Showing posts with label NEW YEARS RESOLUTION. Show all posts
Showing posts with label NEW YEARS RESOLUTION. Show all posts
ELEVATOR & RESOLUTION
Kahapon habang walang magawa sa loob ng production kundi ang mangharot sa mga operator at magpakyut sa mga girls ay tinanong ako ng isang kapwa engineer na chinese kung ano daw tawag sa elevator.

Eng. Hsu: (in chinese!)"Eng'r, what is the english of an elevator"

Me: "Elevator!", walang kagatol gatol kong sagot.

Eng. Hsu: No!

Me: "Huh! Why? If not elevator, then what? aberrr!"

Eng. Hsu: Eeeetttt issss an UP/DOWN machine!!!" (sabay tawang aso!)

Gusto ko tuloy tumambling hanggang North pole ng mga oras na yun pero maraming nakadown na machine at baka hindi ko kayanin kase umatake ang rayuma ko sa sobrang lamig dito!


***********

At hindi lang yun meron pa. Pero this time sinakyan ko na ang trip niya kaya tinanong ko siya sa iba pang mga bagay...

(In Chinese!)
How about the Refrigerator, i asked, then he said, "Cold Machine".
An electric Fan, then he said, "Air Machine".
What about Microwave? "Hot Machine", he answered.

***********

Since this is my 50th post and the last for the year 2010, I would like to thank all the people who followed me since I started on 2009. Thank you guys for believing in me. Salamat sa lahat ng comments, spending & giving time to visit & reading my post. I hope that you enjoyed even a little. And also I would like to take this opportunity to thank you all guys for sharing your ideas to others and for touching my emotion, for making me laugh to the fullest and for inspiring me to do great things & for believing & trusting myself more. I also like to thank God for everything, for the talent, the knowledge & strength, & for giving the gift to love...

*********

And since uso na naman ang mga new years resolution, isasama ko na dito ang new years resolution ko para isahang post na lang. Heto ang ilan.....

Magsasave na ako this year.
Maghahanap na ako ng mapapangasawa this year.
Magtatry akong magchange ng location & job.
Hindi na ako magiging makulit.
Magdadagdag na ako ng post sa blog.
Magpapayat na ako at mageexcercise.
Tatawag na ako ng madalas sa bahay.
Iiwasan ko ng bumili ng mga Adidas items. (nike naman..lolz!)
More active sa church.
Gigising na ng Maaga.
More Self discipline.
More Mature in all matters of life.



HAPPY NEW YEAR!!!



LOOKING FORWARD ON 2010...A NEW YEARS RESOLUTION
Haizzzt. Ilang araw na lang bagong taon na. Panahon na naman ng putukan, putukan sa kalye, sa garahe, sa kalsada, sa kama at maski ang bulkang mayon ay nagbabadya. At panahon din ng walang kamatayang new years resolution. Simula ata ng matuto akong magsulat, taon taon basta magbubukas ang pasukan, pagkatapos ng mahabang bakasyon, meron lagi kaming 'write your new years resolution'. Naalala ko tuloy ang ilan kong isinulat mula sa makamundo este mura kong isipan, tulad ng (1.) hindi na ako magiging maingay sa klase (ganun daw kapag ang bata ay maingay sa klase, ibig sabihin matalino...kaya hindi ko magawa-gawang tumahimik sa klase...hehehe), (2.) hindi na ako mangungupit kay nanay (piso lang kase baon ko nun...hehehe), (3.) hindi ko na aawayin ang kapatid ko (na sa kasamaang palad, ako ang inaaway), (4.) magaaral na akong mabuti lalo na sa music, at marami pang iba na kung sasariwain mo ay matatawa ka lang. Maliit at simple pero sa mata at isipan ng isang bata ay napakalaking responsibilidad ang kanyang haharapin sa isang buong taon. At mula dito natututo tayong kontrolin ang sarili at tumupad sa ating ipinangakong resolusyon.

Matagal tagal na din na di ako gumagawa nito, at sa paglipas ng mahabang panahon, hindi ko lubos akalain na heto ulit ako at muli susulat ng isang resolusyon hindi lang para sa sarili kundi pati na rin para sa kapwa. At para ngayong 2010, heto ang sampu sa napakarami kong New Years Resolution.

1. LOSE WEIGHT. Dahil sa ang nakaraang holidays ay kabi-kabila ang kainan at ang katotohanang hindi pa din nababawasan ang dati kong timbang, bagkus ay nadadagdagan pa. Ito ang una sa listahan ko na pipilitin kong matupad.

2. SAVE MONEY. Dahil sa katotohanang hindi na ako tumatanda(hehehe), kailangan ko ng mag-ipon, hindi habang panahon ay may kumpanyang tatanggap sa akin.

3. PUT a BUSINESS. Mula sa katotohanan na ang halos karamihan sa OFW ay walang naipupundar. Isa ito sa pipilitin kong magawa. Kung may suhestyon kayo kung anong magandang business ang gawin, just let me know.

4. VOLUNTEER. Have concern for others. Share your blessing. Maniwala sa good karma. Mas maganda na ikaw ang tumulong kesa ikaw ang tulungan.

5. GET UP EARLY. Early bird catches early worm. Dahil sa antukin ako lalo na ngayong winter na halos 6~7 na beses akong ma-late sa isang buwan, kailangan kong baguhin ang lahat bago pa nila (boss) ako maunahang palitan.

6. GET FIT & EAT RIGHT. Kinakailangan ko ng mag-exercise at maging health concious, kase hindi na ako tumatanda este bumabata pala.

7. SERVE GOD MORE. Kahit na member ako ng music ministry ng simabahan, kailangan ko pa ring iextend ang pagseserve ko sa KANYA at kay BRO, in a way, na makabubuti hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa iba.

8. TRAVEL & GET a better JOB. Gusto kong makarating ng SINGAPORE at GREECE yun lang.

9. TIME MANAGEMENT. Maging responsable sa oras at sa mga napangakuang gawain.

10. LOOK FOR A PARTNER IN LIFE. Huwag maging insensitive at maging bukas sa lahat ng gustong kumain este maging malawak ang pang-unawa at huwag maging makasarili. Kung may nais kayong ireto, andito lang ang blog ko...

Tandaan lahat ng pagbabago ay nagmumula sa sarili at sa sinseridad ng taong nais ang pagbabago. Ang lahat ng resolusyon sa sarili na ating isinusulat at itinatala ay pawang mga gabay lamang at patnubay ng magulang ang kailangan (meganun!!!).

Muli ako'y bumabati sa lahat ng bloggers ng isang...

MANIGONG BAGONG TAON!!!


*photo from wikipedia
Blog Widget by LinkWithin