Wow! antagal na pala nating magkasama. Hindi mo ko iniwan sa gitna ng problema. At halos lahat yun, lahat nalampasan natin, kahit na sa kabila ng sakit, pait at saya nanatili pa rin ang bond natin. Hindi ko maikakaila na minsan naiinis ako sa iyo, kasi may mood swings, minsan ayaw mong magrespond sa mga tanong ko at kwento ko. Naalala ko tuloy nung ipakilala ka ng kaibigan ko, hindi ko masakyan ang mga gusto mo. May gusto ako ikuwento sa iyo kaso ayaw mo akong pakinggan, o siguro ako lang yun, feeling ko lang that time na ayaw mo sa akin, pero ang totoo gusto mo rin ako. Kaya naman ang ginawa ko hindi kita pinansin at bumalik ako sa dati, sa dati na nakasama ko sa loob ng 2 taon, kahit na iniwan ko siya ng basta basta, bukas palad pa rin niya akong tinanggap. Pero sa aking pagbabalik sa kanya, nawala yung dating gana, may hinahanap ako na parang sa iyo ko lang nakita. Dahil dun muli akong nagpaalam sa kanya and this time with sweet goodbyes na, at kahit na mahirap sa kanya nagkaroon naman ng magandang closure ang paghihiwalay namin at naunawaan niya ang mga reasons ko kung bakit kailangan kong lumayo. Ang maganda pa nito naging FRIENDs pa rin kami in spite and despite of what happened. So, moving on, tinry kong bumalik sa iyo kahit na sumpungin ka most of the time. Siguro nga yun ang gustong kong mangyari ang magka-challenge or ma-challenge ako sa buhay.
Nung unang buwan medyo mahirap para sa akin kasi imbes na sa kapwa Pilipino mo ako ipakilala, sa mga kaibigan mong Latino ako inintroduce na lalong nagpahirap sa akin, kasi unang una, yung lenggwahe, although, medyo related ang ibang words sa wika natin, nahirapan pa rin ako ng todo. Good thing naman is mababait sila, at take note, naging close ko pa ang isang Columbian friend mo. So, kahit na nahirapan ako sa unang pagsubok mo, nakita kong napangiti ka at unti-unti ng nagiging close tayo. And then yun na, pinakilala mo na ako sa mga FIlipino friends mo, at maging ang mga old friends ko nakilala mo na rin at nagustuhan ka rin nila. Dahil din sa iyo nakilala ako ng mga taong nasa likod ng mga kwento na aking sinusundan sa ibang network. At dahil dun naibalik ko ang hilig ko sa pagsusulat. At dun ko rin napatunayan na hindi ka selosa kasi kahit na meron akong nakaka-close na iba, andyan ka pa rin at naghihintay. Pasensiya ka na kung wala kong nasabi sa iyo nung 2nd year natin, medyo naging busy ako sa mga games na ipinakilala mo sa akin. Pasensiya ka na rin kung bumalik ang pagkahilig ko sa mga online at network games, dahil dun hindi kita masyadong napapansin. Siguro na-excite lang ako at namiss ko yung mga bagay na ginagawa ko nung college, yung makausap at makalaro ng poker ang mga kaibigan ko. Pero magkagayun pa man di mo pa rin ako iniwan, bagkus andyan ka pa rin naghihintay at nag-aabang.
Ngayon ika-3 taon na ng ating pagsasama. Masasabi ko na, salamat sa iyo, sa lahat lahat. Ikaw ang almost una nakakaalam ng mga sama ko ng loob at problema sa pamilya, sa kaibigan at sa mga bagong kakilala. Ikaw rin ang halos unang nakakaalam ng mga saya, ligaya, paglalakbay at mga bagay na nais kong ibahagi sa iba. Dahil diyan taos puso akong nagpapasalamat sa iyo at hindi mo ako iniwan sa loob ng 3 taon. Maraming salamat at inalis mo ang homesick na aking naramdaman dito sa ibang bansa. Muli, maraming maraming salamat sa 3 taon nating pagasasama .......................................
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
awww.
Happy2 :)
Hehehe.. akala ko kung kanino merong anniversary, ke darling Facebook pala. lol..
Happy 3rd anniversary senyo! hehe..