After 2 months of being "on hiatus"....
I'm back...
And supposed to be, I have a lot of story to tell & to share...Pero bakit ganon, kapag nasa harap na ako ng computer, parang natatakot at isa-isang nagaalisan ang lahat ng mga naipon kong ideya na dapat isulat. Para silang makahiya na unti unting tumitiklop kapag nahahawakan. Pero di bale, bilang ganti, susundin ko ang payo ng aking mga magulang (panatang makabayan?) at sisikapin kong makabuo ng isang komposisyon na aantig sa inyong mga nagtutumibok na puso. Kung hindi man ngayon, (kelan pa! Katarungan para kay ka...syet nadadala na naman ako ng mga lines ng pelikulang pinoy na pinagtyagaan kong panoorin nung mga nakalipas na buwan), kung hindi man ngayon, siguro sa mga susunod na araw, iyon eh kung sisikatan ka pa (sabi ni epidyey).
Hindi ko alam kung pano ulit magsimula dito (pano nga ba!), simulan ko na lang kaya sa lahat ng natutunan ko sa pagboblog sa loob halos ng isang taon, bago mangyari ang kalunos lunos at kahindik hindik na pangyayari sa pagitan ng mga mortal at imortal.
Although gasgas na ang mga post na ganito but then ito pa rin ang topic ko, walang pakealaman...
At bilang panimula (drum rolls!!!), narito ang ilan sa mga natutunan ko sa pagboblog (parang kathang mahilway lang!!!).
*Natuto akong magtype sa computer ng sobrang bilis (as in 1million wordzzz per annum).
*Natuto rin akong makapagpahayag ng sariling pananaw (remember ABS-CBN commercial way back 80's ganun ang dapat pagbasa at pagbigkas dito!!!).
*Mababaw lang ako, kaya natuto rin akong ngumiti sa buhay ng may bahid galak at tuwa kahit na may problema sa 'twing may mga nakaka-L (lesson to be learn...ikaw talaga kung ano ang nasa isip mo, ayheytchu!!!) na istorya ang aking mga kapwa tao na may blog din.
*Natuto rin akong magpasalamat at magpahalaga sa buhay ng kung ano ang meron ako. (insert tiya dely here!!!)
*Natuto rin akong magbahagi ng mga ideya at kaalaman (kung meron man!!!) na kapupulutan ng aral or the other way around, whether i made them to smile, laugh, cry or hate me.
*At ang reward, nagkaroon ako ng mga super friendzzz na patuloy na naniniwala sa anumang kakayahang meron ka sa hirap at sarap, i mean ginhawa pala at mga miyembro ng justice league na nang-ookray, nagbibigay payo at sumuporta sayo sa anumang kulay ng buhay (kapuso?)...
Ilan lang yan sa mga natutunan ko sa pagboblog, pasensya na nawawala kasi yung iba, hiniram kase ng lola ko, hahanapin ko pa...
Hanggang sa muli!!!
Happy TGIF!!!!
Note: Kathang Mahilway ang tawag (sa iskul namin) sa paggawa ng isang komposisyon tulad nito, nuong ang panahon ay bata-bata pa, i mean nung hiskul ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
bago ka po bang blogger koya? Xlink please...
3 months kang nawala ah. welcome back!!!
Tagal mo tol..anu ba pinaggagagawa mo? hehehe WELCOME BACK!
next time mag helmet ka para hndi magliparan ang mga ideas mo hehehe...
To all of you guys, thank you, kilala nyo pa pala ako (insert ate ludz voice here!)
See more of me here......sana!!!
(^_^)