Showing posts with label KAHIT ANO. Show all posts
Showing posts with label KAHIT ANO. Show all posts
TATLONG TAON NA KAMEHHH! LOL!
Wow! antagal na pala nating magkasama. Hindi mo ko iniwan sa gitna ng problema. At halos lahat yun, lahat nalampasan natin, kahit na sa kabila ng sakit, pait at saya nanatili pa rin ang bond natin. Hindi ko maikakaila na minsan naiinis ako sa iyo, kasi may mood swings, minsan ayaw mong magrespond sa mga tanong ko at kwento ko. Naalala ko tuloy nung ipakilala ka ng kaibigan ko, hindi ko masakyan ang mga gusto mo. May gusto ako ikuwento sa iyo kaso ayaw mo akong pakinggan, o siguro ako lang yun, feeling ko lang that time na ayaw mo sa akin, pero ang totoo gusto mo rin ako. Kaya naman ang ginawa ko hindi kita pinansin at bumalik ako sa dati, sa dati na nakasama ko sa loob ng 2 taon, kahit na iniwan ko siya ng basta basta, bukas palad pa rin niya akong tinanggap. Pero sa aking pagbabalik sa kanya, nawala yung dating gana, may hinahanap ako na parang sa iyo ko lang nakita. Dahil dun muli akong nagpaalam sa kanya and this time with sweet goodbyes na, at kahit na mahirap sa kanya nagkaroon naman ng magandang closure ang paghihiwalay namin at naunawaan niya ang mga reasons ko kung bakit kailangan kong lumayo. Ang maganda pa nito naging FRIENDs pa rin kami in spite and despite of what happened. So, moving on, tinry kong bumalik sa iyo kahit na sumpungin ka most of the time. Siguro nga yun ang gustong kong mangyari ang magka-challenge or ma-challenge ako sa buhay. 

Nung unang buwan medyo mahirap para sa akin kasi imbes na sa kapwa Pilipino mo ako ipakilala, sa mga kaibigan mong Latino ako inintroduce na lalong nagpahirap sa akin, kasi unang una, yung lenggwahe, although, medyo related ang ibang words sa wika natin, nahirapan pa rin ako ng todo. Good thing naman is mababait sila, at take note, naging close ko pa ang isang Columbian friend mo. So, kahit na nahirapan ako sa unang pagsubok mo, nakita kong napangiti ka at unti-unti ng nagiging close tayo. And then yun na, pinakilala mo na ako sa mga FIlipino friends mo, at maging ang mga old friends ko nakilala mo na rin at nagustuhan ka rin nila. Dahil din sa iyo nakilala ako ng mga taong nasa likod ng mga kwento na aking sinusundan  sa ibang network. At dahil dun naibalik ko ang hilig ko sa pagsusulat. At dun ko rin napatunayan na hindi ka selosa kasi kahit na meron akong nakaka-close na iba, andyan ka pa rin at naghihintay. Pasensiya ka na kung wala kong nasabi sa iyo nung 2nd year natin, medyo naging busy ako sa mga games na ipinakilala mo sa akin. Pasensiya ka na rin kung bumalik ang pagkahilig ko sa mga online at network games, dahil dun hindi kita masyadong napapansin. Siguro na-excite lang ako at namiss ko yung mga bagay na ginagawa ko nung college, yung makausap at makalaro ng poker ang mga kaibigan ko. Pero magkagayun pa man di mo pa rin ako iniwan, bagkus andyan ka pa rin naghihintay at nag-aabang. 


Ngayon ika-3 taon na ng ating pagsasama. Masasabi ko na, salamat sa iyo, sa lahat lahat. Ikaw ang almost  una nakakaalam ng mga sama ko ng loob at problema sa pamilya, sa kaibigan at sa mga bagong kakilala. Ikaw rin ang halos unang nakakaalam ng mga saya, ligaya, paglalakbay at mga bagay na nais kong ibahagi sa iba. Dahil diyan taos puso akong nagpapasalamat sa iyo at hindi mo ako iniwan sa loob ng 3 taon. Maraming salamat at inalis mo ang homesick na aking naramdaman dito sa ibang bansa. Muli, maraming maraming salamat sa 3 taon nating pagasasama  .......................................



MEMA presents THAI MOVIE
MEMA short for MAY MA

Me Ma POST lang 

Presents


The New White Castle Girl for 2012...............



.....after 20 tagay!!!!!


*********
But then, I think, this is a funny movie. A Thai Comedy Movie
A story of nawawalang Heredera o Prinsesa ng isang kaharian.
Kaharian na may korteng Palaka sa world Map.




