YO!!!
YO DUDES, WAZZUP
PAGKATAPOS NG TRAHEDYA...
PAGKATAPOS NG KABI-KABILANG KALAMIDAD...
ANDITO PA DIN TAYO.

SAMA-SAMA,
NAGKAKAISA,
TULONG-TULONG
AT PATULOY NA NAINIWALANG...

SA LIKOD NG DILIM, AY MAY LIWANAG.
AT SA BAWAT PAGSISIKAP, AY MABUTING AANIHIN.
HINDI SA FARMVILLE O SA FARMTOWN,
KUNDI SA PAGKATAO AT PAGIGING TAO NATIN

NAKAKAPAGOD? OO, TALAGANG NAKAKAPAGOD
ANG SUMAKAY SA BIYAHE NG BUHAY
NASASAKTAN, SUMASAYA AT NALULUNGKOT,
YAN ANG KARANIWAN MASASALUBONG MO.

SUBALIT SA BAWAT SAKIT AT PAIT
NATUTUTO TAYO.
NATUTUTO TAYONG, MAGING MATATAG
MAY PRINSIPYO AT MAY PANININDIGAN.

KAYA SA LAHAT NG NASASAKTAN,
SA LAHAT NG SUMASAYA,
AT SA LAHAT NG NALULUNGKOT,
NORMAL LANG PO YAN DAHIL TAYO AY...

TAO LAMANG

(LET US OFFER SOME PRAYER TO THOSE WHO PERISHED FROM THE WRATH OF TYPHOON ONDOY & DONATE IN ANY KIND (e.g. CLOTHES, FOOD, GOODS, MONEY) TO THE VICTIMS OF THIS TYPHOON)



Labels: , , |
8 Responses
  1. period Says:

    kaibigan, naka duty po ako sa newsroom simula friady hanggang sunday nung mangyari ang matinding baha..ingat ka diyan


  2. Deth Says:

    your right...natututo tayong maging matatag, sa bawat pagsubok...sa lahat ng mga nawalan ng mahal sa buhay, mga ari-arian...alam natin na patuloy ang buhay at may dahilan ang lahat ng bagay.


  3. Jepoy Says:

    Aba aba makatang makata! Pero tama ka after ng dilim may liwanag din. Don't loose hope Pilipinas. Mabuhay ang mga Pilipino :-D


  4. 2ngaw Says:

    Yun na lang ang magagawa natin pre, maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay...

    Good Luck sa atin :)


  5. Anonymous Says:

    kaso may parating na naman eh.. hayy..


  6. RHYCKZ Says:

    @deth, nabasa ko ng sa isang leaflets dito ang question na ito, "why does the God let us experience this disaster, e.g. typhoon, tsuanami, erathquake, etc? tama ka, i think we need to realize na all of these had a purpose.

    @kuya jepoy, sabi nga ni alex santos palagi, "pilipinas, umasenso ka". Hindi ibibigay ng diyos ang lahat ng ito ng hindi natin kaya...kaya sama-sama tayo para sa pagsuporta sa isat isa ng bukal sa ating puso...naks, seryoso ata ako dun ah.

    @lordcm,isa pa tol, yung faith mo sa diyos...kahapon habang nanonood ako ng live feed ng GMA sa facebook, marami mga chatters ang gustong tumulong...nakakatuwang isipin na sa panahong ganito nagiging isa ang ating mga adhikain para sa sarili, a kapwa at sa bayan...

    @chikletz, uy namiss naman kita busybusyhan ka sa skul ah...anyways thanks at di mo kami nakakalimutan...oo nga eh...ginagawa na atang tourist spot ng mga bagyo ang pinas...heheheh


  7. RHYCKZ Says:

    @period, buti naman kabayan at ayos kayo jan...ingat din kayo...


  8. gillboard Says:

    sa mga panahong ganito lumalabas ang pagiging mapagpursige at likas na matulungin nating mga pilipino...


Blog Widget by LinkWithin