Showing posts with label TV. Show all posts
Showing posts with label TV. Show all posts
LIPAD
Marlene, waitress sa Guatemala,
Cora, caregiver sa Amerika,
Mylene, entertainer sa Japan...
Ito ang kanilang mga mukha.

Hanggang saan ba kailangang umabot para abutin ang mga pangarap.
Magsilbi?
Mag-alaga?
Magsayaw?

Iniwan nila ang bansa,
Pati na ang pamilya.
Ipinaluto ang iba,
Nilinis ang kalat nila.

Kung alam niyo lang, ay hindi niyo masisikmura.
Nakatali ang buhay sa isang kontrata.
Bawal tumakas...
Bawal umuwi...

Kailangang lumipad, upang ang mga pangarap ay makalipad din.
Pero sa ngayon, ang restaurant, ang kwarto, ang entablado ang kanilang hawla.
Umiyak man sa pangungulila, gabi-gabi, araw-araw, para sa pamilya ito.
Kaya tuloy ang pagsisilbi, ang pag-aalaga, at tuloy ang....... sayaw.

-Rochelle Pangilinan voice over-
Party Pilipinas-LIPAD, 10/24/10



**********
Sa loob ng mahigit na limang taon kong pamamalagi sa ibang bansa, bilang isang buhay na bayani o mas kilala sa tawag bilang isang OFW, marami na akong nakilala, nakasalamuha, at nakasamang tao mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Ilan sa kanila, mga bago pa lamang, mga luma o taon na ang bilang ng pamamalagi  at ang iba naman ay yung mga tinatawag na mga beterano, sila yung mga OFW na ginagawang bakasyunan ang Pilipinas. 

Iba't ibang istorya ng buhay, merong malungkot, masaya at merong puno ng pag-asa ang kanilang mga kuwento at dala. Pag-asang makabangon mula sa kahirapan sa bansang kinagisnan at pag-asang mapunan ang pagkukulang mula sa bansang kinamulatan... ang Trabaho. 

Hindi lingid sa ating kaalaman na sa araw-araw ay may libu-libong pinoy ang umaalis ng bansa, upang makipagsapalaran. Libu-libong Pilipino, bilang Inhenyero, Guro, Caregiver, Salesman, Nurse, Doctor,  at iba't ibang uri ng mga blue colored job. Mga propesyong sana ay sa Pilipinas ginagamit. Subalit dala ng kakulangan ng trabaho at liit ng suweldo sa ating bansa ay napipilitang gamitin upang manilbihan sa iba.  Libu-libong pinoy na ang tanging dala-dala ay ang pag-asa para sa pamilyang maiiwan at takot at kaba sa bansang daratnan. 

Libu-libong Pinoy na hindi alintana ang homesick at hirap ng kalooban, para lang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak, mapag-aral ang ating mga kapatid at masuportahan ang ating mga magulang. Mga Pilipino na patuloy na naniwala at umaasang may pag-asa pa. May pag-asa pang naghihintay sa bansang sa atin ay kumalinga. 

Ngunit kung anupa't anuman ang dahilan ng ating pangingibang bansa, ng ating pagLIPAD, lagi nating iisipin na may naghihintay sa ating pagbabalik, tagumpay man tayo o bigo......


"Well im going home, back to a place where I belong
And where your LOVE has always been enough for me
I'm not running from, no, think you got me all wrong
I don't regret this life I chose for me
But these places and these face are getting old
So i'm going home, well i'm going home."
-Home by Daughtry-


NASAAN KA ELISA?
Bata pa lang ako uso na ang mga teleserye, telenovela at soap opera(iisa lang yun ah!). Katunayan naging kasabayan ko na sa paglaki ang ilan sa kanila sina Mara at Clara, Esperanza, Anna Luna, Anna Karenina, Ula, at ibat iba pang pangalang pambabae. Simula noon hanggang sa mga panahon ngayon patuloy ko pa ring iniisip kung bakit puro pangalan lang ng babae ang ginagawang title ng mga soap opera's at teleserye's(oo, may 's' talaga, kase marami na sila). 