Yun nga lang Lost in Translation tayo!
Kaya dahil diyan, tumbling muna with half smile ng sabay sabay!
Lols!


*******

Happy Immaculate Conception Day!!!
(connected?)


WANTED: SINGLE
Dahil malapit na naman ang Pasko, at habang ang maraming couples at mga bata ang nagsasaya ang ilan namang miyembro ng SMP at mga heartbroken ay kumakanta ng "ang disyembre ko ay malungkot" with matching subo ng ham na dapat ay handa na pang-Noche Buena. At ayon sa sarbey, dumadami na daw ang single sa Pilipinas (ngealam ang sarbey na yan!) kaya naman heto ako at nakahalukay ng mga dahilan ng kung bakit ang mga single ay tinatawag na single...

Top 11 Reasons ng mga Single

#11-DESTINY ADIK (bahala na raw ang tadhana at naniniwala sa kasabing "hindi pa kasi siya ipinapanganak eh!")


#10-PERFECTIONIST (gusto yatang maging BF/GF eh si Prince William o si Kim Kardashian. In short, AMBI [ambisyoso/ambisyosa])


#09-BUSY BUSYHAN o WALANG TIME (pero ang totoo, walang magkagusto. Sabi nga sa isang gay contest, "aanhin mo ang ganda, kung wala namang dyowa")


#08-BORN TO BE ALONE (sila yung naniniwala sa idea ng single-blessedness o may pangarap maging PARI at MADRE)




#07-HAPPY GO LUCKY (nag-eenjoy sa 'tikim tikim lang' theory)


#06-FRIENDSHIP THEORY (hindi maamin ang totoong feelings sa kaibigan, kasi takot iwan, kaya naman masaya na at secretly in love ke friend)


#05-WRONG TIME o HINDI PA TIME (feeling eh may pagkakamali pang iba)


#04-WRONG PLACE o HINDI NAAYON SA FENG SHUI (feeling eh nasa maling lugar)


#03-RATED PG o STRICT ANG PARENTS (sila yung idinidepende kila mommy at daddy ang desisyon)


#02-TRAUMATIC EXPERIENCE (sila naman yung nasaktan sa sex ng minsan at ayaw ng maulit pa)


#01-EX TO THE 10th POWER (mga taong nagkukunwaring nakamove-on na pero si EX pa rin ang gusto)


Anu-ano man ang dahilan ng pagiging single nila ay wala na tayong pakialam dun (malay mo pangit lang talaga siya). Siguro its their choice. Married ka nga, pero hindi mo naman kayang paninidigan ang responsibilidad mo bilang taong may-asawa o nabubuhay ka sa pagkukunwari, mabuti pa yung single na patuloy  na naniniwala at nabubuhay sa katotohan. Sa katotohanan na ang pag-aasawa ay isang responsibilidad na hindi dapat sinusukuan at iniiwan sa gitna ng anumang hamon ng buhay...
STRANGE TREE - THE REVELATION
STRANGE TREE QUESTION HERE

Well, it had an organ, a female like organ. Lolz!




Look closer...




HA! HA! HA!

**********

To make this post have a lot of sense, I wanted to share a toponyms & a trivia too, in connection with that female like organ.

TE PUKE - is a town located in the Western Bay of Plenty in New Zealand. 

There's a place in Albania called PUKE.



**********
Other Toponyms or funny name of places that makes you laugh or.... at least smiles a bit.

HELL can be found in Michigan, USA

PURGATORY is in Maine

Theres a place in California called HOOKER

UGLEY can be found  in Essex, England

BORING is in Oregon

BAKLA Candradvipa is in East Pakistan

LESBOS is an island in Greece

There's a place called LOWER & UPPER DICKER in East Sussex, England

PITY ME & NO PLACE can be found in Durham County, England

NUEVE de PEBRERO is a place in Quezon City, Philippines 
(im wondering if this date is the date where this place founded)




**********

toponymy [təˈpɒnɪmɪ]
n
1. the study of place names
2. (Medicine) Rare the anatomical nomenclature of bodily regions, as distinguished from that of specific organs or structures
toponymic  [ˌtɒpəˈnɪmɪk], toponymical adj
Collins English Dictionary – Complete and Unabridged © HarperCollins Publishers 1991, 1994, 1998, 2000, 2003



STRANGE TREE
While walking along the street side of Kuang Fu Road, way up to my work, I saw this strange tree & captured my naughty imagination. Then here I am, sharing it with you.

**********



What is so strange & different about this tree from the other?





Answer...





 See tomorrow's post!!!



CHILLY NIGHTS presents HIGANTI (Ang Wakas)
Part 1 here.

