
I would like to congratulate in advance all the nominees, organizers, supporters, & sponsors of PEBA awards this December 27, 2009 night. And I'm also praying for the success of this event. Sana sa mga mananalo, paberger naman kayo...ang bet ko ay si kuya POPE.
Hoping for more next year.
HAPPY NEW YEAR folks!!!

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT. Simula sa pamilya ko na patuloy na nagtitiwala at naniniwala sa kakayahan ko, hanggang sa lahat ng taong patuloy kong nakikilala at nakakasalamuha sa araw-araw, maraming marami pong salamat sa inspirasyon, nawa'y ang diwa ng totoong PASKO ang manaig sa ating puso, ang pagbibigayan.
Gayundin po, taos apdo este puso po akong bumabati sa inyo, sa lahat ng Kabloggers, kafacebook, kafriendster, kafarmville, kafishville, kajustin, kabagang, ka-Q, at sa lahat ng anu pang nauusong ka- ang meron. Mahal ko po kayo.
At higit sa lahat nagpapasalamat ako kay papa JESUS sa dagdag taon ng siksik, liglig at umaapaw na biyayang ipinagkaloob niya sa akin.
And last but not the least, sa lahat ng sumusuporta sa pahina kong ito, maraming salamat po at hangad ko ang patuloy niyong pagbabahagi ng inyong kaalaman sa pamamagitan ng inyong malikhaing pagsusulat ng ibat-ibang kwento ng buhay.
MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!
WINTER STORY
SCOFIELD JR.
Today, December 18, 2009.
Taipei city got a 10 degrees temperature.
Dahilan para umurong ang betlog ko at matulog ng nasa itsurang letter C. Pero bago ako matulog nakipraktis muna ako ng choir sa church namin para sa misa bukas. After a couple of hours na praktis, nagpaiwan ako at ang dalawa ko pang kasamahan sa music ministry upang magayos ng ilang gamit. Pagkatapos ayusin ang mga song book, nagpunta kame sa basement ng simbahan para maghanap ng gagamitin sa re-enactment ng panunuluyan, habang naghahanap kami ng puting tela, nakakita ako ng parang dura box na lalagyan, then ng buksan namin sabay-sabay nakita namin ang isang lumang litrato na nakaframe (sosyal, may frame), alam nyo yung parang class pictyur na black & white, parang ganun, at ng iaangat ng kasama ko yung larawan biglang nakaramdam kami ng malamig na hangin mula sa aming likuran dahilan para muli naming ibalik ang larawan sa kanyang lalagyan, at ilang segundo pa nakaamoy kami ng di maipaliwanag na amoy at muli ilang sandali pa biglang bumunghalit ng tawa ang isa kong kasama upang sabihin na siya'y napautot sa takot.