Bakit nga ba hindi pwede ang Ambo? ang Eustaquio? o di kaya naman ay Esperdion Halinghing? Kunsabagay ampangit nga naman kung  sasabihin mo or maririnig mo sa iyong kasamahan sa opisina, sa eskwela at sa kalye na, "uy, pare, bilisan mo na manonood pa ako ng Ambo or ng Eustaquio". Ansagwang pakinggan di ba? Siguro nga kasama na sa kultura at nakagisnan natin na iyakin ang mga babae, kaya halos ng ganitong uri ng tema ng palabas telebisyon ay sa mga babae ang karaniwang ipinapamagat. Sabi nga iba, ang mga babae lang daw ang magaling gumawa ng iyak...nang iyak na isang mata lang ang lumuluha at pataas pa. 

Saludo ako sa mga gumagawa ng orihinal na kathang may temang kagaya ng dramang ganito, yung nakakakuha ng simpatya ng tao, yung talagang tatatak sa isipan ng masa at sa bawat manonood ang mga pagkatao ng bawat karakter na gumaganap at ginagampanan. 

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ay kokonti na lang may kakayanan na gumawa ng mga orihinal na temang dramang pantelebisyon. Karaniwan ngayon ay remake o di ka na naman ay franchise at ginawang tagalog ang mga dramang mula sa Korea, Taiwan, Argentina at Mexico. 

At sa dami na ng napanood kong soap opera, ngayon lang ako nakakita i mean nakarinig ng may patanong sa title, gaya ng Nasaan ka Elisa? or Nasaan si Elisa? ba yon. Aktuli wala pa akong napapanood na episode ng palabas na yan at ni hindi ko nga alam kung kelan siya nag-pilot, narinig ko lang sa kasamahan ko sa Choir na may palabas na ganyan. At ng marinig ko ng banggitin niya ang title ng palabas sa tv ngayon, isa sa mga kasamahan ko ang sumagot ng "Hindi ko alam, bat sa akin nyo hahanapin". 



Anyways,



Dahil sa naging curious ako kung nasaan talaga si Elisa. Heto ang mga narinig kong bulong bulungan mula sa mga tsimoso't tsismosa.

1. Mula sa isang tagahatid ng softdrinks sa isang sari-sari store.
"Si Elisa? sinong elisa? Ah! yung nakatira kina kuwan, pre anu nga bang pangalan nun, yung napagtanungan natin kung saan ang daan papuntang Eskinita Avenue at penge ngang isang istik ng sigarilyo".

2. Mula naman sa isang bading sa parlor.
"eklabooo, eklabooo, eklabooo." (translates as "the sun is the center of the solar system and the object moving around it are the planets.")

3. Mula kay Aling Karya na tindera ng balot sa kanto ng corner Adriatico.
"Ayon sa mga balita at mga sabi sabi siya daw ay matagal ng gumagala-gala dito sa Maynila, may nakakita nga raw sa kalating katawan sa may Spratlys na ginagawang poste ng mga Chinese."

4. Mula sa isang kolehiyala.
"Yuckk! your so baduy (with matching rolling of eyes in one complete revolution). Grabeh! Elisa who? Durrrr! (sabay pulot sa nahulog na tokneneng then shoot sa bibig, sabay sabi ng 'wala pang 1 minute.')"

5. Mula sa lasingero sa kanto.
"Kita mo yun, hik! kumaliwa sa kanto na yun, hik! tas kapag may nakita kang aso sundan mo at huwag kang papayag na ikaw ang susundan ng aso, ha!. Kung wala namang aso, bumalik ka na lang dito at inuman tayo, hik!"

6. From an OFW in Libya being interviewed by the media.
"Kitang kita ko po kung paano kami pinalis ng aming tirahan at dinala sa isang madilim na lugar at doon, isa-isa kaming hinubaran at saka.......................kinulutan at pinedecuran ng mga bading na libyan"

7. Ayon sa mga Bhuddist, si Elisa ay isa nang beauty queen....




Watch Nasaan Si Elisa? in ABS-CBN, gabi-gabi.
WALKERS
When the Walking Dead's "WALKERS" are tired of eating human flesh and if they are on diet this is what they eat....


