MGA PARAAN PARA MAKALIMOT...
Lahat tayo ay nakakaranas ng pagkabigo. At sa bawat kabiguan nais nating makalimot. Subalit datapwat ang mga paraan nating ginagawa minsan para kalimutan ang anumang kabiguan ay kulang at bagkus dumadagdag pa sa pasaning atin nararamdaman. At bilang isang mamamayang Pilipino, kaibigan, kapamilya, kapuso, kapatid, kafarmville, kapeyzbook, kabagang, kavampire wars, kafriendster, katwitter, kaplurk, at para sa isang kong timawang kaibigan na nakakaranas ngayon nito at gayon na rin sa inyo mga masugid kong mambabasa (naks! kulomnista?), ito ang maipapayo ko. Ilan sa mga nakatala sa ibaba ay pwedeng nyong sundin, pero patnubay ng magulang ang kailangan...


*Don't think about your past..
*Iwasang makinig sa mga makabagbag damdaming kanta tulad ng bahay kubo.
*Ilagay sa recycle bin ang kanyang numero, isama na rin ang numero ng bahay pero huwag ang sa LOTTO, sayang baka tumama.
*Iwasan mag-isip na 2012 na.
*GET BUSY! (pumokpok sa gabi, mamulot ng basura sa araw.)
*I-erase (gamit ang pambura ng grade 1) ang lahat ng possible communications sa cellphone or better yet kapag iphone ang gamit mo, ibigay sa akin.
*Tanggalin sa neighborhood ng farmville, at sa anu pang kalokohang social network.
*Mag-blog at i-link si Jepoy.
*Kapag mayaman ka at nasa apartment, lumipat sa boarding haus na sampuan sa isang room.
*Tumira sa squatter.
*Gawing regular ang paginom ng gin o beer as in pamalit sa tubig, wag ang wine kase hindi kaya ng budget.
*Panoorin at i-collect ang mga pelikula nina Mikee Arroyo, Jinggoy Estrada at ng iba pang anak ng mga presidente (i'm sure kahit aksyon pa yan, magiging komedi in the end, dahil sa akting...)
*Maghiganti at pumunta sa Anito or sa SOGO.
*Magsabit ng medyas at magdecor tuwing summer.
*Subukang sumali sa gay pageant kahit bato-bato ang katawan mo.
*Sumocial life sa Payatas at sa Tondo.
*Sumama sa mga community service ng baranggay.
*Magserve kay Papa Jesus through pagsali sa different ministry ng church niyo.
*Makipag-EB sa mga blogmates.
*Mag-abroad at hanapin si Drake sa Saudi para sa mga payong legal (hehehehe).
*Magtanim na lang ng kamote at iaapply ang natutunan sa farmville (sabi kase ng nanay huwag umibig, hayan tuloy ang nangyari.)

at ang pang-huli...

*LEARN TO LAUGH AND TO SMILE (wag sobra, baka mapagkamalan kang baliw!)

Seriously, marami sa atin or kung hindi man marami, may iba sa atin na ninanais pang kitlin ang sariling buhay matakasan lang ang mga problemang dala ng kabiguan. Hindi nila iniisip na ang lahat ng kabiguan at problema at mga pawang pagsubok lamang ng ating Panginoon. Sabi nga ng iba, hindi ibibigay sa'yo ng Diyos yan kung hindi Niya alam na hindi mo kaya. Masarap ang mabuhay at ang mabigo at isa lang sa mga pampakulay ng ating buhay. Kaya kung ako sa iyo pumili sa mga nakalista sa itaas upang malunasan or malimutan or maibsan lang, kung hindi man tuluyang malunasan ang iyong pagkabigo.
17 Responses
  1. 2ngaw Says:

    punta nga ako kay jepoy lolzz


  2. Jepoy Says:

    Alab the post! At kelangan sakin pumunta para maliwanagan? May libre nanaman meng plugging bwahihihihi

    Putulin lahat ng communication at sobrang sakit nyan. As in mag durugo ng bongga ang puso nila. Pero mas effective ang magalit ka ka sa nag padugo ng puso mo. Oo bitter na kung bitter pero if that is the only way to move on then be it. Anyways, someone don't deserve an investment ng puso nila kaya magalit, nalang. Basagin ang picture, murahin at wag ng mag paramdam kahit kelan. Burahin sila ng parang hindi nag eexist sa mundo un lang hihihi


  3. domjullian Says:

    Nice. I agree! Wasting your time for someone not worthy is absurd.

    To quote Master Albert Camus, “Even if one does not believe in God, suicide is not legitimate”


  4. Superjaid Says:

    hehehe natuwa naman ako dito..kala ko seriousness na wahahaha but then you have stated your oints clearly..^_^

    @kuya jepoy..kuya pangit magalit kasi kapag nagalit ka sa kanya..hindi ka talaga makakalimot dapat lahat ng klase ng feelings mawala...^_^ hehehe nabasa ko lang yan sa ibang book..hehehe share ko lang..


  5. RHYCKZ Says:

    @lordcm, oo kuya...sexperyensyado yang si jepoy sa mga bagay na yan...tanungin mo pa...hehehehe


  6. Jag Says:

    ah so nakakatulong pla sina Jepoy at Drake sa paglimot? hehehe...

    Pero tama ka magbusy-busyhan nga para makalimot hanggang sa tuluyan nang maghilom ang sugat at handa n uling magmahal...


  7. RHYCKZ Says:

    @jepoy, siyempre naman, marami kang post na nakakapagbigay aliw....hehehe

    teka, di ba uso naman ngayon yung nagiging frend ang mga nagbebreak...
    kaya instead na basagin mo nga piktyur at ilagay sa banga, maging frend na lang...akward nga lang...hehehhe


  8. RHYCKZ Says:

    @domjullian, salamat po sa pagdalaw at maganda mo pong kowt...ilaykit...

    ingat po.


  9. RHYCKZ Says:

    @ate jaid, seryoso naman yun ah...hehehe

    @jepoy, hala lagot ka kay SJ...hehehe


  10. Anonymous Says:

    kulang lang tayo minsan sa exercise kaya bigat na bigat tayo sa mga problemang dinadala natin at mga kabiguang dinaranas natin.. uy serious! haha! :D


  11. Rico De Buco Says:

    ang cool mo namang magpayo, parang sanay na sanay ka na sa pagiging heartbroken ah hehehe

    dumalaw po


  12. RHYCKZ Says:

    @'jag, lagi ka naman busy eh...kakandidato ka ba? heheheh


  13. RHYCKZ Says:
    This comment has been removed by the author.

  14. RHYCKZ Says:

    @chikletz, parang may pinatatamaan ka ata chikletz sa komments mo...hehehehe

    ingat..


  15. RHYCKZ Says:

    @kuya rico, tenk you po sa pagdaan at pagbisita...

    ingat po!!!


  16. aba... ngayon lang ata kita nakitang nagpost ng ganito kahaba ah.. hehe... basta sa usaping pagibig, madaming nakaka-relate :P


  17. RHYCKZ Says:

    @nightcrawler, ewan ko ba that time kase sumuka ng magagandang lathalain ang aking ulo eh...hehehehe

    oo nga noh! bakit nga kaya? lolz...

    ingat...


Blog Widget by LinkWithin