Lalo siyang kinabahan at natakot...

Takot na lalo niyang ikinabahala. Takot na halos lumamon sa kanyang imahinasyon. Takot na lalong nagpalala ng di niya pagtulog. 



Lumipas ang ilang oras....



Nagulat siya ng marinig at makitang nagsusumigaw ang kanyang nanay pagbukas sa pintuan ng kanyang silid. Nakita rin niya ang kanyang sarili sa isang sulok sa isang di maipaliwanag na katayuan. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya mismo ang kanyang sarili habang siya'y nakatayo sa tabi bintana. Lalong hindi siya makapaniwala na makita ang sarili sa ganitong kalagayan. 




Habang umiiyak ang kanyang ina. Nakita niya ang dalawang maliliit na nilalang sa tabi ng isang video tape sa ibabaw ng mesa ng kanyang lampshade na may title na Snow White & the Seven Dwarfs goes Porn.




Bigla niyang naalala na pinanood niya ito nung isang araw habang ang kanyang ina ay nasa Quiapo upang humanap ng mga bagong labas na dibidi.

Doon niya nalaman na ito palang video tape na ito ay may kaakibat na sumpa. Sumpa na kapag pinanood ay titirik ang mga mata hanggang sa bumula ng puting likido ang iyong.....



ang iyong.........



ang iyong.......... 


.....bibig.



At doon niya napansin na unti unting lumalayo ang kanyang sarili sa eksenang umiiyak ang kanyang ina alas siyete na ng umaga.


-The End-




Disclaimer: Ang lahat ng lugar, pangalan at pangyayari ay pawang kathang isip lamang, kaya kung nabuwisit ka at di naaliw, pasensya ka blog ko to! ok! hehehe. Salamat sa inyong walang sawang pag-PG....ooopps, hindi po Patay Gutom, kundi Pagsubaybay at Gabay.


CHILLY NIGHTS presents HIGANTI
Habang naglalakad si Erika pauwi sa kanilang bahay isang gabi buwan ng Oktubre ay may narinig siyang mga maliliit na boses mula sa di kalayuan. Inakala niyang ito'y namumula sa kalapit bahay sa may bandang tindahan nila Aling Maria, kaya di niya ito pinansin. Subalit habang patuloy siya sa paglalakad ay tila lumalakas ang tinig ng mga maliliit na boses na parang galit, at sa pakiwari niya'y sinusundan siya ng mga ito. Magkahalong kaba at takot ang kanyang naramdaman, kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad hanggang sa sapitin ang kanilang bahay na malapit sa isang malaking puno ng Mangga....

Pagdating sa bahay, ay agad niya itong ikinuwento sa kanyang ina, habang sila'y kumakain ng hapunan. Alas-otso na ng gabi.

"Sus! wag mo ngang pinagpapansin ang mga bagay na yan, guni-guni mo lang ang mga yan, sa tagal ko na dito wala pa ako ni isang nararanasang ganyan", pakli ni Aling Adora, ang ina ni Erika.

"Siguro nga, guni-guni ko lang ang lahat. Pero, nay! narinig niyo ba ang balita diyan sa kabilang kanto, yung anak daw ni Mang Nestor ay sinapian ng duwende at ayon sa mga sabi-sabi ay nagustuhan daw ito kaya ayaw ng lubayan ng huli", patuloy na kwento ni Erika.

"Ano ka ba anak, may nakain lang siguro na bawal yun kaya nagkaganon. Kumain ka na diyan at matulog pagkatapos mong ligpitin ang pinagkainan natin. At wag kang maniwala sa mga kwento-kwento tungkol sa mga dwende dwende o kung ano mang kababalaghan diyan. Gawa-gawa lang ng ibang tao yan upang makapanloko  at magkapera", mariing di pagsang-ayon ni Aling Adora sa mga sinsabi ng anak.


**********
Matapos niyang ligpitin ang mga pinagkainan at makapaligo, nagpahinga siya sandali at nanood ng TV. At habang nanonood ay biglang bumukas ang kanilang pintuan, inakala niyang hangin lang ang nagbukas at naalala niya na hindi ito masyadong naisara kanina ng siya'y dumating. Tumayo siya at isinara ang pintuan. Kitang kita pa niya ang ilang mga bata na naglalaro ng taguan sa labas ng bahay ng kanyang Tiya Eden. Pagbalik niya upang ipagpatuloy ang pinapanood na palabas ay bigla siyang napaigtad ng may mapansin ang kanyang mga mata mula sa bintana. Kitang kita niya ang dalawang maliliit na nilalang na nakaupo sa isang sanga ng punong Mangga sa labas ng kanilang bahay. 


