WINTER STORY
Today, December 18, 2009.
Taipei city got a 10 degrees temperature.
Dahilan para umurong ang betlog ko at matulog ng nasa itsurang letter C. Pero bago ako matulog nakipraktis muna ako ng choir sa church namin para sa misa bukas. After a couple of hours na praktis, nagpaiwan ako at ang dalawa ko pang kasamahan sa music ministry upang magayos ng ilang gamit. Pagkatapos ayusin ang mga song book, nagpunta kame sa basement ng simbahan para maghanap ng gagamitin sa re-enactment ng panunuluyan, habang naghahanap kami ng puting tela, nakakita ako ng parang dura box na lalagyan, then ng buksan namin sabay-sabay nakita namin ang isang lumang litrato na nakaframe (sosyal, may frame), alam nyo yung parang class pictyur na black & white, parang ganun, at ng iaangat ng kasama ko yung larawan biglang nakaramdam kami ng malamig na hangin mula sa aming likuran dahilan para muli naming ibalik ang larawan sa kanyang lalagyan, at ilang segundo pa nakaamoy kami ng di maipaliwanag na amoy at muli ilang sandali pa biglang bumunghalit ng tawa ang isa kong kasama upang sabihin na siya'y napautot sa takot.

Labels: , |
4 Responses
  1. Don Says:

    ang ganda namn ng tapei...sana makapunta rin ako jan


  2. Anonymous Says:

    freaky.. haha!


  3. RHYCKZ Says:

    @donster, oo at andito din ang 101 at ang famous stinky tofu na talaga namang mabaho at masarap.


  4. RHYCKZ Says:

    @chikletz, uy miss you na...tagal mong nawala, ako ba di mo namiss...welCUM bak & merry xmas...


Blog Widget by LinkWithin