GOD WANTS YOU TO KNOW
Tatlong araw.
Tatlong araw ang nagdaan.

Tatlong araw ng halos mamaluktot ako sa pagtulog dala ng sobr
ang lamig ng panahon.
Tatlong araw ng halos umurong ang betlog ko sa tuwing magliligo bago pumasok sa trabaho.
Tatlong araw sa ilalim ng aking comforter.
Tatlong araw na late.

Tatlong araw na di makausap ng matino at laging nakasimangot.
Tatlong araw na kumain ng kumain kesehodang nagdidiet daw.
Tatlong araw na halos matulog lang ang ginagawa sa trabaho.(gising sa dorm!)
Tatlong araw ding tumatanaw sa bintana habang pinapanood ang mga nagdaraang sasakyan
.
Tatlong araw din pinakikinggan at minimemorya ang full chinese version ng kantang "peng you" (meron si kim chui niyan).

At halos tatlong araw ding nagti*&*&@$^.
(dyowk lang po!)

Hindi ko lubos akalain na tatlong araw na pala ang lumipas. Tatlong araw pero parang isang linggo na ang dumaan. At kasabay ng malamig na panahon, tila lumamig din ang aking pakiramdam na makisalamuha sa ibang tao, makisama at magenjoy sa buhay.
Meaning tatlong araw ng walang sense ang buhay ko. At ng magbukas ako ng aking account sa facebook, heto ang nais iparating ni Lord sa akin sa araw na ito...

... that it's time you stopped hiding from life, and said yes to the adventure of being alive. Enough of the routine already. Go on, have an adventure, - do what you always wanted deep within your heart. Do what brings you alive, and the universe will open doors where there were only walls.

Labels: , , , |
8 Responses
  1. Jepoy Says:

    Ok lang ang tatlong araw na mag tago sa mundo wag lang forever...

    Sumocial life ka na after ng tatlong araw na ma mumuryot ka na after nyan.

    word verif: Mottlig


  2. DRAKE Says:

    Kamusta parekoy?ano balita?

    Ingat Im back uli dto sa Saudi!

    Ingat


  3. SCOFIELD JR. Says:

    @jepoy, hahaha, oo nga eto nga lumabas ako maghapon. alam mo ba ngawa ko ring pumunta ng zoo...hehehe


  4. SCOFIELD JR. Says:

    @drake, uy tol, musta bakasyon...buti ka pa...

    anyweys hiways welCUM bak!!!


  5. Badong Says:

    natawa naman ako kay kim chiu. ahaha. musta na? happy weekend!


  6. SCOFIELD JR. Says:

    @badong, aus lang joel...kayo musta na ojt...

    hapi wik-end din.


  7. gege Says:

    haha!
    natuwa naman ako, sabi ko na nga ba mali ang nanay ko kapag sinasabi nya na walang naidudulot na maganda ang FB.
    ahaha!
    nice!
    kulit ng mga araw sa tatlong araw mo...
    haha!
    God bless po!
    :P


  8. SCOFIELD JR. Says:

    @GEGE,anu balita, kelan ang graduate...musta mo ko ke jake mark...pyesta na sa tondo, punta kayo ng san andres bukid ni jakee, pyesta din sa amin.


Blog Widget by LinkWithin