"Hindi maaari!", yan ang mariing wika ng kanyang ama. "Sapagkat ang katulad mo ay nababagay lang sa mga katulad din natin".
Iyan ang mga katagang patuloy na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga, na naging dahilan ng kanyang pagluha...
Siya ay nag-iisang anak ng negosyanteng intsik mula sa China. Lumaking kasama ang ama at napadpad sa Pilipinas ng madestino ang kanyang papa sa Manila. Bilang nag-iisang anak sunod ang lahat ng kanyang gustuhin at sa kabila ng kanyang karangyaan ay marunong siyang makisama sa ibang tao lalo na sa mahihirap, may pananaw at pagpapahalaga sa buhay. Kaya bukod sa angking kagandahan hindi maikakaila na marami ang humahanga at gustong manligaw sa kanya. Subalit masyadong magpit ang kanyang ama.
Isang araw habang nag-gogrocery siya ay nabagsakan siya ng palumpon ng sanitary napkin sa ulo na siyang ikinagulat niya, magsasalita na sana siya nag marinig niya ang katagang,
"Ay! Miss, sorry po!" tinig ng isang lalaki na nagaayos ng patas ng sanitary napkin habang nakatungtong sa isang hagdan.
"Akala ko kasi walang mamimili", pahabol nito.
At nang tignan niya ang lalaki sa may hagdan, biglang nagslow-mo ang lahat ng nasa paligid niya. Ang kaherang nagbibigay ng sukli, ang batang umiiyak, ang tinedyer na tumitikim ng mga free taste. Hindi niya mawari at maisip kung anong nagaganap kung bakit nagslow motion ang lahat pero sa loob niya ay naramdaman siyang kakaiba.
-may karugtong-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
par nakakabitin naman to...post mo agad yung kasunod...
MORE!
hmmm.. na love at first sight? hehehe
Taena bitin! Haha.
UI! Buma-blog-novela hahaha! Habaan mo naman next time bosing hehehe...
true to life ba to? uuyy buma-valentines! :D
kailangan bitin?
amf
\hahahaha pumupuso..
\sumasakto sa V-day?
kaabang abang ang kasunod sa kuwento..ipost mo na..
short story na rin tema ng blog mo? hehehe, pumupuso ka na ah :D
hmmpt..bitin..sna pinost mo ung karugtong,hehe
bitin!next next next!=)
@MOKS, hahaha, ganun ba, nagtry lang ako ng ganito, nakikiuso lang. :)
salamat sa pagdaan!
@DEMI,salamat din tol sa pagbisita...ingat!
@EMPI, hahaha, siguro tignan natin sa susunod na kabanata, yun eh kung meron pang kasunod...lol
salamat sa pagsilip...
@GOYO, hahaha, testing lang, bumabalentayms!!!
ingat!!!
@JAG, uy pare, musta, salamat sa pagdaan...hahaha, nakikiuso kase balentayms!
ingat!
@ROSE MARIE, hahaha, hindi ito totoo, wala magawa sa trabaho kaya kung ano ano ang pumasok sa utak taz yan lang ang natandaan ko...wala lang tamang adik lang...hapi valentines!!!
ingat!
@YANAH, hahaha, sayang kaso parang di aabot sa balentams ang mga karakter kase papatayin ko na sa susunod...lol, bahala na si batman sa kasunod sana ganahan ako....
salamat sa pagbisita...
ingat!
@KUYA CM, umaadik lang, kase pinaglilihi ako sa ampalaya tuwing february...hahaha.
salamat sa pagdaan...ciao, ingat!
@EMMANUELTHEO, bro salamat sa pagbisita...welcome welcome...
ingat!
@ARVIN, pare musta long time, salamat sa pagdaan...sana makaisip ako ng kasunod kaagad kahit ako nag-aabang ng isusunod...hahaha
ingat tol!
@SUPERJAID, heypi bertday & heypi valentines sa yo...
ingat palagi!!!