Its been almost six & a half years passed, when i first set my foot in the land of yellow raced people called Chinese, sa tagalog tsekwa or intsik beho. Naalala ko tuloy yung unang alis ko, siyempre habang makabagbag damdaming lumuluha sila Nanay at Tatay sa aking paglisan, magkahalong kaba at eksaytment ang nararamdaman ko. Kaba, kase bagong pakikisama sa ibat, ibang klase ng pinoy sa bansa ang makakasama at pakikibagayan ko, hindi pa naman ako sanay na may mga kasamang ibang dialect (usually ng mga nakakasama at nakakadaupang palad ko sa araw-araw sa pinas ay mga tagalog). Kaba ulit, kase sa tradisyon at kulturang dadatnan ko dun, hindi ko alam kung mabait ba ang mga magiging boss mo o hindi, sa kabila ng language barrier na tinatawag. Pero sa kabilang banda naman ng aking hyphotalamus andun pa din yung eksaytment na tinatawag. Excitement, kase isa bagong chapter na naman ng aking buhay pakikipagsapalaran ang magaganap sa loob ng tatlong taong kontrata na umabot hanggang anim. OO, kahit papaano excited akong alamin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa aking buhay nung nasa pinas ako. Buhay na may inaasahan, sinasandalan at inaaabangan. At least dito, matututo akong mamuhay mag-isa na tanging si PAPA Jesus lang tanging gabay at kasama. Hindi ko masasabing naging masama or maganda ang pagstay ko dito sa lupa nina Chiang Kai Shek, kase sa simula pa lang ng paglapag ng China Airlines hanggang makarating ako sa aming dorm ay nakaranas na akong ibat-ibang karanasan na di ko malilimutan kahit itanong mo pa kay Dear Charo. Sa pagpila pa lang palabas ng immigration ay naramdaman ko na ang presensya ni EVA KALAW at kahit na namamawis na ang aking mukha at nanlalamig na ang aking pakiramdam lakad pa rin ako na parang nagmomodel lang ng brief ng Bench, at nung makalagpas na kay mamang checker at tagatatak, punta kaagad ako sa CR na tinatawag nilang WC, na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. At habang nagmamadaling papunta ng WC naputol naman ang sintas ng sapatos ko na katas naman ng pagku-crew ko sa BK(Burger King) sa Masangkay, Sta. Cruz (harap ng St.Stephen's School at Chiang Kai Shek College, then nasa likod ang Hope Christian at nasa side naman ang Metropolitan Hospital). Makalipas ang ilang minuto umayos na ang pakiramdam ko sa kabila iritation na nararamdaman ng aking pwet, kase toilet paper ang gamit nila at hindi uso ang tabo at tubig bilang panlinis pagkatapos mong magpoo-poo. Subalit ilang oras pagkatapos makaraos kay EVA KALAW ay dinala naman kami ni manong drayber sa hospital for medical check up, standard procedure daw for foreigners na magwowork sa lupain ng F4 at ng 5566 (ang sarap palang pakinggan kapag tinatawag kang foreigner,lolz) namputsa napamura na lang ako sa sarili ko habang ngiting aso naman si manong driver na naka-sony ericsson bluetooth headset...
.....may karugtong.....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
binitin pa, susme!