Its almost a decade na pala, since the day i first set my foot here in Taiwan. Parang kelan lang, simula ng iwan ko ang bansang Pilipinas, ang bansa kung saan hindi ako nabigyan ng magandang oportunidad na mapaunlad at maibahagi ang sarili kong kakayanan. Marami akong pangarap noon, after kong grumadweyt, sabi ko sa sarili ko, gusto kong makapagtrabaho sa either GMA o ABS, sa madali't sabi, isa akong ambisyoso. Pero ganun pala talaga yun kailangan mong sumabay, makipagsabayan o higitan ang kumpetisyon. Kumpetisyon, na hindi lang ang sarili mong kakayanan and iyong panlaban, kundi kumpetisyon pati na rin ng eskwelahan na iyong pinanggalingan. Noon, after i took the board exam, nag-apply ako sa ABS, hindi ako nakapasok kahit man lang sa gate o kahit yung tignan ng guard ang bag mo hindi nangyari, in short nakapila lang ako simula 5AM ng umaga. Nung time na yun, may limit ng aplikante ang pinapasok at binagyan ng hope. Sa loob loob ko noon, may araw din kayo, hahaha!
Anyways, after my failed application sa communications area, i try another, sa semicon, though i had an offer, sobrang malayo naman, i'm a city guy person kasi (hahaha! feeling! ) ayoko kasi ng malayo sa pamilya at hindi ko pa kayang mag-solo nun, baka kasi mareyp lang ako. hahaha! So I tried another, this time, pinatulan ko na, anything kahit out of my studies, basta hindi magpapatigas at magpapatindig ng ano... ng bakal at hindi maabuso ang mura kong katawan. Lol!
After a month or so, i was accepted sa Astra Zeneca Pharmaceuticals, malayo man sa pinag-aralan ko, i took the job, after all, its still a job that can support my needs and besides thats the reason naman kung bakit tayo naghahanap ng work, di ba? Lol! Sa Astra iyon yung masasabi kong first serious job ko aside nung estudyante ako, mga part time, part time, ganyan! dun ko naexperienced ang lahat, ang makasama ang ibat ibang klase ng tao, mga sosyalera, chismosa, mga nerd, tahimik, at mga feeling sosyal, in short, naenjoy ko ang trabaho ko. Pero, ganun pala talaga ang tao, kapag nagiging routine na lang ng ginagawa mo at nararamdamn mong walang kang growth, hahanap at hahanap ka pa rin ng iba. So i applied again, this time, gusto ko out of the country naman. Gusto kong maranasan ang makasakay ng eroplano. Takot ako noon sa mga news about sa mga Arabo, kaya middle east is not my option. I went to an agency somewhere in Malvar, near PCU, wherein Pepsi Singapore is in need of Technician, at dahil yung criteria nila is something about bottle blowing and some sort, i applied, since sa Astra im doing the same naman. Kinunsider naman nila yun application ko but then, after two days they said na they needed those who had 3-5 years experience. Imba lang!
Mahirap magjob hunt for aroad noon lalo pa't kulang pa yung experience mo, but sa kabila ng iyong pagtitiyaga at the end you will find one naman. So sa madalit salita, may nagopen ng pinto, pinto ng opurtunidad sa bansang Taiwan. I was interviewed sa isang agency somewhere in Project 8. Sabi nila, a Semicon company is in need of engineering graduates. So nagexam kami, nagulat ako sa exam, akala ko tapos na pagiging estudyante ko, kasi ba naman ang exam is, from Boylestad's book, pinasolve kami ng common emitter biasing ng walang calculator. Kamusta naman! But kahit na mahirap yung exam, i passed and was selected.
At dun na nagsimula ang lahat lahat sa buhay ko, bilang tao, at bilang OFW....
....itutuloy
0 Responses
Post a Comment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)