Dear Inay,
Salamat po sa siyam na buwang pagdadala mo sa amin sa loob ng inyong sinapupunan, kahit na sabi ni tatay na naging masasakitin ka nung ipinagbubuntis mo ako. Salamat po hindi mo kami pinabayaan. Salamat din po sa pagluwal mo sa akin noong buwan ng Disyembre, somewhere early 80's, at nakita ko ang kagandahan ng mundo. Salamat po sa unang regalo mo sa akin, ang regalo ng BUHAY.
Salamat po sa paggabay mo sa mga una kong hakbang paglakad at pag-akay sa tuwing ako'y madadapa. Kahit na mahina pa ang mga tuhod ko noon, lagi kang andyan para umagapay at umalalay sa pagpipilit kong tumayo. Salamat po sa pag-unawa sa aking kakulitan noong akoy bata at pasensya na rin po sa aking samut saring tanong dala ng kamusmusan.
Salamat po sa ikalawang regalo mo sa akin, ang ABAKADA. Salamat po at tinuruan niyo kami ng tama at mali. Pasensya na po kung hindi namin maintindihan, kung bakit niyo kami pinapalo that time. Salamat po sa pagpapakilala niyo sa amin kay papa Jesus gayundin po sa pagtuturo niyo sa amin kung paano magrosary. At salamat din po sa pagtuturo niyo sa amin na mahalin ang aming mga kapatid.
Salamat po sa pagpapaaral niyo sa amin. Naalala ko pa noon kahit wala tayong makain, basta may maipangtuition lang si ate. Salamat po sa lahat ng paraan na ginawa niyo sa amin para mapag-aral kami. Saludo po kami sa inyong dalawa ni tatay, dahil kahit hindi kayo nakatapos ng pag-aaral pinilit niyo pa rin mapagtapos kaming apat hanggang kolehiyo.
Salamat po 'nay, sa walang hanggang pagmamahal, pag-aalaga, at pagtitiwala sa aming mga kakayahan. Salamat po sa pagtatangol sa amin sa lahat ng mapanira at mapanuring mga tao. Salamat po sa walang sawang pagbibigay payo at pagtutuwid sa aming kamalian.
Salamat po for marrying tatay. Panalo ka 'nay nung pinili mo si tatay.
Salamat po inay sa walang hanggang pagmamahal at pag-aalaga na ipinakita at ipinadama mo sa amin simula't sapul ng kami'y isilang. Walang anumang katumbas na halaga at yaman ang hihigit sa pagmamahal na iyon ninyo ni tatay sa amin.
Salamat po at kayo ang naging aming ina, Ginang Salvacion Buaya Bathan, we couldnt asked for a better one than YOU.
We LOVE YOU 'NAY!!!
&
HAPPY MOTHERS DAY!!!
Hugs & Kisses from,
Sallie, Scofieldjr, Rain & Mora
Authors Note:
To all mothers out there,
HAPPY MOTHERS DAY
to each & everyone of you!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
happy mom's day sa iyong nanay:)
grabe, magaling ka palang magtagalog tapos nageenglish ako dito pag nagpopost ng comment. hehe. happy mother's day to your mom :P
ISang Dakilang Ina ang nanay mo! Kaya kailangan lang nating icelebrate ang mahalagang araw ngayon!
Sa iyong ina, Happy Mother's Day!
Ingat
@roanne, gayundin sa nanay mo...happy mothers day!!!
Happy mother`s day sa iyong ina..nagulat ako at nasa blogroll mo pala ako..haha salamat tol..
Happy mother's day sa iyong minamahal na ina!!!
tagal ko ding di naabalik dito.. hehe
@mokong, salamat sa pagdaan. oo kuya, i found out that your blog, interesting & besides parehas tayong RX fan...hehehe
salamat sa pagdaan...
@gillboard, welcome back dude, happi mothers day sa nanay mo...
thanks .. happy mom's day din sa mom mo
keep me posted,
Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng