STRUGGLING BATANGENYO II
Ang isang blogistang batangenyo, hindi makukumpleto ang kanyang blog kung wala nito, Diksyunaryong Batangas, o di kayang Kaalamang Pangbatangas, sa iba naman ay Batangas Words of Wisdom. At para maging isang ganap na blogistang BATANG, gumawa din ako (all on list are usually used in my hometown), hindi ata 'to pahuhuli...hehehehe. At ito ay tinatawag kong BATANGAS DIK...listahan ng nawawalang salita mula sa baul ni lolo Apolinario.
  1. TAGAY - nakababatang kapatid na babae.
  2. KATANG - talangka.
  3. ULBO/KURAL - kulungan ng baboy.
  4. TANGKAL - kulungan ng manok.
  5. BARINGGAHAN - sink/lababo.
  6. SALAPE - singkwenta.
  7. ARILYOS - hikaw.
  8. APALYA - ampalaya.
  9. LAMUKOT - laman ng langka.
  10. SALAY - tanglad/lemon grass.
  11. ASBAG - yabang.
  12. TILAS - higad.
  13. IRIT - tili.
  14. BUMBA - poso.
  15. KILITIW - kuliti.
  16. LAGNAS - usually isang daanan ng baha mula sa bundok papuntang dagat.
  17. PARAGOS - maliit n parang kariton ng hinihila ng baka (means of transpo ng mga nasa paanan ng bundok, wala na ngaun nito).
  18. KINGKI - lampara.
  19. BILOT - tuta.
  20. LAYWAN - swarm of bees.
  21. MABUROK - maumbok.
  22. GATO - bulok or mahinang parte ng kahoy.
  23. TIBIG - patintero.
  24. TAKLUBAN - takipan.
  25. SANLAY - suman na di pa nababalot.
  26. BUGNOY - bulok na nyog.
  27. SAPAK or SAPAK BARO - larong piko.
  28. MALUKOM - pinggan na medyo malalim.
  29. MALANDAY - pinggan na medyo mababaw.
  30. UHOD - uod.

Ilan lang ang mga ito mula sa baul ng kaalaman ng aking lolo. Nawa'y nakapaghatid ito ng mumunting kaalaman ng mula sa aming probinsya. At mula dito masasabing ko sa sarili ko na...

I'm PROUD to be BATANGUENO.

P.S. HAPPY FIESTA (AUG.16) NGA PALA SA LAHAT NG BLOGISTANG LEMERENYO.

6 Responses
  1. Deth Says:

    taga-lemery ka ba?
    naku e di hindi pala ako blogistang-batangas...walang akong diksyunaryo na ganito eh...ahahaha

    1. MUAL - puno ang bibig
    2. DULONG - maliliit na isda
    3. GANIRE - ganito
    4. GABOK - alikabok

    ahahaha...madame pa:P


  2. cmvillanueva Says:

    kuyang, iipunin ko muna ang mga nakatago kong salitang batangueno...

    buuin natin sa blog ang diksiyunaryong batangan, di ba deth???


  3. Jepoy Says:

    Meron akong idagdagdag Ang housemate ko kasi nung college ay batangenyo at pinag tatawanan ko sya kasi ang lalim ng salita eto ang ilan:

    1. Nagpatak- Nahulog
    2. Katipan- pwedeng GF or BF
    3. Pamawe-Eraser
    4. Pampakinang- Eto ung pang shine ng Belt sa ROTC lolz


  4. RHYCKZ Says:

    @deth & @batanghenyo, pede tayo bumuo ng diksyunaryo...ate deth taga lemery ako...@kuya jepoy uu tama mga yan minsan nung college ginagamit ko din yan, di nila ako maintindihan...hahahah


  5. ROM CALPITO Says:

    ok din itong post mo
    may kasama akong kapangpangan dito para mabiro ko siya haha


  6. Anonymous Says:

    well written struggle becaz without struggle noboby can success .....

    Janny

    Cash Online Get Easy cash at your door step


Blog Widget by LinkWithin