Showing posts with label VALENTINES DAY. Show all posts
Showing posts with label VALENTINES DAY. Show all posts
MEMA presents 7 SONGS ON VALENTINES DAY
MEMA short or salitang kanto for 'may ma'.
ex.1. Pulubi sa Makati: Palimos po! kahit na ano basta friend chicken from STARBUCKS, mema kain lang!

Lol.

***********

MEMA post lang presents 7 SONGS ON VALENTINES DAY.

***********

Balentayms na at the same time NEW YEAR na naman, at kung tatanungin mo ako kung bakit....oww come on! alam mo na ibig kong sabihin, 'wag kang tanga! lol. Dahil busy na naman sila sa pagpapaputok este pagapaparamdam ng kanilang pagmamahal sa isa't isa at dumarami rin ang nagiging miyembro ng 'AMPALAYA Anonymous' sa araw na ito, heto ang 7 walang kwentang mga kantang pangValentine na inimbento ko pa sa loob ng Laboratory ni Dexter kasama si DORA at ang mahiwagang Matsing (ngayon ko lang nalaman na may relasyon pala si Dora at Dexter kaya pala mahilig silang magexplore at pinalitan na ang pangalan ng Lab ni Dexter kani-kanina lang, ito ngayon ay Dexter LaDORAtory. #fail). 

Here's my seven lists.

1. All by Myself o Hindi ako Laruan- para sa single at magsasarili(dildoing! joke!) this Valentines.

2. Hit Me Baby One More Time-para sa mga mabibitin sa mangyayari ngayong Valentines.

3. Feel na Feel- para sa mga makikipagkiskisan...ng siko este siksikan, sa masikip na LRT at MRT ngayong Valentines.

4. Shut Up and Sleep with Me - para sa mga sadista at desperado ngayong valentines.


5. Ring my Bell - para sa mga matrona, bading at mga nangangailangan ng panadaliang  aliw ngayong Valentines (paging Madam Auring!)

6. Sugod (mga Kapatid)- para sa mga sa mga mag-oorgy o sasama kay Maria Ozawa na mag-bukake ngayong Valentines. lol

7. Line to Heaven - para sa mga pipila at magpapabook at nakabook na sa SOGO at Anito hotels ngayong Valentine, di bale may libre namang Kopiko sa counter habang naghihintay.
'Wag ka lang sisingit baka mapadali ang pagpunta mo sa Heaven! Lol.

******************

HAPPY VALENTINES
Be Loved. Be Happy. Be Safe. 

use......


.....available in different variants.

or 

try this
only for $68

The Louis Vuitton Condom


 Enjoy VALENTINE & Spread the LOVE!

***********



VALENTINES SLASH NEW YEAR






HAPI PUSO mga kaibigan, katropa, kabloga, kapamilya, kabagang, kafarmville, kapuso, kafezbuk at kafuzbuk, kafriendster, katomaan at lahat lahat na sa inyo. Plano sa araw na ito... bale kahapon bago ang araw na ng mga puso nagdisco kami sa PADIS point Chungli ng mga ilan at pili kong mga kaibigan, kachoir, at kawork. At kahit walang liguan pumasok ako diretso sa trabaho ng 830 ng gabi at siyempre tulad ng dati, ang company ang naging kanlungan ng pagal kong katawan at namamaga kong mata, kebs kung makita ni boss (buti na lang at chinese new year, kaya walang amo).

Speaking of Chinese New Year, ngayon ay taon ng Golden Tiger at the same time ay balentayms day din. Second instance na sabay ang dalawang okasyon na ito, una noong 1950 at ngayon ang ikalawa. (tuloy confused ang mga chinese kung kanino sasama sa araw na ito kung sa GF or sa FAMILY). Sinasabi na taglay ng isang ipinanganak sa taon ng mga tigre ang pagiging Courageous, active, and self-assured. Optimistic, passionate and independent. Rebellious, dynamic, and unpredictable. Quick tempered but considerate. Affectionate but careless.

At ilan sa mga sikat na personalidad ang ipinanganak sa taon ng mga tigre ay sina Agatha Christie, Crystal Gayle, Cybill Shepherd, Demi Moore, Diana Rigg, Elizabeth Kubler-Ross, Hilary Swank, Jodie Foster, Marilyn Monroe, Mary Queen of Scots, Norma Shearer, Penelope Cruz, Queen Elizabeth II, Rosie O'Donnell, and Tom Cruise.(taray naman ng mga tigre, si tom cruise at Queen Elizabeth ang ka-lebel).

