MAGLAYAG, IPAHAYAG, AT IPAKITA

***********************************

Hindi lahat tayo ay nabibigyan ng pagkakataong maglakbay.
At hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay libre o pwede.
Kaya't kung tayo man ay bigyan ng pagkakataon.
Sa panulat at sa kung saan man umabot ang ating kaalaman.
Sige maglayag ka...

Maglayag ka ng walang inaapakang iba.
Maglayag ka ng walang nasasaktang damdamin.
Maglayag ka ng taas noo at may dangal sa bayan mo.
At ipahayag mo ang alam mong tama at makabubuti sa'yo at sa iba.
Kaya't sige ipahayag mo...

Ipahayag mo ang damdamin mo ng tama.
Ipahayag mo ang mga saloobin mo ng maayos, upang ika'y matulungan.
Ipahayag mo ang lahat lahat ng nasa loob, hindi para ikaw ay purihin.
Bagkus upang ikaw ay tularan, pamarisan at gawing inspirasyon ng iba.
'Wag kang magpahamak o di kaya'y manghamak ng kapwa mo.

Bilang isang mabuting tao, kaibigan at mamamayan...
Bilang isang malayang Pilipino...
At bilang isang maglalayag at nagpapahayag...
Ipakita mo... Sa isip, Sa salita at Sa gawa.
Na ikaw ay isang mabuting tao...

**********************************


Labels: , , |
6 Responses
  1. A-Z-3-L Says:

    we are responsible for our actions...

    ang bawat kalayaang tinatamasa natin ay may kaakibat na responsibilidad.

    at tayo mismo ang salamin ng bawat nating sinulat, sinabi at ginawa... kahit nasaang sulok pa tayo ng mundo. iyon tayo.

    at doon maaaninag kung anong klaseng mamamayan tayo. doon makikita ang pagiging mabuti nating tao!

    napadaan ako at siguradong babalik akong muli!


  2. Anonymous Says:

    i like this post sco :D

    di ko alam may binubuga ka palang ganyan ah.. kala ko puro kalokohan lang laman ng utak mo eh. haha! jk!


  3. cmvillanueva Says:

    walang duda, batangueno ka talaga.. lolz!!



  4. RHYCKZ Says:

    @A-Z-E-L, tama ka. what you said is what you did, and what you did, is what you are...kaya mabuhay si azel...salamat ate, hihintayin ko ang iyong pagbabalik...salamat po

    @chikletz, oo naman, porket mahal kita akala mo ikaw n lang lagi laman ng utak ko...hehehe...anyway, salamat sa pagdaan lagi...

    @kuya batang, ala'y hinde ga halata ...salamat kuya

    @paurong, ako paharap kong haharapin ang hamon ng buhay...astig ka din dude...salamat po sa pagdalaw...


  5. Jepoy Says:

    Huwew napaka poetic naman nun. Dahil dyan gusto kong ipahayag na maganda ang tula mo dapat mailathala sa pahayagan. Bow


Blog Widget by LinkWithin