KAIN+PASYAL+GALA=HAPPINESS
Dahil naburyong ako sa nakaraang tatlong araw, sinunod ko ang payo ni katotong Jepoy na sumocial life. Kaya nung weekend kahit konti na lang ang allowance ko hayun at gumala ako with some friends, at kung gusto mong alamin kung ilan kami, well, ahmm...mga... dalawa lang kami.

Dahil diyan may nag TEXT...

At kung nais mong malaman kung saan kami nagliw-aliw (wag kang excited!) heto na at ikukuwento ko. Sabado, ika-16 ng Enero, tandang tanda ko pa ang mga araw na yaon ate Charo...after naming mgserve kay PAPA JESUS sa saturday mass, punta kaagad kami sa isang Filipino restaurant para maibsan ang gutom na aming nararamdaman (siyempre restorant ang tawag, nasa ibang bansa eh...pero pag sa pinas, sa karinderya!). At dahil choir member kami (naks!), opo choir member kami kahit mala SOCO Gus Abelgas ang boses namin, doon mismo sa harap ng Videoke kami umupo.

"Manang paorder kami ng nilagang baka at kalamares", sabi ng kasama ko.
"At palista na lang, next month ang bayad", pahabol niya.

At habang niluluto ni manang ang inorder namin, pumili si partner ng kanta para mambulabog sa buong kainan at sabay key-in & send to 4627. Tinanong ko siya kung anong kanta ang pinili niya, sabi niya, "yung winning piece ko". Naks naman may winning piece. Langya nung malaman ko kung anu yung winning piece na sinasabi niya, Mamang sorbetero pala...

Nakailan din kaming kanta bago dumating ang inorder namin. At siyempre kapag pagkain na ang usapan, (HU U?) galit galit muna. After ng ilang nom...nom...nom...hao la! pahinga na ang mga baboy.

After 30 minutes na pahinga, red horse at kanta, batse na kami ni tropa at head our way to the citeeeeeeee... Habang nasa train, napagkasunduan naming magtrip sa lugar na di pa namin napupuntahan sapul pagkabata, at ang nanalo sa mga choices namin gaya ng zoo, sangkahayupan at tong wu yuan ay walang iba kundi ang ZOOOOOOOOO. Naalala ko tuloy pag kinukulit ko si nanay na pumunta sa zoo, sabi niya,"duon ka na lang pumunta sa ilaya, (tawag sa northern part ng lugar namin sa probinsya, usually sa may paanan ng bundok yun sa amin) anumang hayop ang makita mo dun, yun din ang nasa zoo".

Pagdating namin sa Hsinchu City Zoo, parang sa manila zoo din, na nakikita ko sa tv may nagtitinda ng cotton candy, at mga memorabilias gaya ng pigurin at key chain, yun nga lang wala si manong ice buko, si manong maglolobo, si manang magsusweepstake, si manong na ngtitinda ng bari-barilang gawa sa kahoy na kailangang iikot para tumunog at si ate na ngtitinda ng ahas na gawa sa sa kawayan.