Biglang tumayo ang kanyang mga balahibo. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita at sa sobrang takot ay kaagad niyang kinuha ang remote control ng TV at kaagad itong inOFF at saka tumungo sa kanyang kwarto ng nagmamadali. 


**********
Sa loob ng kwarto, alumpihit siya sa kanyang higaan. Dahil kahit anumang pilit niyang ipikit ang kanyang mga mata ay di siya makatulog. Muli niyang tiningnan ang kanyang relo. Alas Dose. Dalawang oras na pala ang lumilipas simula ng makita niya ang eksenang halos ayaw pa rin niyang paniwalaan. Muli siyang pumikit sa pag-asang makakatulog na rin, subalit ilang segundo pa lang ang na naipipikit niya ang kaniyang mga mata nang may makita  siyang liwanag mula sa labas ng kanyang bintana. Dagli siyang tumayo hindi upang tingnan ang liwanag mula sa labas kundi upang ibaba ang kurtina na nakalimutan niya gawin dala ng sobrang takot. At ng ibababa na niya ang kurtina ng kanilang bintana ay nakita ng dalawa niyang mga mata, na ang liwanag sa labas ay nagmumula sa kanilang hardin. 


Sa hardin ng kaniyang ina na malapit sa puno ng Mangga. At sa tabi ng puno ay may isang umbok na lupa. Bigla niyang naisip ito marahil ay isang....PUNSO. Ang umbok na lupa na kamakailan ay kanyang sinira, ay isa palang punso. Ang bahay ng dalawang dwende na kanyang nakita kani-kanina lamang. 

Lalo siyang kinabahan at natakot...

-itutuloy-


NASAAN KA ELISA?
Bata pa lang ako uso na ang mga teleserye, telenovela at soap opera(iisa lang yun ah!). Katunayan naging kasabayan ko na sa paglaki ang ilan sa kanila sina Mara at Clara, Esperanza, Anna Luna, Anna Karenina, Ula, at ibat iba pang pangalang pambabae. Simula noon hanggang sa mga panahon ngayon patuloy ko pa ring iniisip kung bakit puro pangalan lang ng babae ang ginagawang title ng mga soap opera's at teleserye's(oo, may 's' talaga, kase marami na sila). 

Bakit nga ba hindi pwede ang Ambo? ang Eustaquio? o di kaya naman ay Esperdion Halinghing? Kunsabagay ampangit nga naman kung  sasabihin mo or maririnig mo sa iyong kasamahan sa opisina, sa eskwela at sa kalye na, "uy, pare, bilisan mo na manonood pa ako ng Ambo or ng Eustaquio". Ansagwang pakinggan di ba? Siguro nga kasama na sa kultura at nakagisnan natin na iyakin ang mga babae, kaya halos ng ganitong uri ng tema ng palabas telebisyon ay sa mga babae ang karaniwang ipinapamagat. Sabi nga iba, ang mga babae lang daw ang magaling gumawa ng iyak...nang iyak na isang mata lang ang lumuluha at pataas pa. 

Saludo ako sa mga gumagawa ng orihinal na kathang may temang kagaya ng dramang ganito, yung nakakakuha ng simpatya ng tao, yung talagang tatatak sa isipan ng masa at sa bawat manonood ang mga pagkatao ng bawat karakter na gumaganap at ginagampanan. 

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ay kokonti na lang may kakayanan na gumawa ng mga orihinal na temang dramang pantelebisyon. Karaniwan ngayon ay remake o di ka na naman ay franchise at ginawang tagalog ang mga dramang mula sa Korea, Taiwan, Argentina at Mexico. 

At sa dami na ng napanood kong soap opera, ngayon lang ako nakakita i mean nakarinig ng may patanong sa title, gaya ng Nasaan ka Elisa? or Nasaan si Elisa? ba yon. Aktuli wala pa akong napapanood na episode ng palabas na yan at ni hindi ko nga alam kung kelan siya nag-pilot, narinig ko lang sa kasamahan ko sa Choir na may palabas na ganyan. At ng marinig ko ng banggitin niya ang title ng palabas sa tv ngayon, isa sa mga kasamahan ko ang sumagot ng "Hindi ko alam, bat sa akin nyo hahanapin". 



Anyways,



Dahil sa naging curious ako kung nasaan talaga si Elisa. Heto ang mga narinig kong bulong bulungan mula sa mga tsimoso't tsismosa.

