NOBODY by WONDERGIRLS...ANG AKING KARANASAN
Ano bang meron ang nobody ng wonder girls at nabubulabog ang bloglandia?

Minsan isang araw sa aking pagaadik at pagboblog hopping at maki-usyoso na rin sa kanilang mga post, na halos karamihan ay puro komedi. Meron akong napansin na one of their posts have in common. At kung tatanungin ninyo ako kung ano ito, itoy walang iba kundi ang kanta ng wonder girls na nobody.

Sa isang post na nabisita ko meron parang aning na nagsasayaw na kahit pareho daw kanan ang paa eh napasayaw to the max.

Sa kabilang dako naman halos itribute ang kanta na to, aside from background song niya sa kanyang blogsite, eh me video pa coming from youtube at hindi lang yon me iba-ibang version pa. At natuwa naman ako sa video nung mga badinger-z na nagsasayaw with matching pink na buhok.

At para makiride, siyempre nacurious ang lolo niyo, hanap si laptop kahit hindi pa nagbebreakfast, open ang limewire, itune, imesh at kung anu ano pang mga music downloader na pede mahanapan ng kanta na to. Nang isearch ko sa limewire, sandamakmak ang mga nag-upload ng kanta na to. Pumili ako nang isa, dahil sa sobrang dami, inikot ikot ko ang mouse at sa kung saan huminto yun ang idodownload ko, tumigil sa bandang gitna, so download agad ang lolo niyo. Nang matapos ang download for about 1 minute, may i play kagad ako, nag ipiplay ko na...anak ng putakti virus ang nakuha ko...so nabahala agad ako scan kagad ang laptop, buti na lang naheal pa. Lipat ng ibang music downloader, nag imesh ako, ng kinilick ko na ang search engine... langya kelangan magsign-in, nakalimutan ko na ang password at username ko dito...napamura ako sa inis. So another try na naman ako, nag itune ako, pagdating ko sa itune, ayos na, me nakuha na ako. Sa sobrang tuwa ko iniwan ko si laptop while downloading NOBODY by WONDERGIRLS, para tugunin ang kanina pang nangungulit na call of nature, so for a couple of minutes balik na ko at nang silipin ko ang dinadownload ko almost finished na, yes sabi ko maririnig ko na rin sa wakas , ng biglang mablanko ang screen ng laptop ko, anak ng tipaklong lobat pa ang mokong at heto pa nang saktong isasaksak ko na ang charger biglang nagbrownout. Namputsa, sabay sabing ito ba ang meron sa NOBODY na kanta na to...nobody can download...Hanggang sa nakatulugan ko na ng me ngitngit sa dibdib ang paghihintay sa kuryente at sa lintek na NOBODY na yan.

Labels: , |
2 Responses
  1. period Says:

    "Sa kabilang dako naman halos itribute ang kanta na to, aside from background song niya sa kanyang blogsite, eh me video pa coming from youtube at hindi lang yon me iba-ibang version pa. At natuwa naman ako sa video nung mga badinger-z na nagsasayaw with matching pink na buhok.'


    awts.parang blog ko yun ah..

    bwaheheheheeh


  2. SCOFIELD JR. Says:

    oo kuya sau yung blog na yun. nung one tym bumisit ako yun ang post mo...

    at si chikletz naman yung sumasayaw...

    sori po...


Blog Widget by LinkWithin