Showing posts with label DREAM. Show all posts
Showing posts with label DREAM. Show all posts
Its been a while when i started watching GLEE at nakising-along sa kanilang version ng Dont Stop Believing ng Journey. At ngayon hindi ko alam na season finale na pala ng series na ito hanggang sa mapadpad ako sa youtube at nakita ito....
Sobrang nageenjoy ako habang pinapanood ang musical-comedy-drama na ito. Siguro lang sobrang namiss ko ang hiskul. Ewan ko ba bakit hindi uso ang mga musical na ganito sa iskul namin(asaness) noon. Kataasan ay Romeo & Juliet ang meron. At ang papel ko sa mga play, kung hindi magiinom, adik, o kaya sugarol at sanggano, at sa kabila ng mala anghel kong pagmumukha (walang kokontra) minsan zombie at pulubi. Pero kahit na ganito ang mga papel ibinibigay sa akin at the end of the show, marami naman ang pumupuri. Meaning kung anuman ang papel na nakaatang sa yo, gawin mo ang makakaya mo at gampanan mo ng mabuti ang papel na yon gaano man kaliit o kalaki.
Ganon din sa buhay, kahit wala ka sa kislap ng mga ilaw at wala sa entablado, gampanan mo ng mabuti at pagsikapan ang anumang trabahong ibinigay sa iyo, gaano man yun kaliit at kalaki, kase sa kabuuan kabilang ka pa rin sa pangkalahatan. Kumbaga hindi mabubuo ang isang bahay kung walang pako. Kaya kung anuman ang ating ginagawa sa buhay bastat marangal, ipagmalaki mo. Kaya naman bilib na bilib ako sa mga kababayan nating OFW (sa amin pala!!!) na tinalikuran ang kanikanilang mga tinapos upang tuparin ang kanilang mga pangarap sa pamilya at tungkulin sa ating bayan. Sa totoo lang marami sa atin ang gradweyt pero naninilbihan bilang isang kasambahay sa ibang bansa, marami sa atin ang doctor in profession pero caregiver sa ibang lugar at nag-aalaga ng mga bata at matandang hindi naman natin kaano-ano. But then ipinagpapalit natin ang lahat ng yon para sa ating mga pangarap sa buhay, pamilya at bayan. Kaya ang masasabi ko lang ay,
MABUHAY KA, PINOY!!!
&
DONT STOP BELIEVING!!!

Minsan ako'y nangarap...
...ng magandang bahay.
...ng magandang sasakyan.
...ng magandang damit.
...at ng magandang pamumuhay.
Minsan ako'y nangarap..
...para sa nanay at tatay ko.
...para sa kapatid kong bagong gradweyt.
...para sa sarili ko.
...at para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko.
Minsan ako'y nangarap...
...makarating ng ibang bansa.
...makarating pa sa iba pang bansa.
...makarating sa bansang may yelo.
...upang doon kumita at makaipon.
Minsan ako'y nangarap...
Ang sarap kung ang lahat ng pangarap mo'y magkakatotoo. Paano kung pangarap mo ay bigla na lang naglaho ng parang bula? Ano ang gagawin mo? Minsan ako'y nangarap na makapunta at makapagtrabaho sa Hilagang parte ng kontinenteng Amerika, sa pag-asang kumita ng malaki para sa pamilya, para mapaayos ang bahay na halos magswimming sa loob habang umuulan. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nakunteto dito sa bansa ng mga taong dilaw (Yellow Race) gayong halos 6 years na rin naman akong naandito, gayong hindi rin naman kaliitan ang kinikita dito. Siguro nga or totoo talagang walang kakuntentuhan ang tao, (binigyan na nga ng Diyos ng isa, humihirit pa). Haizzt!!! Panahon, oras, at pera ang nasayang. Na-ban pa ako ng two years sa pagaaply ng visa patungong sa bansa sa Hilagang Amerika. Nagkarecord pa tuloy at kasabay ng mga niyebeng unti unting natutunaw ay ang mga pangarap ko sa aking pamilya at sa aking kinabukasan. Tsk! Tsk! Tsk!
Pero hindi natin kailangan sumuko sa anumang kabiguang ating naranasan bagkus ito ang magiging sandata natin upang harapin ang anumang hamon ng buhay (GMA-Kapuso), upang muling mangarap, muling tuparin at sundin ang anumang plano ng Dakilang Lumikha. Siguro nga hindi plano ng Diyos na akoy makarating sa bansang puno ng yelo, siguro dahil sa...A) akoy may rayuma, B) baka hindi ko kayanin ang lamig at akoy manigas at bawian ng buhay ng maaga, C) baka gamitin ko sa halohalo ang mga yelo naandun, D) ambisyoso akong pumuti or E) lahat ng nabanggit di angkop sa mga batang manonood patnubay ng magulang ang kailangan.
Anim na buwan mula ngayon, babalik na ako sa lupang sinilangan. Muli magsisimula ako sa umpisa. Umpisa ng bagong pag-asa ng naayon sa kagustuhan ng Diyos. Lately kasi, feeling ko anlayo layo ko sa KANYA, andami kong tanong na halos lahat ng kasagutan ay SIYA. O siya, matutulog na muna ako, pasok pa mamaya...
Three things in life to STARDOM:

Dream:
Libre ang mangarap, kaya simulan mo ng mangarap ng mga bagay na wala sa 'yo. Kung kasingganda ka ni angel locsin tapos ang boses mo ay katulad ng kay gus abelgas aba'y ano pang hinihintay mo magSOCOOOo ka na este magsimula ka ng magimadyin ng ala-regine na boses...
"Kung hindi ngayon, Kelan pa..."
(from Sister Stella L movie)
Believe:
Magtiwala ka sa sarili mo, ibig sabihin karirin mo na ang pagiging kapalmuks mo. Lahat tayo may angking talento at kakayahan. Konting iyak at paawa epek, makukuha mo din ang simpatya ng tao...hehehe. Kaya magtiwala ka at umpisahan mo ito sa sarili mo. Tingnan nyo ang babaeng ito...
Survive:
Kung di ka nakapasa sa Survivor Philippines audition, sori ka, hindi para sa 'yo yun.Pero wag mawalan ng pag-asa dahil sa araw araw nating buhay, para ka na ring nasa survivor, kailangan mong magsurvive at lagpasahan ang lahat ng hamon ng buhay, kung hindi, kawawa ka. Sa estado ng ating bansa kailangan nating lumaban at harapin ang totoong karera ng buhay.
"I'm a survivor,
I'm not gonna give up,
I'm not gon' stop,
I'm gonna work harder,
I'm a survivor,
I'm gonna make it,
I will survive,
Keep on survivin'."
I'm not gonna give up,
I'm not gon' stop,
I'm gonna work harder,
I'm a survivor,
I'm gonna make it,
I will survive,
Keep on survivin'."
(from Destiny's Child SURVIVOR)