BAWAL...(The Finale)
At ng magtama ang kanilang mga paningin, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tibok na ngayon lang niya naramdaman. Bibilis. Babagal. Hihinto. Bibilis muli. At habang ganito ang kanyang nararamdaman ay patuloy sa pag-slow motion move ang lahat ng nasa paligid maliban sa kanilang dalawa. Hanggang sa may narinig siyang....


"....Dont Cha! Dont you wish your girlfriend was hot like me? Dont Cha!....."


Ito ang musikang kanina pang nagpaplay sa loob ng supermarket. Paulit-ulit, pabalik-balik na animoy parang iisa lang ang laman na kanta ng CD na ginagamit. Isang minuto at kalahating araw pa lang ang lumilipas ng mapansin niyang parang lumalapit sa kanila ang mga taong kanina pang nag-i-slow-mo sa paggalaw. Papalapit. Dahan-dahan. Papalayo. Dahan-dahan. Muling lalapit. Hanggang sa sila ang maging sentro ng lahat ng taong naroroon. Patuloy sa pag-slow-mo ang mga tao sa loob ng supermarket at maging ang musika ay patuloy sa pagtugtog. Unti-unti. Dahan-dahan. Sabay-sabay. Papalapit. Papalayo. Sabay-sabay ang lahat, dahil.............


PRODUCTION NUMBER ito!!!


Patuloy sila sa pagsasayaw ng Dont Cha! subalit sa slow motion na pamamaraan. At ng malapit na sila sa katapusan ng kanta, biglang tumalon ang lalaki mula sa kintatayuan nitong hagdan. Huminto ang lahat maliban sa tugtog. At biglang bumagsak ang lalaki sa sahig..........



......ng naka- SPLIT.




Palakpakan ang lahat.

Ilang segundo at limang taon ang lumipas balik sa dating galaw ang lahat.


Bigla siyang umiyak.


-FIN-


6 Responses
  1. EngrMoks Says:

    Regal Film ba to? may sayawan s finale? hahahah Pero romantic din naman ang dating...lalo na yung pinaka last scene mo...iyakan!


  2. iya_khin Says:

    haay...lagi nalang may iyakan...


  3. 2ngaw Says:

    nag slow mo rin ata utak ko, di ko magets! lolzz


  4. eMPi Says:

    ang guloooooo!!!! Lol!


    iniimagine ko na lang nasa teatro ang mga nabanggit mo sa itaas...


  5. RHYCKZ Says:

    @EMPI, KUYA CM, IYA, MOKS,...hahaha, magulo talaga yan kase magulo ang utak ko at may sakit ako ng isulat ko yan...tamang adik lang....

    anyways, salamat pa rin sa pagdaan...


  6. sad pala ang ending..umiiyak..


Blog Widget by LinkWithin