Dahil malapit na naman ang Pasko, at habang ang maraming couples at mga bata ang nagsasaya ang ilan namang miyembro ng SMP at mga heartbroken ay kumakanta ng "ang disyembre ko ay malungkot" with matching subo ng ham na dapat ay handa na pang-Noche Buena. At ayon sa sarbey, dumadami na daw ang single sa Pilipinas (ngealam ang sarbey na yan!) kaya naman heto ako at nakahalukay ng mga dahilan ng kung bakit ang mga single ay tinatawag na single...
Top 11 Reasons ng mga Single
#11-DESTINY ADIK (bahala na raw ang tadhana at naniniwala sa kasabing "hindi pa kasi siya ipinapanganak eh!")
#10-PERFECTIONIST (gusto yatang maging BF/GF eh si Prince William o si Kim Kardashian. In short, AMBI [ambisyoso/ambisyosa])
#09-BUSY BUSYHAN o WALANG TIME (pero ang totoo, walang magkagusto. Sabi nga sa isang gay contest, "aanhin mo ang ganda, kung wala namang dyowa")
#08-BORN TO BE ALONE (sila yung naniniwala sa idea ng single-blessedness o may pangarap maging PARI at MADRE)
#07-HAPPY GO LUCKY (nag-eenjoy sa 'tikim tikim lang' theory)
#06-FRIENDSHIP THEORY (hindi maamin ang totoong feelings sa kaibigan, kasi takot iwan, kaya naman masaya na at secretly in love ke friend)
#05-WRONG TIME o HINDI PA TIME (feeling eh may pagkakamali pang iba)
#04-WRONG PLACE o HINDI NAAYON SA FENG SHUI (feeling eh nasa maling lugar)
#03-RATED PG o STRICT ANG PARENTS (sila yung idinidepende kila mommy at daddy ang desisyon)
#02-TRAUMATIC EXPERIENCE (sila naman yung nasaktan sa sex ng minsan at ayaw ng maulit pa)
#01-EX TO THE 10th POWER (mga taong nagkukunwaring nakamove-on na pero si EX pa rin ang gusto)
Anu-ano man ang dahilan ng pagiging single nila ay wala na tayong pakialam dun (malay mo pangit lang talaga siya). Siguro its their choice. Married ka nga, pero hindi mo naman kayang paninidigan ang responsibilidad mo bilang taong may-asawa o nabubuhay ka sa pagkukunwari, mabuti pa yung single na patuloy na naniniwala at nabubuhay sa katotohan. Sa katotohanan na ang pag-aasawa ay isang responsibilidad na hindi dapat sinusukuan at iniiwan sa gitna ng anumang hamon ng buhay...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sa #7, 5 at 2.. relate. Lols..
Being single rocks!! pero syempre, gusto ko pa ring ma-meet ang aking prince charming.. ayiiii!!! lols
kami na single, hehehe
So, kasama ka ba dyan kuya? Hehe
ako naniniwala sa destiny.. lels.... aantayin ko ang nakatadhana sa akin... hahahahaha.... ung tipong 50 years na ang gap namin nung partner ko... TNT!
ako naniniwala sa destiny.. lels.... aantayin ko ang nakatadhana sa akin... hahahahaha.... ung tipong 50 years na ang gap namin nung partner ko... TNT!