BIBI AISHA...WOMAN
"A portrait of an Afghan woman disfigured as punishment for abandoning her marital home won the 2010 World Press Photo award for South African Jodi Bieber, organisers said on Friday."
-msn news-
Bibi Aisha at her Time Mag Pose & Bibi with her nose back with plastic surgery

Siya si Bibi Aisha, isa sa biktima ng karahasan sa kamay ng isang miyembro ng taliban mula sa Afghanistan. Nagka-asawa, inalipin at inalila sa edad na katorse. Nang hindi matiis ang pang-aabuso ng pamilya ng asawa, bumalik siya sa bahay ng kanyang ama. Subalit ng dahil sa mga tsismosong mga kapitbahay ay natunton ang kanyang kinalalagyan, kaya naman napilitan ang kanyang ama na ibalik muli sa asawa at sa pangako na rin na itatrato siya ng maayos. Subalit mas lumala ang sitwasyon. Isang araw habang magkasama sila ng asawa habang naglalakad, ay biglang tinaga ng kapatid ng asawa ang ilong at tenga ni Bibi, sa harap mismo ng iba pang Taliban members. Pagkatapos ng ginawa sa kanya ay iniwan siya sa kabundukan.

“I passed out, In the middle of the night it felt like there was cold water in my nose.” ayon sa isang interview sa kanya.

Sa kabila ng nangyari sa kanya ay nagawa pa niyang umuwi sa bahay ng kanyang lolo. At mula doon ay dinala siya sa ospital at kaagad na nilapatan ng pangunahing lunas.


Nakakalungkot isipin na may mga taong makakagawa ng ganun sa isang babae. Babae na dapat minamahal at inaalagaan. Babae na magiging kasama natin sa hirap at ginhawa, na magiging ina ng ating mga anak, na kukumpleto sa buhay natin. Marami sa atin, mismo sa Pilipinas ang nakakaras ng pagmamaltrato sa mga babae, mga babae na pinagsamantalahan at pinagtaksilan. Mga kaso ng pang-aabuso na minsan ay hindi na nabibigyan ng tamang hustisya. Na minsan ay nililimot na lang sa paglipas ng panahon. Nakakaawa subalit nakakabilib ang tapang nila at sa kabila ng ginawa sa kanilaa ay patuloy pa rin ang buhay. Buhay na puno ng pag-asa at bagong simula.



P.S. Walang maisulat kaya kung anu-anu na lang.... Happy Valentines to All!!!!

Labels: , |
5 Responses
  1. iya_khin Says:

    parang si MJ lang....di kaya matanggal uli ang nose nya?


  2. T.R.Aurelius Says:

    poor bibi....

    sana itigil na nila yung ganyang mga gawain!!! errrr!


  3. I CANT IMAGINE ONE CAN DO THAT TO A WOMAN. THANKS FOR SHARING.


  4. ang mga tulad ng asawa ni bibi ang mga lalaking walang karapatang mahalin ng kahit na sinoman..parang mga walang ina..walang respeto sa mga babae


  5. Ang lupit naman.. Ang tumaga sa kanya walang konsensya. Walang awa. Kung ako ang pangulo ng bansa diyan at mahuli ang gumawa ay ipakain ko ng tigre..


Blog Widget by LinkWithin