ONLY BATANGUENO CAN UNDERSTAND
1. Witness sa Hostage Taking

Sa katatapos na hostage taking incident na nangyari sa maynila noong august 23 ng taong kasalukuyan isang witness ang lumantad upang isalaysay ang totoong nangyari sa insidente. Ganito ang naging takbo ng kanilang usapan...

Reporter: Papaano nagsimula ang lahat at papaano nakarating at nakasakay ang suspect sa bus?
Witness: Ay garne ho! Habang kamiy nakain ng aming almusal nung bukangliwayway nung lunes ay suminsay si kakang rolando. Ako ho'y nagitla ng masilayan ko ang kanyang mga abubot. Aba'y mga armas mo ho eh. Hindi ko na ga inurirat kung ano iyon ng makiusap na susuno sa akin pagluwas ko ng maynila. Pagsapit namin sa Maynila, ay bumaba na si Kaka at may nilimot na bagay sa lupa. Akala koy kung ano eh yun palay isang kitse lamang...
Reporter: Ano daw? (Sabay tumbling hanggang North Pole)

2. Airplane crashes at a town in Batangas

Isang eroplano ang aksidenteng nagcrash sa isang bayan sa batangas...

Media: Manong pakisalaysay ho ng nangyari?
Manong: Anla eh, garne ga takeng...habang akong nakikipaghuntahan sa aking kahanggan ay napaismid ako sa alapaap at nasilayan ko ang isang naglalagablab na bagay na animo bagay nasirok na papagayo. Ginagaling na laang at sa ilaya sa may sukalang kakahuyan nagpatak, kung sa bayan, talpog kang bata ka, sandamakmak siguro ang mauutas...
Media: Ano sabi mo?(sabay split)...



6 Responses
  1. roanne Says:

    my mother is batanguena... lol.. i am half...i can relate hahaha


  2. Lord CM Says:

    ala eh! di ko maintindihan eh!

    lolzz


  3. Mokong™ Says:

    Napunta na ko batangas dati, bandang Lipa at Batangas City, may nakainan kami dyan na Lomi, kakaiba ang sarap halohalong laman loob ng baboy o baka. Anu ba ang tawag dun?


  4. SCOFIELD JR. Says:

    @ate roanne. musta po, ulet...hamizz you!!!

    @kuya CM, yaan mo na. tagalog din yan...ingat


  5. SCOFIELD JR. Says:

    @kuya mokong...masarap talaga ang lomi sa amin...kaso di ko alam kung anu mg ingridients nila na yun...siguro yun ang secret recipe nila...hahahaha.

    salamat & ingat....


  6. arlini Says:

    bakit nga ba ang sarap ng lomi dun?


Blog Widget by LinkWithin