PARA KAY.....
Dahil sa isang pelikula ni Will Smith na may title na "7 pounds", lubha akong naapektuhan sa determinasyon niyang tumulong sa kapwa. Kahit hanggang sa huling yugto ng buhay eh tumutulong pa rin. At ultimong parte ng kanyang katawan eh nakuha nya pang ibigay sa ibang tao na di naman niya kanu-ano. Napaisip tuloy ako na halimbawa bigyan ka ng chance na magbigay ng kahit ano sa mga importanteng tao sa buhay mo at sa mundo, ano ibibigay mo...


Heto ang listahan ko ng PARA KAY...


1. Medal - para sa NANAY ko, dahil the best siya. Dahil sa husay niyang magmilagro upang paputiin ang aming damit, hehehe. Sa totoo kase sampung beses man o paulit ulit man kaming magkamali naandyan pa rin siya upang kami'y patuloy na turuan ng tama at gabayan sa tamang daan.


2. Diploma - para sa TATAY ko, dahil sa walang humpay niyang paglalayag sa ibang ibang klase ng hamon ng buhay upang kami'y mabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi man siya nakatapos ng pag-aaral, napatagtapos niya kami ng sa abot ng kanyang makakaya.


3. Blogsite ko - para kay PRES. GMA, para mabasa nya to, bago siya magSONA.


4. Fly Trap/Fly Flappers - for PRES. OBAMA, so that, if in times of his interview or in any speeches he's ready if there's a fly buzzing around. (siyempre, english, taga USA kase...para maintindihan, malay niyo bisitahin to).


5. Alkansya - para sa ATE ko, para magtipid na siya kase me anak na siya.


6. Hugs - para kay CHIKLETZ, isa sa mga kaibigan ko sa adikan sa web, sa patuloy niyang pagwelcome at sa pagbisita sa blogsite ko (one and only visitor, hehehe).


7. Heart - para kay LALAINE, ang mahal ko, na patuloy na nagmamahal at umuunawa sa akin.


8. Gitara - para sa OLD HUKOUnian CHOIR members of TAIWAN, sa patuloy nating pag-awit ng papuri para sa KANYA, gaanu man kasintunado (sabagay sanay na ang parishioners sa atin, magtataka na sila kapag wala tayong mali.) andiyan pa din tayo tulong tulong upang patuloy na bigyan SIYA ng papuri.


9. PRC logo - para kay totoy (CHOI), buddy ko sa web, hanggat me PRC me board exam.


10. Kitchen wares - para kay RENIEL, ang aking kapatid, sa walang humpay niyang ipagluto ako ng ulam (imbes na ako, na kuya niya ang magluto, siya ang nagluluto para sa akin).


11. Nurse Cap - para sa BUNSO namin, continue following the path for your future. We always there to support you.


12. Dram - para sa mga NORANIANS/VILMANIANS/JUDIANian at sa kung anu ano pang NIANS ang meron sa TV, tigilan nyo na ang pagsuporta sa kanila wala naman kayong napapala, kundi pagod lang. Ilagay nyo na sila sa dram at itapon sa dagat.


13. Basurahan - sa mga nasa HOUSE of REPS, sa patuloy nilang pagpasa sa mga batas na sila lang ang nakikinabang.


14. Bomba - para sa mga COMMUNIST LEADERS, gawa lang kayo ng bomba para ke GLORIA.


15. White Hanky - para sa mga kapatid nating ABU SAYYAF, upang ipamunas nila sa kanilang mukha, hinde ba sila napapagod sa paggawa ng gulo, masyado nang maiitim ang kanilang mukha sa dami ng alikabok at putik na mula sa bundok. Sabagay kung me TIDE naman sila, pede nilang ibabad ang kanilang mukha dun ("isang babad ka lang").


16. Pen - para sa mga BLOGGERS all around the world, ipagpatuloy natin ang ating pagsusulat, upang magbigay ng inspirasyon sa iba.


17. Roses - for MOTHER MARY, sa patuloy niyang paggabay sa ating mga dasal patungo sa KANYA.


18. Trophy - para sa mga AUNTIES (Helen & Susan) ko, bilang pangalawang pamilya at nanay ko. Istrikto man kayo, kayo pa din ang the best aunties in the world, para sa akin.


19. Justice Malet - para sa mga WORLD LEADERS, sa patuloy ninyong pag-seek ng peace para sa bawat bansa sa mundo. Pamukpok sa mga pasaway na leaders ng ibang bansa gaya ni GLORIA.


20. Computer Keyboard - para ke APPLE(apple_jesselyn), BONG(batuzai0401), GILBERT(lamanlupa), ADAMSON(choi_01) mga taropa ko sa JUSTINTV sa patuloy na pagtitiwala at pagiging totoo kahit na sa mundo ng CHAT.


Marami pa akong nais ibigay sa iba't ibang uri at klase ng tao subalit, datapwat, ngunit, napapagod din ang aking diwa, katawan at isipan. Sa tindi ng init dito sa bansang aking pinagsisilbihan, kinakailangan ko ng magpahinga, upang ihanda ang sarili sa susunod na hamon ng buhay...
Till next time...
Labels: , , |
2 Responses
  1. RHYCKZ Says:

    please commented me


  2. Anonymous Says:

    yan may comment na sya.. ayeee!! :D


Blog Widget by LinkWithin