Showing posts with label WINTER. Show all posts
Showing posts with label WINTER. Show all posts
May mga bagay tayong nakasanayan sa Pilipinas na pagdating sa ibang bansa naiiba ang lahat ng ito. Mga gawing spiritwal, pansarili at minsan ang pang-araw araw na buhay. Kanina umattend ako ng mass at ngayong araw na ito namin isinagawa ang ash wednesday na supposed to be & obviously dapat nuong miyerkules. At kahit naging ash saturday, natuwa naman ako sa dami ng tao nagsimba, and it only means that, hindi pa din nawawala sa ating mga pinoy kahit dito sa abroad ang pagiging makarelihiyoso. Marami pa rin sa atin ang naniniwala kay papa Jesus, minsan nga naiisip ko, kung di pa tayo malalayo sa ating pamilya, hindi pa natin makikilala si Jesus. At ito din ang hudyat na nalalapit na ang mahal na araw, (lent season na ayon sa simbahan) panahon ng pagtitika, ng bisita iglesia, panahon ng reunion, ng tulian, ng pelikulang ITIM at ng mga noranians (dito kase usually puro nora aunor ang palabas sa TV). Naalaala ko tuloy ang kabataan ko, sabi ng matatandang bulaan sa lugar namin bawal daw maligo kapag mahal na araw, kaya hayun kahit amoy araw kami hindi kami naliligo, at sa araw din ng Holy Thursday at Good Friday, bawal masugatan kase hindi daw gagaling (kung magkagayon, panu ang mga nagpatuli?)
Dito ko rin nakita sa ibang bansa at naobserbahan na ang dating may asawa sa Pinas, ay isang binata o dalaga kapag nakatungtong na ng ibang lupa. Dala siguro ng pangungulila sa asawang naiwan, marami sa ating kababayan ang madaling matukso, na kadalasan ay humahantong sa pagkasira ng isang pamilya. Ang pinanghihinayangan ko lang, karamihan at usually na pumapatol sa mga may asawa ay iyong mga totoong dalaga, sa isip-isip ko siguro magaling lang talaga ang may asawa sa pag-aalaga, sa sex at sa pambobola versus sa mga totoong binata. (bitter... kase walang date ng valentines). At para sa mga faithful sa kanilang mga asawang naiwan sa Pinas, mabuhay kayo at sana wala kayong kalyo sa kamay...hehehe.
Pasensya na kayo dala siguro ng isang linggong ulan at lamig ng panahon na umaabot ng laging 10 to 11 degree,s ito lang ang nailabas ng aking utak at emosyon, ang maging bitter sa may mga karelasyon...hehehehe
Tatlong araw. Tatlong araw ang nagdaan.
Tatlong araw ng halos mamaluktot ako sa pagtulog dala ng sobrang lamig ng panahon.
Tatlong araw ng halos umurong ang betlog ko sa tuwing magliligo bago pumasok sa trabaho.
Tatlong araw sa ilalim ng aking comforter.
Tatlong araw na late.
Tatlong araw na di makausap ng matino at laging nakasimangot.
Tatlong araw na kumain ng kumain kesehodang nagdidiet daw.
Tatlong araw na halos matulog lang ang ginagawa sa trabaho.(gising sa dorm!)
Tatlong araw ding tumatanaw sa bintana habang pinapanood ang mga nagdaraang sasakyan.
Tatlong araw din pinakikinggan at minimemorya ang full chinese version ng kantang "peng you" (meron si kim chui niyan).
At halos tatlong araw ding nagti*&*&@$^. (dyowk lang po!)
Hindi ko lubos akalain na tatlong araw na pala ang lumipas. Tatlong araw pero parang isang linggo na ang dumaan. At kasabay ng malamig na panahon, tila lumamig din ang aking pakiramdam na makisalamuha sa ibang tao, makisama at magenjoy sa buhay. Meaning tatlong araw ng walang sense ang buhay ko. At ng magbukas ako ng aking account sa facebook, heto ang nais iparating ni Lord sa akin sa araw na ito...

... that it's time you stopped hiding from life, and said yes to the adventure of being alive. Enough of the routine already. Go on, have an adventure, - do what you always wanted deep within your heart. Do what brings you alive, and the universe will open doors where there were only walls.
Today, December 18, 2009.
Taipei city got a 10 degrees temperature.
Dahilan para umurong ang betlog ko at matulog ng nasa itsurang letter C. Pero bago ako matulog nakipraktis muna ako ng choir sa church namin para sa misa bukas. After a couple of hours na praktis, nagpaiwan ako at ang dalawa ko pang kasamahan sa music ministry upang magayos ng ilang gamit. Pagkatapos ayusin ang mga song book, nagpunta kame sa basement ng simbahan para maghanap ng gagamitin sa re-enactment ng panunuluyan, habang naghahanap kami ng puting tela, nakakita ako ng parang dura box na lalagyan, then ng buksan namin sabay-sabay nakita namin ang isang lumang litrato na nakaframe (sosyal, may frame), alam nyo yung parang class pictyur na black & white, parang ganun, at ng iaangat ng kasama ko yung larawan biglang nakaramdam kami ng malamig na hangin mula sa aming likuran dahilan para muli naming ibalik ang larawan sa kanyang lalagyan, at ilang segundo pa nakaamoy kami ng di maipaliwanag na amoy at muli ilang sandali pa biglang bumunghalit ng tawa ang isa kong kasama upang sabihin na siya'y napautot sa takot.