SINO! AKO?, AKO!, SINO?
Dahil dumadami na ang aking tagasubaybay (lol, meron ba), mga 40+ lang naman sila at yun po ay sa loob ng isang taon at kalahating dekada. Kahit na po ang ang iba ay sapilitan at kailangan pong tutukan ng baril, opo dinaan ko po sa dahas para lang i-follow ako (hahaha, joke lang) at para na rin makilala ako ng lubusan at mairekumend nila ako sa kani-kanilang mga friendship na nagbo-blog din, gumawa ako ng samu't saring intriga sa aking sarili ng may bahid katotohanan. At sa mga magsasabi na inggitero akong palaka, opo ingitero ako sa mga may post na may tema na gaya nito, at huwag nang makialam pa kase, bahay mo ba to? hahaha. Anyway, haywey here are some pointers on how you can know & recognize me sa may di kalayuan sa dako pa roon...

1. Matangkad ako, depende sa kasama, kapag si Mahal o si Mura, aba eh, higante ako, pero kapag ang koponan ng San Miguel eh, "sir, towel po!"...Matangkad din po ako sa malayuan! At magaling ang performance level. :)

2. Nagtapos ako ng elementarya sa isang probinsya na puno ng matatalino...(wag kokontra!) hehehe...may hhhhonor naman din po ako nung hhhelementary...Kasali din ako sa feeding program ng gobyerno noon sa mga batang malnourish at every month, may supply kami ng nutri ban, bulgor, green peas at kung anu anu pa, na kapag pinagsama-sama mo, magiging feeds na sa manukan. lolz! (thanks to Pres. Marcos)

3. Skulmeyt ko si Azel Valencia Vergara ng HodgePodge nung high school. Siya po ang company commander namin sa Platoon Charlie. Lagi po niya kaming pinapag-pumping salute....

4. Moreno, medyo kulot ang buhok, medyo sarat ang ilong. (talagang nilagyan ng medyo para hindi description ng ita...hehehe)

5. Hindi ako mahilig sa mga lab song. (heyreeetttt!).

6. Alternatives & RnB ang trip ko. Pero peyborit ko si Josh Groban.(sana madiscover din ako nila Tita Oprah, para makasama ko sila *chanting, chanting*...hahaha, in my dreams!)

7. Nagtapos ng kurong medisina sa Ateneo, kapatid sina Lucia, Paciano, Narcisa, Olympia, Saturnina, Maria, Concepcion, Josefa at Trinidad & Tobago. Naghimagsik laban sa Kastila...hahaha. Siya po ang idolo ko nung elementary, kasi sabi ni Mrs. Mendoza.

8. At dahil nga sa gusto kong maging bayani, nag o-ep-dabal-yu ako nung way back 20** at dito ako tinangay ng tadhana sa bansa ng mga taong dilaw (yellow raced) para maghasik este magbahagi ng karunungan na aking natutunan sa Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas (TUP) o yung tinatawag na Totoong Unibersidad ng Pilipinas...lol...(sori namen sa mga taga-UP! hahaha)

9. Masayahin ako. Kahit pag tulog. (Para sa panaginip hindi ako malungkot.)

10. Mahilig akong magbasa ng kung anu-ano, sa sobrang hilig ko pati yung mga chinese characters at arabic pati na rin yung sa mga Thailanders ay pilit ko pong binabasa at sa awa naman po ng Diyos, hindi ko maintindihan...lolz (nakakabasa po ako ng chinese characters sa totoong buhay & im looking forward na sana marami pa akong malaman, kase ang pagkakaalam ko mahigit sa 2000 ang kanilang characters at ang bawat apat na character ay may iisang bigkas at intonation lang ang pinagkaiba).

11. Scared much at ayoko ako sa mga ahas...ahas sa gubat at sa patag man.

12. Gusto kong makarating ng Boracay. Boracay ha! hindi Boraot! (Kase sa twing may plano ang tropa ng Boracay, imbes na maging Boarcay nagiging Boraot...)

13. Kapuso ako, Ka-Monster (RX93.1) at GLEEks din.

14. Naghihilik ako kapag pagod at sa tono ni Pavarotti.

15. Wish kong makasakay sa Bullet Train dito sa Taiwan bago ako umuwi.

16. Lumablayp at lumandi sa edad na 25. (oo, ikaw na ang hindi late bloomer!!! lol).

17. Nangarap kumita ng malaki at nag-apply sa Canada pero nabigo. (Hindi pa daw time para ibigay sa akin sabi ni Papa Jesus, kaya wait lang daw muna.)

18. Nagiinom akong mag-isa minsan. Hindi GIN ha! eewww!!! (Ano palagay mo sa akin foore!)

19. Ayokong matulog ng patay ang ilaw, maliban na lang kung may kahalay! hehehe!

20. At wini-wish ko na sana lolo ko si Dumbledore. hahaha

Ilan lang yan sa mga katangian kung sino ako. At sa mga nagnanais pa akong makilala tawagan nyo ako sa number na ito 0~9, (oo, zero to nine!) bahala na kayong magcombine-combine. lol.

Anyways this is me,
Pero hindi ko po likod yan...hehehe(dito galing). I'm just emphasizing the word "KING". Because, that's what my name means, in Latin.
Labels: , , , , |
5 Responses
  1. iya_khin Says:

    hahaha! lab the #11 pareho tayo!!

    by the way, mahalay ang link ng tattoo mo,nawidang ako!!!


  2. RHYCKZ Says:

    Thanks Iya, hahaha

    ganda kaya ng link na yun, andaming flowers! hahaha

    ingat ate


  3. Jag Says:

    rex ikaw b yan? lol...kala ko p nmn my tatto ka ang ganda ng tattoo eh...


  4. hanglandee gumaganitong post1aliw much hehehe "
    14. Naghihilik ako kapag pagod at sa tono ni Pavarotti."..imba!idol na kita kung ganun hehehe


  5. ganun hindi ka natutulog na patay ang ilaw except kung may kahalay...karamihan ay natutulog na pinapatay ang ilaw..ibang klase ka..


Blog Widget by LinkWithin