Showing posts with label PHOTO. Show all posts
Showing posts with label PHOTO. Show all posts
"huummmmm!, ka-boring naman! ano bang ginagawa ko dito, at ano ba itong ginagawa namin, pinaparada kami! para ano? huh! para ibenta? mamaaaa!"
(This photo was taken during the Santacruzan last May 27, 2012 here in Taiwan. An event sponsored by the Hsinchu Migrants & Immigrants Service Center)
Pssstt!
Bata!
Halika! Laro tayo!
Matagal na akong naghihintay sa'yo.
Alam mo ba?
Marami na akong napasaya at nabigyan ng tuwa.
Marami na rin akong nasaksihan dito,
Alam mo ba yun?
Naging takbuhan lang naman ako...
Ng mga taong gustong sumaya.
Nang mga taong gustong makalimot kahit sandali sa mga Problema.
At siyempre ng mga batang kagaya mo.
Kagaya mo, na sa murang isipan at edad
Ay pinagkaitan ng tadhana
Pinagmalupitan.
Inalila.
Halika! sakay ka na!
At sisiguraduhin ko sa bawat pag-ikot natin.
Halika! sakay ka na!
At sisiguraduhin ko sa bawat pag-ikot natin.
Isangdaan at isang tuwa ang iyong makakamtan.
Huwag ka nang matakot.
At
Huwag ka na ring malungkot
Ako ito,
Ang iyong kaibigan...
Ang TIYUBIBO
Huwag ka nang matakot.
At
Huwag ka na ring malungkot
Ako ito,
Ang iyong kaibigan...
Ang TIYUBIBO
Dahil ipinanaganak akong inggitero at mahilig sumali sa kahit anong pakontes gaya ng palayuan ng ihi at pahabaan ng titi sigaw ng 'Meri Krismasssssssssssss' untill fade tuwing kapaskuhan, at dahil may angking hilig din ako sa pangongolekta ng basura ng tumbler na umiilaw, ng tuwalya at ng Choco camera, kaya naman wala akong kabalak balak sumali sa pakulo ni bulakbolero. As in wala, walang wala.......at wala ring akong ka-effort effort na magsama pa ng isang bulakbolero sa katauhan ni Ms. Bhing ng gumamela sa paraiso.
**********
The National Palace Museum, Taipei, Taiwan
Ang National Palace Museum ng Taiwan ay isang kilalang pasyalan na napapalibutan ng mga bundok sa gitna ng siyudad ng Taipei. Ito rin ay....
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
Pasensya nabitin, sosobra na kasi ng 140 characters. LOL!
**********
At dahil nga naisama at kinulit ako ni ate Bhing na magbulakbol, wala na po nagawa ang inyong abang lingkod habang kinakaladkad sa gitna ng araw ang mura kong katawan na sing-fragile ng most fragile glass sa buong sangkalupaan, sangkaragatan at sangkalokohan. Naala ko pa ang usapan namin sa phone dati, parang ganito yun ate Charo....
Ms. Bhing: "Kelan Sho Shi(Rest Day) mo? Tara EB tayo!"
Ako: "Ate, mahirap akong kumbinsihin eh. Teka, pag-iisipan ko pa. (after 0.01 second)...Kelan ate! Ngayon na! Hindi ako nakaprepare."
Actually napostponed ang una naming plano nung May 10, dahil hindi ako pinayagan ng boss ko na magleave. Natuloy itong lakad namin nung May 22, ilang araw bago ang nakatakdang araw ng pababalik Pilipinas ni Ms. Bhing.
Isa ito sa di ko makakalimutang bulakbol sa buong OFW life ko, kasi ito rin yung time na nag-kain crash kami sa Bicol Association-Taipei chapter. Tumawa at nang-okray sa mga contestant sa isang pacontest ng isang disco bar sa Taipei. Nagpapicture sa isang kilalang University ng Taiwan. At dahil diyan....salamat sa iyo, Ms. Bhing sa oras at sandali na tayo'y nagkasama. It is indeed, one of the best memories that i'll gonna treasure for the rest my life.
**********
At the entrance of National Palace Museum Main Hall together with Ms. Bhing.