DONT FORGET TO SMILE
Naranasan mo na bang makapagpasaya ng tao? Yun bang makikita mo sa kanila ang mga ngiti na walang inaalalang problema? Yung tawa na halos makita mo na ang nostrils niya habang humahalakhak? Ang sarap pala ng pakiramdam na nakikita mo ang kapwa mo na sumasaya at nakakalimutan ang problema kahit sa ilang saglit lang. Sabi nga sa isang minutong smile, "Isang ngiti sa labi at mga dinaramdam agad mapapawi.. :D".

Hindi ko lubos maisip na isang araw sa isang munting paraan pala ay mapapasaya ko ang aking mga kapwa OFW. Nitong mga nakaraang araw kase habang walang engineering time sa loob ng production, ay naisipang maglakbay ng inyong lingkod sa mundo ng sapot, hindi para mag-FB(uhm, sige na nga kasama na rin yun), kundi para magbasa ng news. Nang mapadpad ako sa isang lokal na pahayagan sa ating bansa, at sa kabila ng iba't-ibang negatibong impormasyong aking nabasa, may isang pitak duon na pumawi ng aking kalungkutan at pagkadismaya, iyon ang jokes section(meron ba nun!). At dahil natawa ako sa mga jokes na nakasulat doon kahit na ang iba ay corny, nagprint ako ng ilan para naman ipabasa ito sa iba, upang hindi nila isipin na nababaliw na ako kapag humaharap sa computer(isang computer lang kasi sa loob ng production ang may connection sa internet, lahat naka-intranet). Siyempre for sure natawa sila dahil most of the jokes are green, meaning nakakarelate sila, yung iba naman pavirgin lang or kunwari dedmatology pero pagtalikod almost die laughing. Sa loob ng isang linggo ganun ang ginagawa ko kapag free time or walang magawa. Halos magkaroon ng publishing house sa loob ng production hanggang sa magkaubusan ng papel at ink ang mga printers na dapat ay ginagamit lang para summary table ng mga IC at wafers na tinetest. (Minsan nagtataka ang mga chinese kung bakit ambilis maubos ng papel sa mga printers at nagtataka rin sila kung bakit hindi mga summary reports ang lumalabas sa twing magpiprint sila.) Hanggang isang araw merong isang OP(operator) na nag-thank you sa akin, nagulat ako kung bakit siya nagpapasalamat dahil kung tutuusin wala naman akong alam na ginawa sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat, hanggang sa sabihin niya na yung mga jokes na pinrint ko. Pinatawa raw siya ng mga jokes na yun, kase sa dami ng kanyang problema, wala na halos siyang time para ngumiti pa, until she red those jokes. So, sabi ko naman thats good & walang anuman. And with that, she opened her problems to me. Then I said, trials are always there not to make us weak, not to make us do things that is beyond goodness but it is always there to strengthen us, to learn something better from our mistakes and to realized that in this kind of moments of burdens & problems in this part of the world wherein you think you're alone, there are a few that you can trust on and there is GOD that you can asked for guidance. Life is still beautiful to us I also said because there are some, back there in the Philippines, are still going along with life kahit na maraming problema at kahit na walang pera. So just smile & be happy...


Minsan sa di natin inaasahang pagkakataon, kahit na bawal(i mean yung mga pagpiprint), in our own little ways, we can helped people to ease their burdens.


With a little smile there comes a big solution & comfort.


And kanina while checking some mails, our department (the engineering dept.) received an email from our boss having the subject, "How to COST-DOWN".


Labels: , , |
3 Responses
  1. 2ngaw Says:

    Yeah!Ang bawal minsan masarap lolzz

    Salamat sa pagbanggit ng Isang Minutong SMILE pre :)



  2. Reagan D Says:

    hay ang buhay ofw nga naman..tagay!




    word verification: GAMIN


Blog Widget by LinkWithin