Sa kanila ako natutong magsulat.
Magbasa.
Kumanta.
Magdrowing. (kahit puro stick lang lumalabas kapag tao)
Tumula.
Magrecite ng "All Things Bright & Beautiful".
Mag-ispell ng chlorophyll at fuschia.
At magkompyut ng mga letra.
Sa kanila ko din natutunan ang magtinda (pati panis na kamote).
Manahi.
Magluto.
Maggantsilyo.
Gumawa ng minatamis na kamyas.
Magbungkal ng lupa. (walang sinabi ang farmville)...at
Gumawa ng kung anu-ano mula sa kung anu anong bagay.
Sa kanila ko nakilala si Jose Rizal.
Si Plato.
Si Darwin.
Si Armstrong.
Si Ghandi.
Si Shaider.
Si FPJ.
At kung sinu-sino pang lahat ng patay na.
Mula sa simpleng plus-minus hanggang sa Advanced Math.
History ng barangay hanggang sa World History,
Minsan pati history ng kapitbahay ko.
Nalalaman ko.
Kaya't kung anu't ano pa man.
Ang antas ng ating pinagaralan.
Saan ma't anuman ang ating narating
May Nerd man o Miss Tapia.
Iisa lang ang pinagmulan ng ating kaalaman.
Mula sa ating mga ina.
Hanggang sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng karunungan,
At ng kaalaman.
Ako'y patuloy na nagpupugay,
At walang sawang nagpapasalamat sa ating...
Mga DAKILANG GURO.
Happy World Teachers Day!!!
0 Responses
Post a Comment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)