Showing posts with label LESSON. Show all posts
Showing posts with label LESSON. Show all posts
After 2 months of being "on hiatus"....

I'm back...
And supposed to be, I have a lot of story to tell & to share...Pero bakit ganon, kapag nasa harap na ako ng computer, parang natatakot at isa-isang nagaalisan ang lahat ng mga naipon kong ideya na dapat isulat. Para silang makahiya na unti unting tumitiklop kapag nahahawakan. Pero di bale, bilang ganti, susundin ko ang payo ng aking mga magulang (panatang makabayan?) at sisikapin kong makabuo ng isang komposisyon na aantig sa inyong mga nagtutumibok na puso. Kung hindi man ngayon, (kelan pa! Katarungan para kay ka...syet nadadala na naman ako ng mga lines ng pelikulang pinoy na pinagtyagaan kong panoorin nung mga nakalipas na buwan), kung hindi man ngayon, siguro sa mga susunod na araw, iyon eh kung sisikatan ka pa (sabi ni epidyey).
Hindi ko alam kung pano ulit magsimula dito (pano nga ba!), simulan ko na lang kaya sa lahat ng natutunan ko sa pagboblog sa loob halos ng isang taon, bago mangyari ang kalunos lunos at kahindik hindik na pangyayari sa pagitan ng mga mortal at imortal.
Although gasgas na ang mga post na ganito but then ito pa rin ang topic ko, walang pakealaman...
At bilang panimula (drum rolls!!!), narito ang ilan sa mga natutunan ko sa pagboblog (parang kathang mahilway lang!!!).
*Natuto akong magtype sa computer ng sobrang bilis (as in 1million wordzzz per annum).
*Natuto rin akong makapagpahayag ng sariling pananaw (remember ABS-CBN commercial way back 80's ganun ang dapat pagbasa at pagbigkas dito!!!).
*Mababaw lang ako, kaya natuto rin akong ngumiti sa buhay ng may bahid galak at tuwa kahit na may problema sa 'twing may mga nakaka-L (lesson to be learn...ikaw talaga kung ano ang nasa isip mo, ayheytchu!!!) na istorya ang aking mga kapwa tao na may blog din.
*Natuto rin akong magpasalamat at magpahalaga sa buhay ng kung ano ang meron ako. (insert tiya dely here!!!)
*Natuto rin akong magbahagi ng mga ideya at kaalaman (kung meron man!!!) na kapupulutan ng aral or the other way around, whether i made them to smile, laugh, cry or hate me.
*At ang reward, nagkaroon ako ng mga super friendzzz na patuloy na naniniwala sa anumang kakayahang meron ka sa hirap at sarap, i mean ginhawa pala at mga miyembro ng justice league na nang-ookray, nagbibigay payo at sumuporta sayo sa anumang kulay ng buhay (kapuso?)...
Ilan lang yan sa mga natutunan ko sa pagboblog, pasensya na nawawala kasi yung iba, hiniram kase ng lola ko, hahanapin ko pa...
Hanggang sa muli!!!
Happy TGIF!!!!
Note: Kathang Mahilway ang tawag (sa iskul namin) sa paggawa ng isang komposisyon tulad nito, nuong ang panahon ay bata-bata pa, i mean nung hiskul ako...
Halos mag-iisang taon na din akong night shift, subalit dahil sa isang insidente nalipat akong bigla ng morning shift. Hindi na bago sa akin ang magpalipat lipat ng shift dahil sa iba't ibang kadahilanan, nandyan ang magfinish contract ang lahat ng pinoy sa morning kaya inilipat ako sa PM shift. Subalit nito lang ang pinaka may malupit na rason...nahuli lang naman akong natutulog while at work (buti na lang hindi ang pagoonline ko, joke!!!). Inaamin ko mali ko pero ang hindi ko matanggap, kapwa pinoy natin ang nagsumbong sa kanilang boss, daan para i-email sa boss ko. Naaalala ko pa ang mga panyayari ate charo, hindi ako proud pero nais ko lang ishare para kapulutan ng kung anumang nais niyong pulutin...
Umaga ng abril a dos habang maulan ang first day ng summer, nagkayayaan kaming magkakwarto magbate este mag-two beers to sawa na inabot ng alas-singko PM. To cut the story short, nalasing kami at walang pakiaalam kung may pasok pa ng 7:30 at night. So para hindi ma-late, hindi na natulog at diretso pasok kahit walang ligo(dyowk!). Pagdating sa work, naupo, kumuha at nilagyan ng ownership ang isang machine upang hindi halata na wala akong ginagawa, sabay tulog. Ang hindi ko alam may isang pinay na operator ang nakakita at kaagad akong naisumbong sa kanilang boss na kaagad ding nai-email sa boss ng engineering department. Kinabukasan my boss wants me to do a love letter(explanation letter) and after a month, ang desisyon ng inampalan ay...change shift. So last May 21, I started the AM shift.