This is a paid advertisement by the Walkers...opo, nameet ko sila kanina lang diyan sa may kanto and they're insisting & begging for me to post this on my blog for $100 dollars. lol. In farview, masarap siya at mapapalakad ka simula Aparri hanggang Jolo ng walang nararamdamang pagod at hungerness sa mga katawang lupa. hehehe



GLEE-SEASON FINALE
Its been a while when i started watching GLEE at nakising-along sa kanilang version ng Dont Stop Believing ng Journey. At ngayon hindi ko alam na season finale na pala ng series na ito hanggang sa mapadpad ako sa youtube at nakita ito....



Sobrang nageenjoy ako habang pinapanood ang musical-comedy-drama na ito. Siguro lang sobrang namiss ko ang hiskul. Ewan ko ba bakit hindi uso ang mga musical na ganito sa iskul namin(asaness) noon. Kataasan ay Romeo & Juliet ang meron. At ang papel ko sa mga play, kung hindi magiinom, adik, o kaya sugarol at sanggano, at sa kabila ng mala anghel kong pagmumukha (walang kokontra) minsan zombie at pulubi. Pero kahit na ganito ang mga papel ibinibigay sa akin at the end of the show, marami naman ang pumupuri. Meaning kung anuman ang papel na nakaatang sa yo, gawin mo ang makakaya mo at gampanan mo ng mabuti ang papel na yon gaano man kaliit o kalaki.

Ganon din sa buhay, kahit wala ka sa kislap ng mga ilaw at wala sa entablado, gampanan mo ng mabuti at pagsikapan ang anumang trabahong ibinigay sa iyo, gaano man yun kaliit at kalaki, kase sa kabuuan kabilang ka pa rin sa pangkalahatan. Kumbaga hindi mabubuo ang isang bahay kung walang pako. Kaya kung anuman ang ating ginagawa sa buhay bastat marangal, ipagmalaki mo. Kaya naman bilib na bilib ako sa mga kababayan nating OFW (sa amin pala!!!) na tinalikuran ang kanikanilang mga tinapos upang tuparin ang kanilang mga pangarap sa pamilya at tungkulin sa ating bayan. Sa totoo lang marami sa atin ang gradweyt pero naninilbihan bilang isang kasambahay sa ibang bansa, marami sa atin ang doctor in profession pero caregiver sa ibang lugar at nag-aalaga ng mga bata at matandang hindi naman natin kaano-ano. But then ipinagpapalit natin ang lahat ng yon para sa ating mga pangarap sa buhay, pamilya at bayan. Kaya ang masasabi ko lang ay,

MABUHAY KA, PINOY!!!

&

DONT STOP BELIEVING!!!



PARA KAY.....
Dahil sa isang pelikula ni Will Smith na may title na "7 pounds", lubha akong naapektuhan sa determinasyon niyang tumulong sa kapwa. Kahit hanggang sa huling yugto ng buhay eh tumutulong pa rin. At ultimong parte ng kanyang katawan eh nakuha nya pang ibigay sa ibang tao na di naman niya kanu-ano. Napaisip tuloy ako na halimbawa bigyan ka ng chance na magbigay ng kahit ano sa mga importanteng tao sa buhay mo at sa mundo, ano ibibigay mo...


Heto ang listahan ko ng PARA KAY...


1. Medal - para sa NANAY ko, dahil the best siya. Dahil sa husay niyang magmilagro upang paputiin ang aming damit, hehehe. Sa totoo kase sampung beses man o paulit ulit man kaming magkamali naandyan pa rin siya upang kami'y patuloy na turuan ng tama at gabayan sa tamang daan.


2. Diploma - para sa TATAY ko, dahil sa walang humpay niyang paglalayag sa ibang ibang klase ng hamon ng buhay upang kami'y mabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi man siya nakatapos ng pag-aaral, napatagtapos niya kami ng sa abot ng kanyang makakaya.


