ANG UNA KONG LIKHA
Sinasabi na ang Pilipinas ay ang perlas ng silangan na binubuo ng 7,107 na isla, at ayon sa istatistika ito rin ang ika-13 sa most populous countries na binubuo ng mahigit 97 milyon na katao. At sa 97 milyon na 'yon halos 11 milyon ang total ng mga Overseas Filipinos worldwide, almost equivalent to 11% ng populasyon ng Pilipinas. Sa 97 milyon na iyon isa ako dun, isa ako sa tinatawag nilang "mga bayani ng makabagong panahon". Nak's isa akong bayani, sarap pakingggan, subalit ang di alam ng marami, napakarami sa mga tulad namin ang di nabibigyan ng sapat na atensiyon, suporta at importansya mula sa bansa na sana'y aming karamay sa panahong sila'y aming kelangan.
Ako, masasabi kong swerte ako kase nasa magandang kumpanya ako kasama ng 36 na manggagawang pinoy. Magaan ang trabaho bilang isang inhenyero, kumpara sa mga kababaihan nating tapos ng pag-aaral pero tinitiis ang hirap at pagod bilang isang kasambahay. Iniwan ang pamilya upang alagaan at pagsilbihan ang di nila kaanu-ano na kadalasan pa'y minamaltrato ng kanilang amo. Marami akong nadidinig na kwento, balita tungkol sa ibat ibang kaso ng pagmamaltrato. Isa na dito iyong halos di siya bigyan ng day-off at ilock sa loob ng bahay sa araw ng pahinga. Di ba napakasakit isipin na ang isang teacher sa Pinas ay isang walang kalaban-laban na kasambahay ng ibang tao sa ibang bansa. Although, me mga rights tayo na kelangang ipaglaban, iyon eh kung magkakaisa at susuportahan tayo ng bansa natin.
I'm not against sa gobyerno natin but then, their support is, isa sa mga sandata natin upang makasurvive tayo sa hirap dito sa ibayong dagat. Ano ba naman yong magkaroon ka ng lakas ng loob na ipagtanggol ang sarili mo kung alam mong andyan ang bansa mo para suportahan ka. Minsan me narinig ako sa ibang lahi, sabi nila, bakit daw tayong mga pinoy nasa bansa nila, tapos bakit daw minsan tinuturuan natin sila ng kung ano ang tama at mali kung ang mismong bansa natin eh kelangan nun.
Labels: , |
0 Responses
Blog Widget by LinkWithin