Kagabi while I was sleeping, ay natapos ang dinadownload ko na movie, eto nga yung Gullivers Travels starring ang mataba at malanding si Jack Black. So, to cut the story short, pinanood ko siya kaninang umaga, as in paglabas na paglabas ng unang ray ng sun na may nakasulat na Cavite (isa sa walong probinsya na unang naghimagsik sa mga kastila! remember, SIBIKA at KULTURA...hehehehe). So yun na nga, sa sobrang heksayted, pinanood ko na siya, siyempre kelangan malaman ng buong madlang people na pinapanood ko ang bagong bersyon ng movie na ito na mula sa libro ni Jonathan Swift. Change FB status (check!), tweet via tweetdeck (check!), YM status availability (check!), plurk (no check!), sa 3 lang na nabanggit kasi ako sobrang pinaka-close (parang tao lang!) kaya sori naman sa plurk! lolz!
So, para sa mga ayaw ng spoiling or spoilers, lumayas ka at wag ng ituloy ang pagbabasa, putamuch ka! lolz. Wala kayong magagawa dahil natawa much ako sa movie. Hehehe...
To start reading my spoiler post, press 1 on your keyboard (iieject kayo nyan hanggang Liliput). Istorya ito ng isang lowly mailman clerk sa isang sikat na newspaper company sa Nyu York, na nagngangalang Lemuel Gulliver (Jack Black). Parang isang common tao na nagkakamot ng betlog, nagkakagusto sa isang kasamahang empleyado, kumakain, umiinom, nagchachat, may iphone, etcetera, etcetera. At nung minsan na may initerbyu syang bagong aplikante to be na magiging kasama niya na natanggap din naman at napromote in an instant, tapos naging kadate pa ng kanyang secret love, dun nagsimula ang kanyang adbentyur. And after also he bluffs his way into an assignment writing about Bermuda Triangle, nagtravel siya dun para maibsan na rin ang kanyang naipong pagnanasa kay sexy Darcy (Amanda Peet) at naging daan para madiskubre nya ang Liliput, ang bayan ng mga tiny tiny people, called liliputans (parang iiputan lang!). Habang nasa liliput siya ay tinatawag siyang beast ng mga residente dun kabilang na nag King, Queen, princess, the General, pawns, horses, rook at bishop. At nung makulong siya sa isang espesyal na kulungan, sa isang plateau, nakilala naman niya doon si Horatio (Jason Segel) na nakulong dahil sa salang pag-ibig sa prinsesa (kasalanan pala ang umibig). At nung umatake ang kalabang kingdom ng Liliput para kidnapin ang prinsesa, doon nagpakitang gilas ang ating bida. Nang mailigtas ang prinsesa, nagkaroon naman ng sunog sa castle kung saan andoon ang hari, dahil kelangan ng tubig at natataranta much ang mg tiny peoples, biglang nag-appear ang bumbilya ng Phillips sa ulo ni Gulliver at kasunod ang jingle na "Ovaltine poweeerrr!" Walang pakundangan siyang naghubo at ipinakita ang kanyang putotoy at saka nagweewee ng ubod lakas na parang isang bumbero lang.....
And the rest.....
Panoorin niyo na lang, baka kase mabuwisit lang kayo dahil iwinento ko na ang lahat lahat, lalo na ng ginawa niyang mala-New York city ang Liliput. Isa pa hindi naman ako magaling gumawa ng buod...hahaha...
Anyways, nice ang movie, nakakaaliw siyang panoorin, yung copy ko lang ang hindi kase cinema copy. But then magkagayunpaman ay pinagtiyagaan ko pa rin at first time kong manood ng movie na cinema copy, usually naiinis ako at hindi ko na pinapanood or tinatapos ang isang pelikula kapag cinema copy. Nakakapanghinayang talaga na na-invade na talaga ng piracy ang industry ng paggawa ng pelikula. Wala naman tayong magagawa sa iba, kung piliin nilang maging praktikal, sa hirap ba naman ng buhay ngayon eh mas pipiliin mo pa bang gumastos ng 200 to 300 para lang manood ng pelikula? (Biglang naging seryoso daw ako! hahaha). Pero mas maganda pa rin yung original, kahit na medyo may kataasan ang presyo, yung quality naman ang hindi mo makikita sa isang pirated copy... Amen!
Have a nice day to ebriwan!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ahmmm sakin lang ha,mukhang nasayang yung pinangsine ko..hahaha may mga kwelang scenes,pero sa kabuuan di siya patok sakin
nag enjoy sa pagbabasa.
tgal kung d nakadalaw dito.
Sus.. nag warning ka na nga na this would contain spoilers.. pero sige.. nagbasa pa rin. Tigas ulo rin ano. hahaha...
Anyway, parang ang saya ng movie.. base na rin sa mga nasulat mo. Sige, download rin ako mamya. hihi..
My Tasty Treasures
Everyday Letters
haha... bz hang online social networks mo ahhh... makapag tweet nga... parang naiinggit akoh... haha... oh yeah sige mag feeling close tau... mala-gerald alderson bah... sige nga bigyan mo ako nang pix greeting... singit ko.. haha... dont wori nde kita pipilitin... juz if u want to... lolz... ingatz nd Godbless!
Aha, puwede palang i-download? hehehe. Tagal ko na yan inaabangan eh.
di ko pa napapanood iyan..
di ko pa naddl kase naman hindi pa ko nakakauwi sa baguio.. anung konek? ala naman eh akse dito sa manilabelles, globe tattoo lang ang gamit ko.. pag umabot ka ng 1g mapuputol ung net connction mo for 24 hours minsan more.. :( malamang pag uwi ko na.. at nagpaliwanag talaga ako noh? amf loser.. hahahaha