EMO-EMOHAN lang TO!!!
Sometimes in our lives, there are things that we dont understand and other things that we dont know, and then we start asking questions.

Bilang isang OFW na napadpad sa malapit bundok ng tralala, halos wala na kaming alam na uso at kung ano ang in ngaun. Salamat na lamang at andiyan ang mundo sapot kung saan siya lang ang nagbibigay samin ng impormasyon sa bawat pangyayari sa ating bansa. Wala naman kaming maasahan sa mga palabas sa telebisyon dito sa kadahilanan ng tinatawag na 'language barrier'.

Sa aking paglalakbay sa mundo ng sapot, may mga salita at abrreviation akong di halos lubos maarok ng aking diwa.

Ano po ba ang PLU?
Ano po yung palabas na BOF?
Sino po si Shivaker?
May Jolina palang pangalan ng bagyo.
Ano po si kimidora?

Minsan nga naiisip ko saan na ba kong planeta ngayon naroroon. Saan na ba ang narating ko ngayon? Paano na iyong mga walang hilig at di marunong gumamit ng computer? Sabi nga ng ibang kasama ko dito, 'nakakabobo naman dito'. 'Bahay-trabaho, Trabaho-bahay lang'.

Wala lang. EMO-emohan lang. Kalungkot kase, waaaaaaaaaaaa...inaatake na naman ako ng homesick...

HAPPY WEEK END, BLOGGERS!!!

Yun lang...

Salamat.


Labels: , |
8 Responses
  1. Lord CM Says:

    Hehehe :D Homesick...Dapat sanayin na natin ang sarili natin sa mga ganyang bagay, karaniwang sakit na ng OFW ang homesick..ang magagawa mo na lang eh maghanap ng paglilibangan...

    Hintay ko ung mga sagot sa tanong mo, di ko rin alam ung PLU, at ano ung BOF? lolzz


  2. chikletz Says:

    wawa naman si scofield o.. tsk tsk. lilipas din yan..


  3. A-Z-E-L Says:

    PLU - people like us?
    BOF - beginning of file?

    dumaan po...
    nahohomesick din eh...


  4. Jepoy Says:

    Nasaan ka ba?! Ako gusto ko rin ma homesick lolz

    Mag bloghop ka nalang pag na lulungkot ka andito naman ang mga tropa mo sa mundo ng sapot e


  5. Badong Says:

    hindi ako ofw pero bakit hindi alam yung plu????


  6. Anonymous Says:

    Ahh gAnuhn olAh yUhn......


    bK8 nMn gNuhn Yuhn tItlE?....

    tAnung LAng nMN.....


  7. SCOFIELD JR. Says:

    @anonymous, kahit ako d ko alam bat ganun ang taytol...basta yun na yun homesick at EMO parehas medyo malungkot...hehehe


  8. Bhing Says:

    hello, dito ako sa taipei...

    add kita sa list ko...

    have a nice day!


Blog Widget by LinkWithin