Showing posts with label PAGIBIG. Show all posts
Showing posts with label PAGIBIG. Show all posts
BAWAL...(The Finale)
At ng magtama ang kanilang mga paningin, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tibok na ngayon lang niya naramdaman. Bibilis. Babagal. Hihinto. Bibilis muli. At habang ganito ang kanyang nararamdaman ay patuloy sa pag-slow motion move ang lahat ng nasa paligid maliban sa kanilang dalawa. Hanggang sa may narinig siyang....


"....Dont Cha! Dont you wish your girlfriend was hot like me? Dont Cha!....."


Ito ang musikang kanina pang nagpaplay sa loob ng supermarket. Paulit-ulit, pabalik-balik na animoy parang iisa lang ang laman na kanta ng CD na ginagamit. Isang minuto at kalahating araw pa lang ang lumilipas ng mapansin niyang parang lumalapit sa kanila ang mga taong kanina pang nag-i-slow-mo sa paggalaw. Papalapit. Dahan-dahan. Papalayo. Dahan-dahan. Muling lalapit. Hanggang sa sila ang maging sentro ng lahat ng taong naroroon. Patuloy sa pag-slow-mo ang mga tao sa loob ng supermarket at maging ang musika ay patuloy sa pagtugtog. Unti-unti. Dahan-dahan. Sabay-sabay. Papalapit. Papalayo. Sabay-sabay ang lahat, dahil.............


PRODUCTION NUMBER ito!!!


Patuloy sila sa pagsasayaw ng Dont Cha! subalit sa slow motion na pamamaraan. At ng malapit na sila sa katapusan ng kanta, biglang tumalon ang lalaki mula sa kintatayuan nitong hagdan. Huminto ang lahat maliban sa tugtog. At biglang bumagsak ang lalaki sa sahig..........



......ng naka- SPLIT.




Palakpakan ang lahat.

Ilang segundo at limang taon ang lumipas balik sa dating galaw ang lahat.


Bigla siyang umiyak.


-FIN-


BAWAL...
"Hindi maaari!", yan ang mariing wika ng kanyang ama. "Sapagkat ang katulad mo ay nababagay lang sa mga katulad din natin".

Iyan ang mga katagang patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga, na naging dahilan ng kanyang pagluha...

Siya ay nag-iisang anak ng negosyanteng intsik mula sa China. Lumaking kasama ang ama at napadpad sa Pilipinas ng madestino ang kanyang papa sa Manila. Bilang nag-iisang anak sunod ang lahat ng kanyang gustuhin at sa kabila ng kanyang karangyaan ay marunong siyang makisama sa ibang tao lalo na sa mahihirap, may pananaw at pagpapahalaga sa buhay. Kaya bukod sa angking kagandahan hindi maikakaila na marami ang humahanga at gustong manligaw sa kanya. Subalit masyadong magpit ang kanyang ama.

Isang araw habang nag-gogrocery siya ay nabagsakan siya ng palumpon ng sanitary napkin sa ulo na siyang ikinagulat niya, magsasalita na sana siya nag marinig niya ang katagang,

"Ay! Miss, sorry po!" tinig ng isang lalaki na nagaayos ng patas ng sanitary napkin habang nakatungtong sa isang hagdan.

"Akala ko kasi walang mamimili", pahabol nito.

At nang tignan niya ang lalaki sa may hagdan, biglang nagslow-mo ang lahat ng nasa paligid niya. Ang kaherang nagbibigay ng sukli, ang batang umiiyak, ang tinedyer na tumitikim ng mga free taste. Hindi niya mawari at maisip kung anong nagaganap kung bakit nagslow motion ang lahat pero sa loob niya ay naramdaman siyang kakaiba.


-may karugtong-
Blog Widget by LinkWithin