Sa halagang 10NT$ pwede ka ng pumasok at magikot-ikot at magpiktyur piktyur sa loob. Pagpasok namin napansin ko kaagad ang kalinisan ng zoo. Sa first stop, nakita namin, siyempre ang mga kaberks na unggoy then sunod sunod na gaya ng tiger, ahas, pagong, pelican, peacock, white horse na ginamit sa commercial ng white castle, mga crocs, maple trees ng farmville, si rudolph, magpies, oryx, canary, ostrich, loro, ox, uod, salagubang, gagamba, alitaptap sa araw (dyowk lang ang mga insekto), dinosaur, oo maraming mukhang dinosaur ang naggagala ng araw na yun...hehehe, pero wag ka may mga Nikon or Canon Digital SLR silang dala. Muli napansin ko ang maintenance sa mga hayop, alam mo yung hindi sila malungkot, kase sabi, sa atin daw mga payat yung mga hayop & hindi sila gumagalaw i mean steady lang sa isang lugar, dito hindi nahihiya ang mga hayop, except sa mga kabuwaya ng ilan sa mga nasa position sa atin, talagang bato na ata at manhid, talagang hindi natitinag sa pagkakahiga kahit anung ingay gawin mo hindi pa din gumagalaw ang mga crocodiles dito. Well anyways, dito talagang inaalagaan nila ang mga hayop at full support ang government sa pagmamaintain ng mga public places gaya nito. Kase iniisip nila that this is for the children & for the upcoming generation na halos hindi na nakikilala ang ibang hayop dahil sa extinction. Although sa atin, supported by the government naman ang kaso napapapabayaan, minsan kase yung budget sa maintainance & food ng mga animals binabawasan, kase nga naman iisipin ng iba, buti pa yung mga hayop may pagkain, samantalang yung tagapagalaga at ang pamilya walang makain...Hala, nagiging seryoso ako...& now back to the tuning...after ng ilang oras na paglalakad at pagpipiktyur, lumabas na kami at nagtungo sa glass exhibit na halos katabi lang ng zoo. Dito boring dito kase hindi pedeng magpiktyur piktyur, pero magaganda ang mga designs ng mga artist, like yung ibat ibang klase ng tiger na made in glass. Hinanap ko rin yung sapatos ni cinderella kaso di ko nakita, siguro di pa naibabalik ni cindy.

After ilang minutes sa Glass Exhibit, muli kaming nakaramdam ng gutom at pagod dala siguro ng walang humpay na paglalakad, kaya dumeretso na kami sa steakhouse at duon na nagdinner...sayang at ang mga piktyur is nasa kasama ko, wala pa kase akong cam pero pinagiipunan ko ang Canon DSLR.

At 8:00 PM we got home & sleep...then the next day, Sunday I went to Taipei for another adventure & story...


MANDARIN 101


Hao la! means ok, done or finished
Tong wu yuan (pronounced as tong-u-yen) means Zoo
10 Responses
  1. Jag Says:

    Ayos! Solb na solb hehehe...


  2. 2ngaw Says:

    Sama mo ako next time ah! lolzz


  3. saul krisna Says:

    uy bakit di ako kasama? sabit ako sa iyo next time huh hehehehe


  4. RHYCKZ Says:

    @jag, uu tol, solb na solb, kaso nawala naman ang cell ko na pangroaming...


  5. RHYCKZ Says:

    @lord cm & saul... uu ba kaya, sakay na...lol


  6. DRAKE Says:

    Wow sumusosyal layf. Masyado kang nagpapaniwala kay Jepoy.Hahaha

    Okay yan pre, enjoy enjoy lang ang buhay! Medyo hindi naman ibig sabihin na pag nag-abroad tayo eh hindi na tayo pwedeng magpakasaya di ba?

    Sana sa susunod sa pinas na ang gimik at itaon mong nandun ako para mailibre mo!hahaha

    Ingat


  7. Jepoy Says:

    Aba special Mention nanaman ang advice ng inyong linkod.

    Tama yan somocial life ka lang ng sumocial life. Pero within limits lang naman. At higit sa lahat ang sosyal ng kinainan nyo ng dinner steak house talaga. Hindi ko nga afford and steak dito sa PInas hanggang beef steak nalang ako kay Manang sa kanto....

    God Bless!


  8. ahmer Says:

    Nice, kelangan ko na rin ata sumocial life! hehe


  9. RHYCKZ Says:

    @drake, kelan b balik mo ulit ng pinas, libre kita...... sa jolibee....hehehe

    ingatz din jan.


  10. RHYCKZ Says:

    @jepoy minsan lang po mag steakhauz, hayaan mo sasabihin ko ke manang sa kanto, dagdagan ng stik ang beef na bibilhin mo....hehehe

    @ahmer, hey dude welCUM bak...


Blog Widget by LinkWithin