TIYUBIBO


Pssstt! 
Bata!
Halika! Laro tayo!
Matagal na akong naghihintay sa'yo. 

Alam mo ba?
Marami na akong napasaya at nabigyan ng tuwa.
Marami na rin akong nasaksihan dito,
Alam mo ba yun?

Naging takbuhan lang naman ako...
Ng mga taong gustong sumaya.
Nang mga taong gustong makalimot kahit sandali sa mga Problema.
At siyempre ng mga batang kagaya mo.

Kagaya mo, na sa murang isipan at edad
Ay pinagkaitan ng tadhana
Pinagmalupitan. 
Inalila.


Halika! sakay ka na!
At sisiguraduhin ko sa bawat pag-ikot natin.
Isangdaan at isang tuwa ang iyong makakamtan.
Huwag ka nang matakot.

At 
Huwag ka na ring malungkot
Ako ito,
Ang iyong kaibigan...




Ang TIYUBIBO



(Ang entry na ito ay ang aking lahok sa kategoryang Freestyle Blog ng Saranggola Blog Awards 3)
4 Responses
  1. empi Says:

    sabi na nga ba e... sa SBA to. Hehe!

    Good luck, kuya! :D


  2. Aj Banda Says:

    nakakatuwa naman itong akdang ito..

    good luck sa SBA! :)



  3. Zen Says:

    Dear Tsubibo.. Hindi ka ba nahihilo? ahehehe. Nice poem po. May personal touch. Good luck po sa SBA! :)


Blog Widget by LinkWithin