3. Blogsite ko - para kay PRES. GMA, para mabasa nya to, bago siya magSONA.


4. Fly Trap/Fly Flappers - for PRES. OBAMA, so that, if in times of his interview or in any speeches he's ready if there's a fly buzzing around. (siyempre, english, taga USA kase...para maintindihan, malay niyo bisitahin to).


5. Alkansya - para sa ATE ko, para magtipid na siya kase me anak na siya.


6. Hugs - para kay CHIKLETZ, isa sa mga kaibigan ko sa adikan sa web, sa patuloy niyang pagwelcome at sa pagbisita sa blogsite ko (one and only visitor, hehehe).


7. Heart - para kay LALAINE, ang mahal ko, na patuloy na nagmamahal at umuunawa sa akin.


8. Gitara - para sa OLD HUKOUnian CHOIR members of TAIWAN, sa patuloy nating pag-awit ng papuri para sa KANYA, gaanu man kasintunado (sabagay sanay na ang parishioners sa atin, magtataka na sila kapag wala tayong mali.) andiyan pa din tayo tulong tulong upang patuloy na bigyan SIYA ng papuri.


9. PRC logo - para kay totoy (CHOI), buddy ko sa web, hanggat me PRC me board exam.


10. Kitchen wares - para kay RENIEL, ang aking kapatid, sa walang humpay niyang ipagluto ako ng ulam (imbes na ako, na kuya niya ang magluto, siya ang nagluluto para sa akin).


11. Nurse Cap - para sa BUNSO namin, continue following the path for your future. We always there to support you.


12. Dram - para sa mga NORANIANS/VILMANIANS/JUDIANian at sa kung anu ano pang NIANS ang meron sa TV, tigilan nyo na ang pagsuporta sa kanila wala naman kayong napapala, kundi pagod lang. Ilagay nyo na sila sa dram at itapon sa dagat.


13. Basurahan - sa mga nasa HOUSE of REPS, sa patuloy nilang pagpasa sa mga batas na sila lang ang nakikinabang.


14. Bomba - para sa mga COMMUNIST LEADERS, gawa lang kayo ng bomba para ke GLORIA.


15. White Hanky - para sa mga kapatid nating ABU SAYYAF, upang ipamunas nila sa kanilang mukha, hinde ba sila napapagod sa paggawa ng gulo, masyado nang maiitim ang kanilang mukha sa dami ng alikabok at putik na mula sa bundok. Sabagay kung me TIDE naman sila, pede nilang ibabad ang kanilang mukha dun ("isang babad ka lang").


16. Pen - para sa mga BLOGGERS all around the world, ipagpatuloy natin ang ating pagsusulat, upang magbigay ng inspirasyon sa iba.


17. Roses - for MOTHER MARY, sa patuloy niyang paggabay sa ating mga dasal patungo sa KANYA.


18. Trophy - para sa mga AUNTIES (Helen & Susan) ko, bilang pangalawang pamilya at nanay ko. Istrikto man kayo, kayo pa din ang the best aunties in the world, para sa akin.


19. Justice Malet - para sa mga WORLD LEADERS, sa patuloy ninyong pag-seek ng peace para sa bawat bansa sa mundo. Pamukpok sa mga pasaway na leaders ng ibang bansa gaya ni GLORIA.


20. Computer Keyboard - para ke APPLE(apple_jesselyn), BONG(batuzai0401), GILBERT(lamanlupa), ADAMSON(choi_01) mga taropa ko sa JUSTINTV sa patuloy na pagtitiwala at pagiging totoo kahit na sa mundo ng CHAT.


Marami pa akong nais ibigay sa iba't ibang uri at klase ng tao subalit, datapwat, ngunit, napapagod din ang aking diwa, katawan at isipan. Sa tindi ng init dito sa bansang aking pinagsisilbihan, kinakailangan ko ng magpahinga, upang ihanda ang sarili sa susunod na hamon ng buhay...
Till next time...
Labels: , , 2 comments | |
Blog Widget by LinkWithin