Minsan sa ating buhay kelangan natin ng pagbabago.
Pagbabagong ispiritwal.
Pagbabagong pansarili.
Pagbabagong pang bayan.
Pagbabago ng pananaw.
Pagbabago ng ayos sa bahay.
Minsan pa nga pangbabagong anyo (like Rustom).
Marami sa atin ang nais ay pagbabagong panlipunan.
Sa kabila ng krisis, andyan pa din ang ating pag-asa na sana minsan, magbago ang lahat.
Napakasarap isipin na ang isang bansang malaya na minsan ng ipinagtanggol ang demokrasya, na nalugmok sa korupsyon at inggit ay muling babangon at magiging payapa.
Napakasarap ding isipin na ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang responsibilidad upang matupad ang pinakamimithing pagbabago sa demokrasya man o pang bayan.
Kung tutuusin hindi mahirap ang magbago.
Sa ating pananamit. Sa ating itsura. Sa ating katropa. Sa ating kaklase.
Minsan pa nga pati ugali kaya nating baguhin.
Pero bakit hirap na hirap tayong baguhin ang ating hindi nakasanayan.
Siguro kulang lang tayo sa disiplina.
Siguro kulang lang tayo sa tiwala sa sarili at sa kapwa.
Siguro hindi pa tayo handa sa pagbabago.
O di kaya naman ay ayaw natin ng pagbabago.
2010. Taon ng pagbabago. Panahon ng pagbabago.
Taon para pumili ng taong babago sa bayan.
Heto na naman ang taon kung saan pipili tayo ng taong ating pagkakatiwalaan.
Pagkakatiwalaan ng bayan. Ng bansa. Ng ating sarili. Ng bukas para sa ating mga anak at ng mga susunod pang salinlahi.
Taon para pumili ng mahusay na magbibigay ng matiwasay na bansa, bayan at lipunan.
Kaya ikaw kabayan saan ka man mundo.
Sa Pilipinas at sa ibang bansa man.
Wag sayangin ang karapatan pumili ng daan tungo sa pagbabago.
Dahil AKO MISMO ay sinimulan na ang pagbabago (dito mismo sa template ng blogsite ko!)
At AKO MISMO ay boboto sa 2010.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
tama tayo muna ang magbago
sa atin magmumula.
nice post