Naalaala niyo pa ba ang formal at informal theme sa subject na ingles then yung kathang pormal at di pormal sa filipino subject nung mga elementary pa tayo? Well, wala lang gusto ko lang sabihin na simula bata pa lang ay nagboblog na pala tayo. Yun nga lang si titcher lang ang nagbabasa at nagkokomment then nagkokorek using her red ball point. Na kung minsan hindi mo na makita ang pen na ginamit sa sobrang dami ng koreksyon at sa bandang taas ay ang lumalagapak na sitenta'y singko na grado (buti na lang nasa row ONE ako...heheheh, shifted child kase ako). Nakakamiss at nakakatuwang isipin na ang kapatid mong grade 4 ay nagsisimula ng magblog, na ang batang bading na kapitbahay mo ay unti- unti ng humahabi ng mga talinghaga sa pagbuo ng kwento habang sumasayaw sa saliw ng nobody. Siya nga pala ang una ko isinulat noon ay ang walang kamatayang "Ang Aking Talambuhay" at ang "My Autobiography" na nagkakabaligtad ng pwesto ang letter H at P.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hehehe :D Oo nga ano?...pero pag english, talo ako jan..pinapagawa ko sa ate ko lolzz
wala lang, nalaala ko lang ng tumawag ako samin at tinanong ko kung ano ginagawa ng kapatid ko ang sabi gumagawa ng formal theme ng pamangkin namin...salamat kuya sa pagbisita.
...nakakatuwang isipin...pero t0to0...
@freddie lore, oo kuya, we are truly a bloggers eversince we learned how to read & write, kuddos to our teachers by the way.
thank buddy for dropping by...
Naalala ko tuloy mga pinagsusulat ko nun' nilait pa ng teacher ko ang kinalahig na manok na penmanship ko...