STRUGGLING BATANGUENO
Batangenyo ako...

Ako po’y mula sa kanlurang BATANGAS.
Ama ko'y purong batangenyo.
Ang Ina ko'y mula sa kabilang ibayo.
Sa puntong 'ALA eh! batangas po ay kilala

Sa Kapeng barako kayo'y ga’y nahalina.
Balisong at Bagoong ay nais pong ipakilala.
Ganda ng dagat ay dinarayo pa.
Ng mga turistang mula sa Maynila.

Gobernador nami'y ga’y si ATE VI
Ala ay Iniwan ang movie industry.
Para ga sa Batangas ay magsilbi.
Masipag, tapat at matiyaga, iyang si ate Vi

Ngayon po akoy naandine sa ibayong dagat
Nakikipagsapalaran at nagbabakasaling marangyang buhay ay makamtan
Hirap at lungkot dito ay aking kalaban.
Dito mismo sa lupang dilaw (Chinese).

Upang kalungkuta’y maibsan
Bimili ng laptop.
At doon, blogosperyo’y nakilala
Maraming kwento. Maraming ngiti ditoy nakita.

Ibat-ibang lugar, iba-ibang kwento
Gayundin ang opinion nang aking mga kapwa OFW.
Sa pamamagitan ng letra,
Hinaing at sama ng loob dito ay naipapakita.

Salamat sa mundo ng sapot at ka’y blogosperyo
Lungkot ay inyong napawi
Sa mga kwentong mula sa aking kababayan

Akoy magpapaalam, na
Sapagkat akoy may pasok pa.
Salamat kaibigan sa pagbabasa
Ng aking tulang walang kwenta.
Labels: , |
4 Responses
  1. Deth Says:

    kakatuwa naman ang tulang yun...namiss ko tuloy ang batangas kabayan...hehehe


  2. Anonymous Says:

    isa ka palang makathaing batangueno! hehe. nice one!


  3. Jepoy Says:

    salamat sa magandang tula! bow


  4. gesmunds Says:

    bakit naman walang kwenta??

    nway, laguna naman ako... madalas ako dati sa lipa.. nakakatuwa, ang linis linis...
    galing naman ng local govt niyo! infairness, magaling si ate V.


Blog Widget by LinkWithin