories yesterday as they celebrate Holloween & stuff, I and the whole Filipino workers of our company, GLOBAL TESTING, are suffering on the most horrifying thing that ever happened on our journey as an OFW............
......WALA NA KAMING PIENTANG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Well, for those who dont know what pientang is, it is chinese word for, a box of food, packed as LUNCH or DINNER that can be bought in a restaurant. Usually it contains rice, veggies, side dishes & pork or chicken, just like this.
Our company decided not to continue their share in our meal allowance. Their reason is, the company is suffering and affected by the global crisis, that's why they need to cut out our meal allowance. Take note, we're on crisis since 2008! Shit!
Started yesterday, November 1, we will the one who'll gonna provide our food. Well, on the bright side we can eat whatever we wanted.
But the bad thing is...........
Im running out of budget...........
Damn!
......WALA NA KAMING PIENTANG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Well, for those who dont know what pientang is, it is chinese word for, a box of food, packed as LUNCH or DINNER that can be bought in a restaurant. Usually it contains rice, veggies, side dishes & pork or chicken, just like this.
Our company decided not to continue their share in our meal allowance. Their reason is, the company is suffering and affected by the global crisis, that's why they need to cut out our meal allowance. Take note, we're on crisis since 2008! Shit!
Started yesterday, November 1, we will the one who'll gonna provide our food. Well, on the bright side we can eat whatever we wanted.
But the bad thing is...........
Im running out of budget...........
Damn!
Ilang araw na lang Undas na naman. Sa amin sa Batangas UNDRAS ang tawag, at kung tatanungin mo ako kung bakit may letter na nadagdag, wala akong kasalanan, ang tanging kasalanan ko lang ay ipinanganak akong gwapo. Lolz!
Kung sa amin sa Batangas ay undras ang tawag, sa iba namang nilalang at nagkakatawang tao, ito at HALLOWEEN (yesss! hongzuxial). At ang isa sa panakagusto ko tuwing sasapit ang araw na ito ay yung tinatawag na UNDRASAN o UNDASAN. Explain UNDRASAN? Kung kayo ay namatayan sa year na ito at first time niyang[the dead] magnonovember 1 or first time niyang wala sa piling niyo tuwing sasapit ang season na ito, walah! kayo ay may instant undrasan...hehehe.
Mga kailangang sangkap kapag may undrasan. (sangkap talaga? lol)
1. Dalawang kandila, usually yung kulay yellow na mahahaba,
2. Pictyur ng namatay na nakangiti, kelangan yung pinakamaganda dahil kung hindi maookray lang siya ng mga magdadasal. Kung wala naman pede na rin ang grad pic niya....... nung kinder,
3. Telang puti,
4. Mesa,
5. Prayer book at rosaryo
6. At siyempre kelangang may..... SUMANNNNN. (hindi ko alam kung bakit suman lagi ang nakahanda, bata pa ako, tanong ko na yan.)
Oo, tradisyon na ito sa lugar namin kapag may namatayan at ang numero unong handa sa panahong ito ay suman. Pero hindi lang dapat suman ang inyong pagkaabalahan, kailangan niyo rin mag-offer ng dasal para sa kaluluwa ng yumao or else he/she[the dead] will come back & hunt you not just like a typical ghost or spirit but just like SAMARA or SADAKO. Hehehe. Exempted ang mga bata sa dasal kaya naman si ako, hakot all you can! hahaha!
Mga kailangang sangkap kapag may undrasan. (sangkap talaga? lol)
1. Dalawang kandila, usually yung kulay yellow na mahahaba,
2. Pictyur ng namatay na nakangiti, kelangan yung pinakamaganda dahil kung hindi maookray lang siya ng mga magdadasal. Kung wala naman pede na rin ang grad pic niya....... nung kinder,
3. Telang puti,
4. Mesa,
5. Prayer book at rosaryo
6. At siyempre kelangang may..... SUMANNNNN. (hindi ko alam kung bakit suman lagi ang nakahanda, bata pa ako, tanong ko na yan.)