At bago pa man matapos ang aking career, nais kong ibahagi ang aking natutunan sa karanasang ito...Una, pwedeng pumasok ng lasing basta wag matutulog. Ikalawa, sabihan ang operator na hindi tataas ang sweldo niya kung magsusumbong siya. Ikatlo,pagbigyan ang operator na matagal ng may crush sa 'yo para sa susunod walang sumbungang magaganap. At, panghuli, kabilinbilinan ng lola wag uminom ng red horse, ito'y hindi inuming pambata, magsoftdrinks ka na lang muna...DRINK MODERATELY!!!
Seriously, hindi masama ang uminom subalit lahat ng sobra ay masama, kaya bigyan ng limitation ang sarili pagdating sa red horse (kase naninipa yan),hindi ibig sabihin na kapag umayaw ka ay masisira ang iyong pagkalalaki. Sabi nga iba (like born again & etcetera) ang alak ay hindi nauubos subalit ang pera, panahon at oras mo, yun ang nawawala. At isa pa huwag masyadong magtiwala, kahit sa kapwa pinoy mo pa, minsan kasi sila pa ang magpapahamak sayo kahit pakisamahan mo pa ng maganda. Hindi ko maisip kung bakit merong ugali ang ilan sa atin ng crab mentality, yung nagiging masaya sila kapag bumabagsak ang iba. Kaya para sa kanila, tae niyo hindi ang tulad niyo ang makakapagpabagsak sa akin, unang una hindi ako lumilipad ng mataas, ikalawa ampapanget nyo...
HAPPY WEEKDAYS BLOGGERS!!!
Umaga ng abril a dos habang maulan ang first day ng summer, nagkayayaan kaming magkakwarto magbate este mag-two beers to sawa na inabot ng alas-singko PM. To cut the story short, nalasing kami at walang pakiaalam kung may pasok pa ng 7:30 at night. So para hindi ma-late, hindi na natulog at diretso pasok kahit walang ligo(dyowk!). Pagdating sa work, naupo, kumuha at nilagyan ng ownership ang isang machine upang hindi halata na wala akong ginagawa, sabay tulog. Ang hindi ko alam may isang pinay na operator ang nakakita at kaagad akong naisumbong sa kanilang boss na kaagad ding nai-email sa boss ng engineering department. Kinabukasan my boss wants me to do a love letter(explanation letter) and after a month, ang desisyon ng inampalan ay...change shift. So last May 21, I started the AM shift.
At bago pa man matapos ang aking career, nais kong ibahagi ang aking natutunan sa karanasang ito...Una, pwedeng pumasok ng lasing basta wag matutulog. Ikalawa, sabihan ang operator na hindi tataas ang sweldo niya kung magsusumbong siya. Ikatlo,pagbigyan ang operator na matagal ng may crush sa 'yo para sa susunod walang sumbungang magaganap. At, panghuli, kabilinbilinan ng lola wag uminom ng red horse, ito'y hindi inuming pambata, magsoftdrinks ka na lang muna...DRINK MODERATELY!!!Seriously, hindi masama ang uminom subalit lahat ng sobra ay masama, kaya bigyan ng limitation ang sarili pagdating sa red horse (kase naninipa yan),hindi ibig sabihin na kapag umayaw ka ay masisira ang iyong pagkalalaki. Sabi nga iba (like born again & etcetera) ang alak ay hindi nauubos subalit ang pera, panahon at oras mo, yun ang nawawala. At isa pa huwag masyadong magtiwala, kahit sa kapwa pinoy mo pa, minsan kasi sila pa ang magpapahamak sayo kahit pakisamahan mo pa ng maganda. Hindi ko maisip kung bakit merong ugali ang ilan sa atin ng crab mentality, yung nagiging masaya sila kapag bumabagsak ang iba. Kaya para sa kanila, tae niyo hindi ang tulad niyo ang makakapagpabagsak sa akin, unang una hindi ako lumilipad ng mataas, ikalawa ampapanget nyo...
HAPPY WEEKDAYS BLOGGERS!!!
























