DRINK MODERATELY
Halos mag-iisang taon na din akong night shift, subalit dahil sa isang insidente nalipat akong bigla ng morning shift. Hindi na bago sa akin ang magpalipat lipat ng shift dahil sa iba't ibang kadahilanan, nandyan ang magfinish contract ang lahat ng pinoy sa morning kaya inilipat ako sa PM shift. Subalit nito lang ang pinaka may malupit na rason...nahuli lang naman akong natutulog while at work (buti na lang hindi ang pagoonline ko, joke!!!). Inaamin ko mali ko pero ang hindi ko matanggap, kapwa pinoy natin ang nagsumbong sa kanilang boss, daan para i-email sa boss ko. Naaalala ko pa ang mga panyayari ate charo, hindi ako proud pero nais ko lang ishare para kapulutan ng kung anumang nais niyong pulutin...

Umaga ng abril a dos habang maulan ang first day ng summer, nagkayayaan kaming magkakwarto magbate este mag-two beers to sawa na inabot ng alas-singko PM. To cut the story short, nalasing kami at walang pakiaalam kung may pasok pa ng 7:30 at night. So para hindi ma-late, hindi na natulog at diretso pasok kahit walang ligo(dyowk!). Pagdating sa work, naupo, kumuha at nilagyan ng ownership ang isang machine upang hindi halata na wala akong ginagawa, sabay tulog. Ang hindi ko alam may isang pinay na operator ang nakakita at kaagad akong naisumbong sa kanilang boss na kaagad ding nai-email sa boss ng engineering department. Kinabukasan my boss wants me to do a love letter(explanation letter) and after a month, ang desisyon ng inampalan ay...change shift. So last May 21, I started the AM shift.
At bago pa man matapos ang aking career, nais kong ibahagi ang aking natutunan sa karanasang ito...Una, pwedeng pumasok ng lasing basta wag matutulog. Ikalawa, sabihan ang operator na hindi tataas ang sweldo niya kung magsusumbong siya. Ikatlo,pagbigyan ang operator na matagal ng may crush sa 'yo para sa susunod walang sumbungang magaganap. At, panghuli, kabilinbilinan ng lola wag uminom ng red horse, ito'y hindi inuming pambata, magsoftdrinks ka na lang muna...DRINK MODERATELY!!!

Seriously, hindi masama ang uminom subalit lahat ng sobra ay masama, kaya bigyan ng limitation ang sarili pagdating sa red horse (kase naninipa yan),hindi ibig sabihin na kapag umayaw ka ay masisira ang iyong pagkalalaki. Sabi nga iba (like born again & etcetera) ang alak ay hindi nauubos subalit ang pera, panahon at oras mo, yun ang nawawala. At isa pa huwag masyadong magtiwala, kahit sa kapwa pinoy mo pa, minsan kasi sila pa ang magpapahamak sayo kahit pakisamahan mo pa ng maganda. Hindi ko maisip kung bakit merong ugali ang ilan sa atin ng crab mentality, yung nagiging masaya sila kapag bumabagsak ang iba. Kaya para sa kanila, tae niyo hindi ang tulad niyo ang makakapagpabagsak sa akin, unang una hindi ako lumilipad ng mataas, ikalawa ampapanget nyo...

HAPPY WEEKDAYS BLOGGERS!!!
4 Responses
  1. tama! its OK na uminom with moderation. Ive tried nga during break nag-inuman kamai ng ofis mates ko, pero tag-iisang bote lng...heheh


  2. DRAKE Says:

    Naniniwala ako sa sinabi mong wag gaanong magtitiwala sa mga pinoy!

    Totoong totoo yan dito sa Saudi. Kung sino pa ang Pilipino sila pa ang tumatraydor sa kapwa Pilipino nila.

    Mga MAKAPILI, sarap pagtutusok-tusikin ng aspile!

    Ingat


  3. Anonymous Says:

    oo mahirap talaga ktrabaho ang kapwa pinoy. haha! puro tsismis at mga mahihilig nga magsumbong.. di ko nga magets un eh..


  4. Jag Says:

    It's a lesson learned parekoy. Don't drink and work LOL...

    Pero ako nga nung nasa Japan pa ako mga kasama ko sa inuman ay mga Sakang matatapos kami ng inuman mga alas 4 ng umaga tas may pasok pa alas 8 hahaha at nasanay n ako hehehe...

    Pro grabe nmn yung pinoy na iyon hindi mn lng siya nagwarn sau at kontodo sumbong agad sa amo...kakalungkot tsk tsk tsk...

    Ingat k n lng jan pre!


Blog Widget by LinkWithin