Ang Mahiwagang Mensahe sa Birthday ni Ate!!!
Ate, 
Hapi Bertdey sa iyo! Kahit late na ang post ko na to nais kong magpasalamat sa yo sa lahat lahat, lalo na nung magcollege ako. Alam ko during that times nahihirapan ka pero di mo pinahalata, lalo na nung maging dalawa kaming nagkolehiyo. Saludo ako sa tatag mo noon, kahit maraming nasasabi ang ibang tao, binalewala mo ang lahat ng iyon. Pasensya na kung naging medyo pasaway kami noon at least medyo lang hindi sobra pasaway. Bata pa lang tayo lagi mo na kaming pinagpapasensyahan. Naalala ko pa noon ang tiyaga mo noon bukod sa INAY na turuan ako ng haba, bilog, tukod, upang maisulat ang letrang R, na simula ng aking pangalan. Naalala ko rin nung mapatae ako sa salawal nung grade1, ikaw ang naghugas sa akin sa poso sa iskul at ng minsan magastos ko ang baon mong PISO, wala ka ng nagawa kundi ang pagpasensyahan ako, kasi kapatid mo ako. Sorry sa mga times na iyon. Hehehe.



Anyways, going back to the future. Pasensiya na kung ako lang ang wala nung ikasal ka. Hindi ko kasi kayang languyin ang halos kalahati ng China Sea eh at mahirap na baka hanapan ako ng permit sa paglangoy ng mga makakasalubong kong intsik na isda. Hehehe. Heniwey, haywey, salamat din at ipinagkatiwala at kinuha mo akong ninong ng panganay mo kahit puro utang ang pagsapit ng Pasko. 

Sana sa susunod mo pang mga taon, mas lalo ka pang maging matatag at matibay(parang ngipin lang) sa anumang pagsubok bilang isang babae, asawa, anak, kapatid at ina. Nawa'y pagpalain at bigyan ka pa ng maraming taon ng AMAng lumikha. 

Ingat lagi!

Muli, Haberdey!!!!!



0 Responses
Blog Widget by LinkWithin