Simbahan. Katedral. Moog. Kapilya. Church. Chapel. Iglesia. Tuklong.
Iba-iba man tayo ng tawag. Iba- iba man tayo ng pananaw sa relihiyon.
Iisa lang ang matibay nating sandigan ng kalungkutan at pagkabigo.
St. Francis of Assissi Church
Bongabong, Nueva Ecija, Philippines
(Photo from Mary Heidee Ang)
At sa bawat bloke ng sementong bumubuo dito ay may istoryang kaakibat.
Sa bawat ilaw nito ay may dala-dalang pag-asa at nagsisilbing tanglaw sa ating buhay.
Sa bawat dasal at panalangin natin, ang apat na sulok ng building na ito ang siyang katibayan ng ating paniniwala.
Sacred Heart of Jesus Chapel
Old Hukou, Hsinchu, Taiwan
(Photo from Old Hukou friendster account)
Ang naglalakihang altar nito ang siyang nag-iisang testigo ng ating pangako.
Ito rin ang nag-iisang secret-keeper ng ating mga hinaing, sikreto at kasalanan.
Our Lady of Peace Cathedral
Antipolo, Rizal, Philippines
(Photo from Mary Heidee Ang)
Sa bawat Luha, Pag-ibig, Pagkabigo, Tagumpay, Hiling, Papuri at Pagsisisi.
Ang moog na ito ang isa sa pinakamalapit nating takbuhan ng problema at pagkakamali.
Ang kahindigan nito ang nagsisilbing matibay nating payong sa panahon trahedya at bagyo ng buhay.
Baguio Cathedral
Baguio, Philippines
(Photo from Mary Heidee Ang)
Ang mga sanctuariong ito ay isa lang patunay nang ating paniniwala kay HESUS.
Ang mga sanctuaryong ito rin ang kumukumpleto ng ating buhay Kristiyano-Katoliko.
Binondo Church
Binondo, Manila, Philippines
(Photo from Mary Heidee Ang)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i love this post...
solemn.
nahomesick tuloy ako...
and yes... the only place i feel at peace is when im inside the church!