Oo, tradisyon na ito sa lugar namin kapag may namatayan at ang numero unong handa sa panahong ito ay suman. Pero hindi lang dapat suman ang inyong pagkaabalahan, kailangan niyo rin mag-offer ng dasal para sa kaluluwa ng yumao or else he/she[the dead] will come back & hunt you not just like a typical ghost or spirit but just like SAMARA or SADAKO. Hehehe. Exempted ang mga bata sa dasal kaya naman si ako, hakot all you can! hahaha!
Well, anupa't anuman ang tawag, iisa lang ang ibig sabihin ng araw na ito. Ito ang araw upang ating bigyan ng pag-alala at dasal ang ating mga mahal sa buhay na yumao. Ito rin ang araw upang magdisco, mag-inuman, magligawan, magsex, magparty dalawin natin sa loob ng isang taon ang ating mga mahal sa buhay na minsan ay naging parte o naging bahagi talaga ng ating buhay at ng kung simuman tayo ngayon. Sila na minsan ay nagbigay saya, at nagbigay kulay sa madilim nating nakaraan. Sila na gumabay, umalalay, umaway, nag-alaga, inalagaan, nakasagutan, nakasakitan, inibig, nambreak, sila na minsan ay nakasamaan natin ng loob, nakatabi sa upuan sa jeep, sa eskwelahan, kaibigan, kabarkada, kapatid, lolo ng lolo at kapatid ng kaibigan. Silang lahat na iniwan ang mundong ito na puno ng pag-asa para sa atin. Silang lahat ng mga pumanaw at isinalang-alang ang sarili para sa kabutihan at upang ipagpatuloy ang buhay ng iba. Silang lahat na kapiling na ng ang ating Panginoong Maykapal.
Kaya para sa ating lahat na nabubuhay huwag po sana natin silang kalimutan. Saan man tayo naroroon nawa'y maipagdasal natin ang kanilang kaluluwa at bigyan sila ng importansya at iparamdan natin ang ating pagmamahal sa kanila. Hindi sa ganda ng bulaklak at presyo ng kandila maipapakita ang taos pusong pagmamahal para sa yumao bagkus ito'y sa ating presensya at effort ng pagpunta sa kanilang mga puntod at alay na dasal...
**********
HAPPY HALLOWEEN!!!
**********
Kaya dahil diyan.....pili ka na ng kandila sa ibabang piktyur para sa kanila.
A. Kung ang namatay sa inyo ay lasenggo, tumador, magbabarik o manginginom bagay na bagay ialay ang kandilang ito dahil "sa langit walaaang beer" (sabi sa kanta).
B. Kapag ang inyong patay ay isang Dynamite Fisherman, o avid fan ni Bruno Mars o di kaya naman ay mahilig manood ng Bugs Bunny bagay na bagay ang kandilang ito.
Note: Pagkatapos sindihan habang nasa loob ng sementeryo, sumigaw ng "GRANADAAAA" o kaya naman ay "BOMBAAAA".
C. Kung ang inyong patay ay naputol ang ulo habang ipinapanganak, ito ang nababagay na kandila para sa kanya. Choose in any variants at ihulog sa suking tindahan.
D. Kapag ang namatay ay nanuno sa kawayanan, this kawayan(bamboo) inspired candle is suited for him/her. Also available in labong(bamboo shoot) style.
E. Kapag namatay naman sa KOLOBOSO i-offer ang KALABASA style na kandilang ito dahil "ang kalabasa ay mayaman sa Vit A na pampalinaw ng mata". Hindi lang pamapalinaw, pang isports pa!. LOLZ
F. At para naman sa masarap na kainan este kwentuhan after magdasal sa sementeryo, sindihan ang mga candle cake na ito. 2 in 1 na! menos gastos pa! Hindi niyo na kailangan mag-alay ng anumang prutas o pagkain.
Note: Kung hindi niyo mahintay na maupos ang kandila, pede niyo ng isubo ng buo ang mga ito baka tirahin pa ng mga batang nagnanakaw ng mga kandila, mahirap na! Kayo rin! Hehehe.








