Kahapon habang nagpapagupit ako sa isang OFW na bading (sideline niya ang manggupit), narinig ko sila na nagkukuwentuhan ng kaibigan niya ng ganito,
BADING1: bakla, bat ba hindi ako binigyan ni lord ng boses katulad nung ke Jennifer Handson (handson talaga). kung nagkataon lahat ng contest sa tv, sasalihan ko, pati pistahan dudumugin ko at pagkanta sa patay kakaririn ko na.
BADING2: anu b yun pati sa patay? eh kung pati suso ni jennifer handson makuha mo, kaya mo?
BADING1: suso? gagah! dyoga yun? hindi yun suso!
BADING2: o sige, boses tsaka dyoga ni jennifer handson, pwet at katawan ni jennifer lopes, kulay ni halle beri, pero yung kili-kili mo maputing-maputi na parang yung roll-on mo gawa sa tawas… keri mo? hahaha!!!
BADING1: eh di maglo-long islibs ako palagi.
BADING2: di pede, walang ganun. islibless ka lang. kasi sa disyerto ka nakatira, ikaw ang desssssert diva. hahaha... kumakanta habang kumakain ng buhangin...
Habang ginugupitan ay nakikinig ako sa kanila, gustuhin ko mang tumawa, hindi ko magawa kase may hawak na gunting si BADING2, at buti na lang, maayos pa din akong nagupitan ni BADING2. And take note they speak in tounges, di ko maintindihan ang iba nilang sinasabi at ang sabi nila sakin, "relax ka lang kuya" (to the tune of nora aunor yun)...
Kakatuwang isipin na sa kabila ng hirap na dinaranas ng iba nating mga kasamahang OFW andun pa din yung pagiging masayahin natin, yung kakayahan nating ngumiti sa kabila ng hirap at lungkot. Yung kahit anu haharapin at gagawin upang mabuhay at mabuhay ang pamilyang naiwan sa pinas. Yun bang igigive-up ang career, ibababa ang pinag-aralan, at ang lahat ng pangungutya ng ibang lahi, alang-alang sa pamilya, alang-alang sa bayan at sa bansang pinagmulan. Dito ko tuloy naisip at masasabi na ISA ako sa halos mahigit 11 milyong maggagawang pinoy all around the world, na patuloy na nakikipagsapalaran, para sa pamilya at bayan, at patuloy na nagsasabing "i'm proud to be a filipino."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gusto ko rin magpagupit
saan ba yan hehe
Baket pag OFW parang puro tiis, hirap at pasakit ang nababasa ko. Pwede ba yung mga positive naman? Like namasyal kayo. Nag pa massage. Nanchicks.Nag road trip. Masaya sa work place. Wala bang ganun? Pangarap ko kasing maging OFW eh. :-D
likas na kasi talaga sating mga pilipino ang pagiging masayahin..
regardless kugn ano mang sitwasyon meron tayo.. we still manage to find ways to smile and laugh.. :D
@jettro, lapit lang kuya, liko ka sa kaliwa, tapos may dalawang puno sa ikatlong kanto, hindi dun, diretso ka pa taz pag me dumaang aso, sundan mu lang ung aso, paghuminto ung aso...wala na naligaw ka na...hehhehe...joke lang po...salamat sa pagdaan.
@kuya jepoy, ganown tlaga, kakambal ng abbr. na OFW ay hirap, tiis at kung anu anu pa, (tanong mo ke flor contemplacion)...ok next tym wento ko sau na namasyal akong mag-isa, yung work namin ay pambabae lang naman ( babaeng kalabaw)....hehehehe....yan ang buhay o-ep-dabalyu...ngaun pa lang winewelCUM na kita sa pamilya OFW...hehehehe...salamat kuya...
@yanah, kaya nga elibs na elibs ako sa mg katoto natin eh...mabuhay ang pinoy...:D
yes naman...apir!
hmmm, may point si jepoy, hindi naman lahat ng OFW life ay hirap, pagtitiis at kung ano pa, may social life at enjoy din naman..
wah! nagpagupit din ako dati sa isang OFW na jading na parlorista.
Napaka-professional at ang galing niya makinig at magpayo at syempre mang-gupit.
Wala lang.
@kuya batang, kunsabagay tama nga naman...but den mindset n nating pinoy na kapag OFW, means lungkot, hirap at tiis ang kapalit ng perang pinapadala sa pinas...swertehan din minsan yung mageenjoy ka...well thanks kuya for dropping by...
@chikz, inapload ko na sa youtube yung vid ko para sau...wag mong pagtatawanan ha...tnx
@bulaang katotohanan, oo tol magaling silang manggupit at extra serbis...joke lang...salamat sa pagdaan
buti naman at nasiyahan ka kahit paano sa parlor ni "ate"... atleast may entertainment package pala pag nagpapagupit sa kanya...
pero totoo... kelangang maging masiyahin para kahit paano ay makalimutan ang lungkot...