Ilang araw na lang at eleksyon na. Ito ang araw na pinakahihintay at pinakaasam ng lahat ng mga kandidato. Ito rin ang araw ng kauna-unahang Automated Election sa bansa. Ang araw kung saan matatapos na ang pagpapapogi nang mga mapagkunwaring kandidato. Subalit heto ang tanong ng nakararami...
Handa ka na ba?
or
Handa na ba ako?
Handa ka na bang iboto ang sa palagay mo'y makakapagpabago sa bansang Pilipinas? Handa ka na bang iluklok sa pwesto ang sa palagay mo'y may malinis na interes at hangarin para sa ating bansa? Handa ka na ba ihalal ang sa palagay mo'y makadiyos, makabayan at hindi corrupt na kandidato na tatayo bilang isang pinuno ng ating bansa? At handa ka na ba sa makabagong paraan ng pagboto sa ating bansa na kung tawagin ay automated election? Pwes! kung magkagayon, wala na akong magagawa.
Subalit sa mga nakalipas na araw, ibat ibang balita ang aking nabasa at narinig tungkol sa unang Computerized Election ng bansa, kabilang na dito ang ilang aberya sa dry run ng mga makinang gagamitin sa eleksyon na tinatawag na Precinct Count Optical Scan (PCOS) at ang kontrobersyal na CF card o Compact Flash, kung saan dito ini-store ang data na nabasa ng PCOS.
Tatlong araw na lang. Tatlong araw na lang pero kabikabila ang pagpalpak na nangyayari sa mga PCOS machine, sa CF card at sa mismong pagdedeliver nito iba't-ibang dako ng bansa. Mga aberyang may kinalaman sa pandaraya.Mga pandaraya at mga pansariling interes na hangad ng ilan upang sila ang iluklok at italaga sa maling paraan.
At bilang isa sa masang Pilipino na umaasa sa maayos (kung hindi man malinis) na eleksyon ito lang ang aking maibabahagi. Ilan sa mga madali nating gawin sa araw mismo ng halalan.
MAGMASID...
MAGMATYAG...
MAGING ALERTO...
at
MAGBANTAY...
Ilan sa mga magagawa natin upang hindi madaya ang ating boto at maging maayos ang kauna-unahang computerized election ng bansa.
Muli,
MAY MAGAGAWA TAYO!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
we should be proud dahil di na mano mano ang pagboboto, kung may mga problima mang ganon, yan dahil first time.
its a giant step na actually, have faith in ourselves..
matuto na sana tayo sa pagpili
@katotong engineer, kunsabagay parang anu lang yun eh, nanganganay kumbaga...
anyways salamat sa pagdaan at pagbigay ng kumento...
ingat
naks! iboto si scofield! :)
Kuya Kim, ikaw ba yan?!!! lolzz
Sana nga maging maayos ang lahat :)
@roanne, iboto si scofield sa pinakagwapong nilalang...hehehehe
ingat ate & happy weekend then happy mothers day sa nanay mo...
ingat ate...
@kuya lordcm, info: kapitbahay ko sila mayor atienza sa san andres bukid...(anung koneksyon)...hehehe
ipagpray natin na maging maayos ang lahat at sana walang karahasan maganap...
happy mothers day sa nanay at asawa mo...
ingat...