What's in a Radio Jocks Name?
"Kailangan Pa Bang Imemorize Yan"

Yan ang lagi kong naririnig sa mga jeepney na nasasakyan ko nung college ako sa mga byaheng Bukid-Faura, Taft & vice versa o di kaya naman sa mga route ng Taft/LeonGuinto/PedroGil-Guadalupe/Ilalim/Ibabaw/Gilid/Gitna at kung anu-ano pang posisyon.

Yan ang love radio 90.7.

Wala lang, naalala ko lang, nung nag-aapply pa kami ng mga kaibigan ko for OJT. Dahil sa inirefer ako ng kapatid ko sa kaibigan niya na nagwowork sa MBC nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Makati, dun pa kase ang opis nila nakatayo sa may Legaspi Village. Dun ko nalaman na ang DZRH, Love Radio at Yes FM ay magkakapatid pala. At dahil wala nung araw na yun ang kaibigan ng ate ko, kinuha na lang ang aming kunwa-kunwarian resume(bio-data na binili kay manang magtitinda ng sigarilyo na may sukling kendi). Tatawagan na lang daw kung need nila ng OJT. Tinawagan kami after a week, pero yung dalawa kong classmates na lang ang natuloy dun at sa DZRH sila nilagay, kasi ako ay nagsisimula na sa TIM, yung company na gumawa ng Automated Counting Machine o PCOS na ginamit nung Eleksyon 2010 sa Pilipinas. hehehe.

Pero di tungkol diyan ang post ko, ito ay tungkol sa mga dj's ng Love Radio (konek di ba?...hahaha). Di lingid sa inyong kaalaman at alam ko na kilalang kilala niyo ang pangalang Chris Tsuper, Nicole Hyala at Papa Jack, well, sa mga hindi nakakakilala gaya ko, sila ay ilan sa mga dj's ng naturang radio station, base na rin sa aking pagsasaliksik, kasi mas kilala ko sila Chinggay, Matt Montoya, Bruce Romano, Trish Diaz, The Gaucho, Brian Gomez, Cielo, Evette at lahat sila wala na sa RX...hahaha. Back to Love radio Dj's, ngayon ko lang nalaman via wikipedia na ang mga radio names nila na ginagamit pala ay hango sa mga common Filipino occupations gaya ng driver, vendor atbp. (oo ako na ang slow!!!). At heto sila....

  • Nicole Hyala – lifted from "kolehiyala", a female college student
  • Chris Tsuper - a cross-between "Christopher" and "tsuper", a jeepney driver.
  • Rica Hera - lifted from "kahera", "cashier"
  • Missy Hista - lifted from "masahista", a masseuse
  • Rico Pañero – lifted from "compañero", a moniker used to describe an attorney
  • Kristine Dera - lifted from "tindera", a vendress.
  • Papa Jack – lifted from the "padyak" boys, a bicycle with a sidecar
  • Matthew Dancer - lifted from "macho dancer"
  • Bobby Guard - lifted from "bodyguard"
  • Lala Banderas - lifted from "labandera"
  • Monsieur Betero – lifted from "sorbetero"
  • Tommy Tambay - lifted from "tumatambay"
  • Johnny Thor - lifted from "janitor"
  • Sexy Terry - lifted from "secretary"
  • Rey Porter - lifted from "reporter"

Kung sinu man sila sa tunay na buhay, wala akong pakialam. Hehehe

2 Responses
  1. LON Says:

    HEHE. COOLIT MO ;)


  2. eMPi Says:

    lagi akong nakikinig sa love radio... lalo na sa tambalang nicole hyala at chris tsuper


Blog Widget by LinkWithin