1. Mula sa isang tagahatid ng softdrinks sa isang sari-sari store.
"Si Elisa? sinong elisa? Ah! yung nakatira kina kuwan, pre anu nga bang pangalan nun, yung napagtanungan natin kung saan ang daan papuntang Eskinita Avenue at penge ngang isang istik ng sigarilyo".

2. Mula naman sa isang bading sa parlor.
"eklabooo, eklabooo, eklabooo." (translates as "the sun is the center of the solar system and the object moving around it are the planets.")

3. Mula kay Aling Karya na tindera ng balot sa kanto ng corner Adriatico.
"Ayon sa mga balita at mga sabi sabi siya daw ay matagal ng gumagala-gala dito sa Maynila, may nakakita nga raw sa kalating katawan sa may Spratlys na ginagawang poste ng mga Chinese."

4. Mula sa isang kolehiyala.
"Yuckk! your so baduy (with matching rolling of eyes in one complete revolution). Grabeh! Elisa who? Durrrr! (sabay pulot sa nahulog na tokneneng then shoot sa bibig, sabay sabi ng 'wala pang 1 minute.')"

5. Mula sa lasingero sa kanto.
"Kita mo yun, hik! kumaliwa sa kanto na yun, hik! tas kapag may nakita kang aso sundan mo at huwag kang papayag na ikaw ang susundan ng aso, ha!. Kung wala namang aso, bumalik ka na lang dito at inuman tayo, hik!"

6. From an OFW in Libya being interviewed by the media.
"Kitang kita ko po kung paano kami pinalis ng aming tirahan at dinala sa isang madilim na lugar at doon, isa-isa kaming hinubaran at saka.......................kinulutan at pinedecuran ng mga bading na libyan"

7. Ayon sa mga Bhuddist, si Elisa ay isa nang beauty queen....




Watch Nasaan Si Elisa? in ABS-CBN, gabi-gabi.
JUNE (the First Half)

Aba! Akalain mo nakakalahating buwan na Hunyo wala pa pala akong post. Sa sobrang busy sa trabaho hindi na ako makanakaw ng sandali upang magpost at magbasa ng ibang post. At para kahit papaano may post ako ngayong June, I would like to share what happened this past weeks. Una, Summer na, pero walang humpay ang ulan dito. Ikalawa, for the very first time in my life, I did my first run ever(finally). Ikatlo, the newest president of our country, proclaimed(congrats to Kris...hehehehe).
Ikaapat, school year 2010 opened, kahit na usap usapan pa din ang walang uniform policy na nais ipatupad ng mga nagmamagaling.
Ikalima, the Celtics vs Lakers mania...halos lahat sa FB ko nagfoflood ang message about to this teams & according to drake, para maging sosyal,(kahit na, hindi mo hilig) be with it from FB to tweet to wherever(fuck!)
Ikaanim, the World Cup fevah, (isa pa to!!!).
Ikapito, ang ika-112th independence day ng Pilipinas (malaya na ba talaga tayo!!!). At bilang isang taunang bahagi ng selebrasyon ito, nagbigay ang Philippine Embassy to Taiwan ng isang panoorin na kinatatampukan nila Mark Bautista, Giselle Sanchez, atbp. para sa ating mga OFW.
And finally, I finished reading 'The Lost Symbol'. (yeheeeey)

See you guys for the next half of the month update. Ingat.
Labels: , 2 comments | |
WALANG KWENTANG POSTE
Its been a week when i left my account, pero parang one year na ang nakalipas. Unang una sa lahat nais kong magpasalamat sa mga taong dumalaw sa bahay ko kahit wala ako, sa mga nagcare maglinis at maghardin, tenchu, tenchu...hehehe. Nga pala hapi bertday at meri krimas kay YANIE, painom ka naman kahit tubig na may asin, dahil binati kita ngayong december kahit noong november ang bertdae mo...hehehe. (seryoso), sorry pala ngayon lang ako ngkataym bumati sayo ng hapi bertday, hiatus eh. Taz dun sa mga may AIDS, tandaan nyo kasama nyo ako at kaisa sa inyong adhikain (wala lang kase world AIDS month ba ngayon, ah basta yung may ribbon na pula na nakikita sa MTV channel, hehehehe)...And since nalalapit na din ang aking kaarawan... wala lang gusto ko lang sabihin, walang pakialaman, blog ko to...sa may mga mabubuting puso, ang nais ko lang po ay isama nyo po sa inyong prayers ang lahat ng mga batang nagiging biktima ng karahasang nagaganap sa ibat-ibag parte ng katawan este ng mundo pala. Yun lang po at MERRY KRISMAs in advanced.
Happy WEEKEND Bloggers!!!
Blog Widget by LinkWithin