Muli akoy bumabati sa lahat ng HAPPY VALENTINES DAY at HAPPY LUNAR YEAR to ALL!!!

source: www.springsgreetingscard.com

SAMUT SARING HINAING PAG LASING
hay!!!ambilis talaga ng panahon akalain mo pebrero na. Nakakadalawang buwan na ng 2010 tayong naglolokohan este nagbibigayan ng inspirasyon at nagpapasaya sa isat isa. Anyways hi-way, bago ang lahat nais ko munang bumati sa inyo mga kabloga ng isang maligayamg araw ng mga puso, tutal a-kwatro na naman ngayon pede nang bumati kase parehas lang namang may 4 sa 14. Isa pa wala din naman akong kabalentayms at magbibitter biteran din naman ako sa araw na yon, kaya ngayon na ako babati sa inyong lahat ng ...HAPI PUSO...Nalaala ko tuloy ang last na balentayms ko sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ambilis ding nawala ng lahat. In the first place, ako naman ang may kasalanan, may mga bagay akong dapat asikasuhin at ayusin sa sarili ko, at sa pamilya ko. Hindi pa rin siguro ako handa sa ganoong estado ng buhay or selfish lang siguro ako, ayaw ko pang igive-up ang buhay binata ko. Siguro nga ganun lang ang buhay, pag ok ang career mo, wala kang lablayp pero, pag may lablayp ka walang kang career (waw! anshobiz ah). Ang kaso parehas akong wala ng lablayp at karir...haizzzzt, hirap talagang magsulat ng lasing, kung anu-ano na lang pumapasok sa kukute...

Maiba naman tayo kase hindi ako sanay sa mga seryosong usapan at sa mga makabagbag damdaming kwento ng buhay, at tutal malapit na naman ang eleksyon, panahon na naman ng lokohan, marami sa ating mga kandidato ang kanya kanyang paraan para makuha ang simpatya ng tao, kanya kanya na namang pagpapapogi ang mga kandidato isa na diyan si GIBO (tignan ang commercial na ito), ito ba ang dapat mamuno ng isang bansa, walang alam gawin kundi ang magpakyut at ipagmalaki ang kanyang dimples (kung meron man) at ang kanyang shades...hehehe, at isa pa avid fan siguro ni DARNA si Gibo kase nais niyang lumipad...hehehe...Peace po!!! Bakit ganun ilang eleksyon na ang nagdaan pero hindi pa rin tayo natututo, marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang pakialam, marami pa rin ang ipinagpapalit ang karapatan sa konting halaga, marami pa rin ang gumagamit ng dahas para lang makamit ang ninanais na pwesto. Nung bata ako lagi kong tanong bakit andaming nagnanais maging presidente gayong sabi nila wala daw naman itong sweldo. Siguro nga musmos pa ko noon kaya hindi ko makita ang kasagutan, salamat na lang at may pelikulang GAMITAN starring maui taylor (anong koneksyon), well simply the word itself, gamitan.

Sana sa lahat ng mga kandidato at mananalo, naway tuparin niyno ang lahat ng inyong ipinangako sa taumbayan.

Sa mga boboto, naway maipahayag ninyo ang karapatang pumili ng taong karapat dapat sa pwesto, naway hindi rin kayo masilaw konting halaga na ang kapalit ay ang inyong boto at dangal...naks!!!

Sa aking kapwa na nasa ibang bansa at sa mga hindi makakaboto, ang ating samasamang panalangin ay isang malakas na sandata upang maging maayos at maging mapayapa nalalapit na halalan.

At sa lahat nawa'y magago este mabago kayo ng mga jokes na ito:

HOLDAPER vs POLITICIAN
Tanong: Anong difference ng holdupper sa politician?
Sagot: Ang holdupper magnanakaw muna saka tatakbo. Ang politician tatakbo muna bago magnanakaw.

POLITICAL STARS
Juan: Alam mo, pag nakakakita ako ng bituin, naaalala ko ang mga ploticians natin.
Pedro: Bakit? Dahil bright sila?
Juan: Hindi, dahil sila'y ko-corrupt-corrupt!!!

EASY OPERATION
According to surgeons, politicians are the easiest to operate on. Because they are no guts, no heart & no spine. And the head and ass are interchangeable.

ASENSO TALAGA
Dati-rati, kung gusto mong magrebelde, akyat ka sa bundok.
Ngayon, kung gusto mong magrebelde, akyat ka sa HOTEL!

Sinong may sabing wala tayong asenso...


Muli akoy bumabati sa inyo ng HAPI PUSO, tapos HAPI EASTER next month, then HAPI FIESTA sa next next month at nawa'y maging maayos, matiwasay at mapayapa ang darating na halalan sa atin.
Blog Widget by LinkWithin