REMINDERS WHEN YOUR OFF TO BED
Mga bagay na di dapat isuot kapag matutulog.

1.Huwag matulog ng may suot na relo.
Ang mga relo ay nag-eemit ng certain level of radioactivity. Kahit gaano kaliit ang relo, kapag suot mo ito habang natutulog, it might have an adverse effect on your health.

2.Huwag matulog ng may bra.
Ayon sa isang grupo ng mga dalubhasa sa Amerika, ang pagtulog ng may bra sa higit 12 oras ay may higher risk sa pagkakaroon ng breast cancer. So, sa mga gel's diyan, sabihan nyo ako pag matutulog na kayo ha.

3. Huwag matulog ng may phone.
Kase masisira ang tulog nyo (dyowk). Scientists said & proved that electrical items such as phones emits magnetic waves when used. These waves can cause disruption to our nervous system. At mahigpit na ipinagbabawal ng mga lintek na dalubhasang ito ang paglalagay o pagtabi sa cellphone habang natutulog at maski gawin itong alarm clock ay bawal din. (bitter).

4. Huwag matulog ng may maskara, in short make up.
Ang mga tao daw na natulog ng wearing make ups ay usually pangit (jokeness ulit), ay may higher risk of having skin problems in a long run. Kase po nahihirapan daw po huminga ang ating skin (ganun!) kapag may make up at nagkakaroon din daw po ng problem in perspiring. Mas maganda na wash your face with water & put off your make up before going to bed para mas masarap halikan.

At, etong panghuli ang pinakamaganda...

5. Do not sleep with other's husband or wife.
Simply because you may never wake up again.


Mga simpleng paalala, subalit totoo. Kaya mga kaberks, kafarmville, kablog, kafezbuk, kapuso, kapamilya, kabagang, laging tandaan na ang buhay ay weather weather lang, mahalin at alagaan ang ating sarili dahil health is wealth...
10 Responses
  1. Lord CM Says:

    Hehehe :D Buti na lang di ako naka bra kapag natutulog lolzz


  2. SCOFIELD JR. Says:

    @lordcm, hahaha, oo nga baka magduda si misis nyan.


  3. DRAKE Says:

    Pang-anim

    Huwag matulog ng.........NAKADILAT

    Hahhaha

    Ingat


  4. saul krisna Says:

    teka dapat pala walang bra.... teka maiprint nga post mo at maipakita kay gelpren ko hahaha

    teka bout sa relo... totoo ba yun?


  5. iya_khin Says:

    teka may pang pito din! kasi pang anim na si drake..

    magkumot lalo na kung ikaý uutot!


  6. SCOFIELD JR. Says:

    @Drake, hahahaha, aylabet sige dagdag ko na din...

    same to you ingat tol...


  7. SCOFIELD JR. Says:

    @saul, wag mo nang kontrahin ang mga scientist...hehehehe, maniwala ka na lang.


  8. SCOFIELD JR. Says:

    @iya, talagang kelang magkasunod kayo ni drake ah...hmmmmmmm, smell sumting, hehhehe, (joke) naku si jepoy mahigpit mo kakumpetensya kay drake....heheheh

    mishu!!!ingat palagi.


  9. iya_khin Says:

    @scofield oist! umayos ka! di mo alam pinagsasabi mo,wag mo ako ichichismis kay drake,baka gusto mong masaktan!weeee!
    ask ko lang,miss mo ba talaga ako?!chroousss!ehem!

    @drake oist!di mo pa dinadalaw ang bahay ko!inilaglag na kita di mo pa din alam!i hate u na!hmmp!


  10. chikletz Says:

    gusto kong kasiping ang fone eh! bakit ba?! LOL!


Blog Widget by LinkWithin