HAYOP NA YAN!!!

WHEN I WAS I KID, PINANGARAP KONG PUMUNTA NG ZOO. LAGI KO NOON KINUKULIT ANG NANAY AT TATAY KO NA PUMUNTA SA ZOO SA TUWING SASAPIT ANG BAKASYON. KASO SA TUWING KUKULITIN KO SILA, (AT NAGPAPAKULIT NAMAN), LAGI NILANG SINASABI SA AKIN NA "DYAN KA NA LANG SA LIKOD BAHAY PUMUNTA O DI KAYA SA MAY KAKAHUYAN, KASE LAHAT NG MAKIKITA MO DYAN AY MERON SA ZOO". DAHIL NGA SA MEDYO HIRAP KAMI SA BUHAY, WALA NA AKONG NAGAWA KUNDI TINGNAN ANG MGA MANOK, BAKA, KALABAW AT KAMBING SA BAKURAN AT IMADYININ NA GIRAFFE(gi-ra-pe, ang basa namin dati), TIGER, LION AT ELEPHANT ANG IBA SA KANILA.

LUMIPAS ANG MARAMING TAON, HANGGANG SA MAG-HIGH SCHOOL AT MAKATAPOS NG COLLEGE HINDI KO NARATING ANG LINTEK NA ZOO NA YAN. AT NUNG BAGO AKO TUMULAK PARA MANGIBANG BAYAN, IPINANGAKO KO SA SARILI KO NA PUMUNTA DUN. SUBALIT DATAPWAT DAHIL SA BILIS NG PANGYAYARI AT EKSAYTMENT NA RIN TUNGKOL SA AKING PAKIKIPAGSAPALARAN SA IBANG BANSA, NAWAGLIT SA AKING ISIPAN ANG PLANONG PAGPUNTA NG ZOO.

LUMIPAS MULI ANG ILANG TAON. NANLAGAS AT MULING NAGKADAHON ANG MGA PUNO NG HIGERA(YUNG PINAGTALIAN KAY FLORANTE SA FLORANTE AT LAURA) HINDI KO NARATING O NAPUNTAHAN MAN LAMANG ANG MAILAP NA ZOO NA YAN. DALA NA RIN SIGURO NG SOBRANG KABUSYHAN AT PAGPAPAYAMAN (DAW?) HINDI NA MULING SUMAGI PA SA AKING ALAALA ANG MAGPUNTA SA ZOO. AT KAHIT NUNG LUMIPAT AKO NG KUMPANYANG PAGTATRABAHUHAN NOONG 2007 HINDI KO NA NAISIPAN PANG PUMASYAL PA SA NASABING POOK PASYALAN.

AT NOONG 2010, BAGO AKO UMUWI SA LUPANG SINILANGAN, SA WAKAS NARANASAN KO RIN ANG MAKAPUNTA SA ZOO, SA TULONG NA RIN NG ISANG KAIBIGAN. AT SA SOBRANG HEKSAYTMENT NAKALIMUTAN KO ANG MAGDALA NG CAMERA BUTI NA LANG AT MAY CAMERA SI FRIENDSHIP. DOON NAKITA KO RIN ANG DATI AY SA ISIPAN AT LIBRO KO LANG NAKIKITA AT KINUKULAYAN LANG NAMIN NG PINK ANG TIGER, YELLOW ANG LION, ORANGE ANG GIRAFFE, GREEN ANG ELEPHANT AT IBA PA. HABANG PINAGMAMASDAN KO ANG MGA HAYOP NA NASA LOOB NG HAWLA BIGLA AKONG NALUNGKOT AT NAISIP NA HALOS WALANG PINAGKAIBA ANG MGA MABABANGIS NA HAYOP NA NAKAKAKULONG SA LOOB AT ANG MGA TAONG NASA LABAS NA PATULOY NA GUMAGAWA NG PANLALAMANG AT KABUKTUTAN SA KAPWA...


2 Responses
  1. Anonymous Says:

    ahaha!!! natawa ako sa jirapee...

    hehehe.. anyway.. ;-D


    ni hindi ko pinangarap kahit kelan ang magkaroon ng pet...
    o bumisita sa zoo...
    hindi kase ako mahilig sa hayop.. ;-d medyo nakakatawa ...

    pero mas makaflorante ako kesa sa flauna... .. nice pictures though.. ;-D

    hahaha!!! ikaw ba ang kumuha ng pictures?..

    asan kah?..(joke!) ...

    more pictures!! ;-D



Blog Widget by LinkWithin