TOP 1 daw ang BLOG ko!.....................................IN MY DREAMS.
Last week I signed to Alexa The Web Information Technology, pero hindi yung PRO, yung FREE lang. Well, for sure, alam na halos lahat ng blogger kung ano ito at kung ano mapapakinabangan dito. And because im so Gaya-Gaya Puto-Maya nakisali ako at nag-sign up kahit hindi ko alam kung ano ang mapapala ko dito.Lolz! Ay! meron pala, siyempre pamparami rin ng features na makikita sa blog kong kulay pula. Well, for those who dont know what this Alexa thing is, ito lang naman yung mag-aanalyze kung gaano kasikat ang iyong site, website, cellsite, site 1, site 2 at kung anu-ano pang site. Ito rin yung mag-rarank ng traffic sa site mo, kung umaabot ba ng South Luzon ang traffic sa Maynila, o kung may traffic bang nagaganap sa isla ng Mulanay,  kamustahin naman natin ang traffic sa EDSA, pasok Love Anover & everything. In short this Alexa, will rank your site world wide according to the traffic that you've made from a  reader or a visitor, sa tagalog....sa tagalog.....sa tagalog..... potah, hindi ko maiisip sa tagalog, ah! basta kung sa iskul, pag matalino ka top 1 ka, kung nasa tabi ka ng basurahan, amoy basura ka! joke!.


**********
So eto na nga! nang makuha ang code to embedd para sa site ko, eto ang lumabas. 


Syet! 26,638,428.......... ang pera ko sa bangko, yey!, papakain ako! papakain! papa! pa!........ 

"Tanga! yan ang ranking ng site mo", sabi ng aking konsensya. (oo, sumisigaw at nagmumura ang konsensya ko, hindi kase nag-safeguard.)

Lolz! 

Kung naging pera lang sana ang figures na yun libre ko kayong lahat ng tokneneng dyan sa may San Marcelino, sa may labas ng SM-Manila, o di kaya dun sa tabi ng Student Store corner Ayala Blvd. at kung gusto niyo pa, libre ko kayo ng lunch na may ipis flavor, diyan sa Maan's Carinderia sa may Zobel Street. 

Uy! di makarelate. 

Sa mga di makacatch up sa mga pinagsasabi kong walang wenta, asked niyo na lang ang katabi niyo ngayon, hihihihi!. 

Ang mga lugar at tindahan aking nabanggit ay makikita sa likod ng TUP-Manila, Left side ng PNU at right side ng ADAMSON U or kung di pa rin makita, i-google map nyo na lang, (zushial!)


**********
26, 638, 428. Meaning may nagtyatiyaga pa ring bumisita at may naniniwala pa rin sa mga pagpapapansin at pagbabate ko sa blog world. Meaning, natatrafiic din sila ng super, mega, devine, diamond, phenomenal, optimum, (star?) slight lang. Meaning, sumisikat na..........ang arawwww (umaga na pala!), sumisikat na pala ako ng  super, mega, devine, diamond, phenomenal, optimum, (star? ulit) mini slight lang. 

Salamat sa lahat, ng bumibisita (na kalimitan ay ako din lang! lols), dumadaan at nagsasabing ay "eto pala yun", sabay close agad. hahaha. Well, seriously, salamat, kahit isa lang akong alikabok sa mundo ng sapot, may time pa rin kayo na ako'y pansinin upang punasan at alisin ang nabubulok sa di nabubulok. (Greenvironment, ON!) Lol.

Imagine, all over the world daw yan. Hmmm...Ako na!

Kaso base sa aking bubwit, 26,638,427 lang daw yung legal na site kasama na ang youporn, spankwire at porntube. Hahaha. So paano nangyari na 26,638, 428 ang ranking ng site ko, hmmmm, malamang PERA nga yan, pera ko yan. :)

Anyways, sa lahat ng gustong makaLINKisan ang inyong pobreng abang (pobre na, aba pa) lingkod. Just link my dumpsite site and I linked you back, guaranteed or Call 0800-oh-tu-ten. At sa lahat ng nag-LINKed sa akin Salamat at Thanks!

Oh by the way eto pala ang blog site ko, www.tintadefilipinas.blogspot.com

Thanks!


**********

6 Responses
  1. empi Says:

    IKAW NA! LOL.

    PABURGER! :D


  2. Zyra Says:

    dumaan ako dito kanina
    kasi nga dahil dun sa word na "in my dreams" hehehe

    tapos hindi ako nagcomment~
    tapos nagcomment ka sa blog ko

    tapos bumalik ako dito para magcomment
    ng...
    SALAMAT marami as in.
    touched talaga ako ng sobra.

    Sa December na ang TABA2011, join ka ult :)


  3. tim Says:

    Pa burger naman dyan! Daming FERA!


  4. manik_reigun Says:

    pak! kala ko spankwire link to. pfft.
    nawala tuloy gana ko.

    ;p


  5. Akoni Says:

    first time ko makabasa ng blog mo..makulet...gusto ko mga tirada mo. BOOM!!!


  6. Zen Says:

    Wow.. libre libre... :) Overwhelming talaga ang gantong mga pangyayari.. :)


Blog Widget by LinkWithin